Regine Tolentino masayang ibinahagi ang bagong milestone sa breastfeeding journey nila ng bunsong anak na si Rosie. Regine pinasuso ang anak hanggang sa ito ngayon ay dalawang taong gulang na.
Mababasa sa artikulong ito:
- Regine Tolentino breastfeeding journey.
- Hanggang kailan ipinapayong i-breastfeed ang bata.
Regine Tolentino breastfeeding milestone and journey
Image from Regine Tolentino’s Instagram account
Noong March 17, 2020 ay isinilang ng dancer at aktres na si Regine Tolentino ang panganay nila ng karelasyon na si Dondi Narciso, isang director-photographer. Ang kanilang anak ay isang babae na pinangalanan nilang si Rosie Rignee.
“At a time of uncertainty and anxiety, everyone is looking for a spark of hope, a miracle that will raise our spirits and make everything better. This blessing can come in any shape or form. Ours came on March 17, 2020 at 9:25pm.”
Ito ang post noon ni Regine sa kaniyang Instagram account tungkol sa naging panganganak niy kay Rosie sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ni Regine noon sa isang panayam na kinailangan pang ma-confine ng 10 araw ng bagong panganak niyang sanggol dahil sa ito ay nagka-pneumonia.
Dahil nga sa mga naranasan siya rin ay nakaranas rin siya ng post-partum depression. Ito ay sa kahit mayroon na siyang dalawang anak sa dating mister na si Lander Vera Perez.
Dahilan niya’y halos dalawang dekada ang naging agwat ng panganganak niya kay Rosie kaya naman tila back to zero siya.
Regine proud padedemom for 2 years
Image from Regine Tolentino’s Instagram account
Ngayon, makalipas ang dalawang taon matapos makapanganak ay very happy at proud mom si Regine. Dahil ayon sa kaniya ay may bagong milestone sa buhay niya at anak niyang si Rosie.
Kasabay kasi ng pagdadalawang-taon nito ay ang haba rin ng pagpapasuso niya sa anak. Ito ay kapalit ng maraming sakripisyo na hindi niya pinagsisihang gawin dahil sa reward na naani niya mula rito.
“As my baby @rosierignee turned 2 yesterday, I reached another milestone as a mother; breastfeeding my 3rd child. It is quite a sacrifice mentally and physically to make this commitment, but I realized the greatest reward is the bond between mother and child.”
Ito ang sabi ni Regine sa isa sa kaniyang latest Instagram post.
Kasunod nito ay binigyang pugay rin ni Regine ang mga katulad niyang padedemom na walang sawa at pagod sa pagpapasuso ng kanilang mga anak.
Sapagkat kapalit nito ay ang malusog na pangangatawan ng anak. Hindi man madali ang breastfeeding, sabi pa ni Regine ito naman daw ay vey fulfilling.
“They say breast milk is best for babies up to 2 years old, so I am happy I made it past this mark. It is also the best for me because there is nothing better than time spent nourishing my child.”
“Cheers to all breastfeeding mothers and motherhood! It isn’t easy, but it is truly fulfilling.”
Ito ang sabi pa ni Regine sa kaniyang Instagram account.
View this post on Instagram
BASAHIN:
Regine Tolentino: “Very traumatic experience” ang panganganak ngayong pandemic
Regine Tolentino confirms split with husband Lander Perez; draws strength from daughters
Exclusive breastfeeding: What it is and how it benefits you and your baby
Dondi Narciso, ama ng anak ni Regine, super proud rin sa pagiging dedicated padedemom niya
Image from Regine Tolentino’s Instagram account
Sa kaniyang post na ito ay nag-komento ang karelasyon niyang si Dondi Narciso at ama ng anak niyang si Rosie. Doon ay sinabi ni Dondi kung paano niya na-saksihan ang breastfeeding journey ni Regine at kung gaano siya ka-proud dito. Hiling niya sana ay maging inspirasyon sa iba ang breastfeeding journey ni Regine.
“I am very lucky to have witnessed this journey of yours, babe. From the first drop of milk we extracted via syringe in the hospital, to feeding for the first time in NICU, all the way to the present.
Rosie is strong and healthy because of you. It is nothing less than beautiful to see that bond between you and our little princess.
I am so proud of this achievement of yours babe. May you be an inspiration to other women out there. I love you!”
Ito ang mensahe ni Dondi Narciso kay Regine Tolentino.
Hanggang kailan ipinapayong i-breastfeed ang bata?
Ang breast milk o gatas ng ina ang ipinapayong pinaka-mainam na gatas na ibigay sa mga sanggol. Lalo na sa mga premature o may sakit na bagong silang na sanggol o newborn.
Sapagkat sa ito ay puno ng sustansya, vitamins at minerals na kinakailangan ng niya. Ito ay tinaguriang liquid gold dahil maliban sa nutrients na taglay ay nakakatulong ito para mas mapalakas pa resistensya ng sanggol laban sa mga sakit.
Ayon sa WHO o World Health Organization, ang mga sanggol na 6 na buwan pataas ay dapat eksklusibong pinapasuso. Ito ay maari ring ipagpatuloy hanggang sa mag-dalawang taong gulang ang sanggol. Basta’t ito ay sasabayan ng iba pang masusustansiyang pagkain na angkop sa kaniyang edad.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!