Regine Tolentino nagsilang ng anak nila ng partner na si Dondi Narciso sa gitna ng pandemic. Regine isinalarawan itong napaka-traumatic na karanasan.
Panganganak sa gitna pandemic
Sa pamamagitan ng digital press launch ng kaniyang pinakabagong product endorsement na Radiance C vitamin supplement ay nagbahagi ang actress, host at kilalang fitness instructor na si Regine Tolentino tungkol sa karanasan niya sa panganganak sa gitna ng pandemic. Pagsasalarawan nga ng aktres, ito ay napaka-traumatic na experience na nagpapasalamat siya na kaniya ng lampasan.
Kuwento ni Regine, kapapanganak niya lang nang magsimula ang lockdown noong March 17. Pero bago pa man siya manganak ay ramdam na ramdam niya na ang nakakatakot na epekto ng kumakalat na sakit.
Stressful at traumatic na panganganak
“I have never been so scared in my life. Because Dondi (Narciso, Regine’s partner) and I am were going in out of the hospital every day since March for checkup kasi gustong-gusto ko na manganak. And hindi pa ready, hindi pa nag-didilate ganyan. And we were so scared kasi baka ma-kontak namin yung virus somehow.”
Ito ang pagkukuwento ni Regine sa kaniyang karanasan. Pero maliban rito mas naging stressful at traumatic pa nga daw ang kaniyang karanasan noong ipinanganak niya na ang kaniyang baby girl na pinangalanan niyang Rosie Rignée.
“Rosie was born with pneumonia so she was confined in the hospital for 10 days. I went through so much stress parang napaaga ‘yong post-partum depression ko. Kasi, I felt I was crying morning until night every day that I was in the hospital kasi na-CS din ako. And so, with that all the stress of not being able to be with your child on the first few days. The stress of like kung lalabas ang breast milk mo, kung makikita mo siya. At saka kung paano mo siya ilalabas at iuuwi.”
“It was a very traumatic experience for me to be honest.”
Ito ang dagdag pang pag-kukuwento ni Regine.
Regine Tolentino on overcoming fear and stress ng panganganak
Maliban nga rito ay naging struggle rin kay Regine ang pag-aalaga ng kaniyang new born baby. Dahil halos dalawang dekada na umano noong huli siyang magkaroon ng baby sa dating asawa at aktor na si Lander Vera-Perez. Dagdag pa rito ang hirap siyang gumalaw, dahil siya ay na-CS.
Mabuti na nga lang daw at nandiyan ang kaniyang partner at ama ng kaniyang Baby Rosie na si Dondi Narciso. Dahil pinapalakas nito ang loob niya at sinusuportahan siya sa pag-aalaga ng kanilang baby. Ganoon rin ang mga anak niya sa dating asawa na ngayon ay malalaki at mga dalaga na.
“Fortunately, Dondi was there for me. My children who are very supportive on making me feel good. The motivation, support and yung help nila physically to take care of the baby.”
“I was overwhelmed with the power of love, family and prayer actually though this pandemic.”
Payo sa mga new moms sa pagbabalik sa dati nilang katawan at beauty
Pagdating naman sa pagbabalik sa dati niyang figure at itsura ay nahirapan rin si Regine. Sa katunayan ay dumagdag rin ito sa kaniyang stress na nararanasan matapos manganak sa gitna ng pandemic.
“When the pandemic started, I felt my ugliest. I felt so disgusted with myself because I sort of let go and enjoyed my pregnancy.”
Kaya naman para muling ganahan at bumalik sa dati ay ininspire ni Regine ang kaniyang sarili.
“I started watching videos to be inspired and getting inspiration from my favorite people kasama na doon s J.Lo. I love how positive and vibrant she is.”
“Kahit masikip sakin I still wore ‘yong mga dati kong damit, ‘yong mga outfit ko to feel good. Kahit hindi pa siya bagay. Because my goal is to get there someday.”
Payo ni Regine sa mommies ay mahalin ang sarili. Magpunta sa parlor, magpaayos. Higit sa lahat ay manatiling fit and healthy.
“Its self-care. Kasama na dyan talaga ‘yong pagwo-work-out in any form. Hindi naman kailangan na kasi wala na gym hindi na mag-woworkout. You can just play with your kids, clean the house, do a little a bit of dancing nakakatulong yan.”
Traumatic at stressful man ang naging karanasan ni Regine sa panganganak, may mabuti rin daw itong naidulot sa kaniya. Mas nagkaroon daw siya ng oras magpahinga at maka-bonding ang kaniyang mga anak. At marami rin daw siyang na-realize na talaga namang bumago sa buhay niya.
“It starts with gratitude. Na-realize mo na ‘yong mga daing importante sayo walang kuwenta pala, di ba. You just have to be thankful each day for being alive, being healthy, being with your family, being together and the fact the nakaka-survive kayo.”
Regine Tolentino and Dondi Narciso relationship
Taong 2016 ng kumpirmahin ni Regine na hiwalay na sila ng dating asawang si Lander Vera-Perez. Ito ay matapos ang 18 taon nilang pagsasama. Matapos nito ay pinanatili na ng aktres na maging pribado ang kaniyang personal na buhay partikular na ang kaniyang love life.
Hanggang sa nitong April 5 ay inanunsyo niya sa Instagram na siya ay nanganak na sa kaniyang third child. Hindi man siya sinabi ng deretsahan kung sino ang ama nito ay makikita naman sa mga larawan na ito ay ang Filipino director at photographer na si Dondi Narciso.
Sunod nito ay nagbahagi na ng mga larawan si Regine kasama ang partner na si Dondi Narciso na makikitang sweet na sweet sa isa’t-isa.
Sa ngayon, maliban sa kaniyang baby Rosie, si Regine ay may dalawang anak rin sa dating asawa na sina Reigen at Reigne.
Source:
GMA Entertainment, ABS-CBN News
Also read:
Regine Tolentino confirms split with husband Lander Perez; draws strength from daughters