Pagdating sa pagiging magulang, madalas nauugnay ang lambing, pagmamahal, at pangangalaga sa mga ina. Sa mga tatay naman inuugnay ang pagiging praktikal. Subalit, napag-alaman ng mga bagong pag-aaral na kapag may rejection ng tatay sa anak, masmalala ang epekto sa bata!
Anong nangyayari kapag nakakaramdam ang bata ng rejection?
Pinangunahan ni Ronald Rohner ng University of Connecticut ang pagsisiyasat sa nasa 36 pag-aaral sa epekto ng parental rejection sa 10,000 lumahok. Ipinaliwanag niya na sa loob ng kalahating siglo ng pananaliksik, walang childhood experience ang napatunayang may matibay at paulit-ulit na epekto sa ugali ng bata kumpara sa rejection, lalo na kapag galing sa mga magulang.
Napag-alaman na ang parehong bahagi ng utak na gumagana kapag nakakaramdam ng sakit ay gumagana rin kapag nakakaramdam ng rejection ang bata. Subalit, masnakakasama ang emotional pain. Ito ay dahil maaaring ulit-uliting alalahanin at maramdaman ang sakit nang ilang taon.
Kapag makaramdam ng rejection mula sa magulang, ang bata ay nagiging anxious at insecure. Pagtagal, bumababa ang kanilang kumpiyansa sa sarili, nagkakaroon ng pagdududa sa sarili, at depression. Nakakadevelop pa sila ng poot at pagiging agresibo sa iba.
Hindi ito natatapos sa kabataan lamang. Ang emotional pain na kasama nito ay maaaring madala hanggang sa pagtanda. Bilang resulta, tumatanda ang mga bata na hirap bumuo ng nagtitiwala at secure na relasyon sa kanilang partner.
Anong nangyayari kapag nakakaramdam ng rejection ng tatay sa anak?
Madalas itinuturo ng marami ang mga ina kapag ang bata ay nakakaramdam ng rejection. Ngunit kabaliktaran nito ang natuklasan ng mga bagong pag-aaral.
Isang posibleng paliwanag ay mas binibigyang atensyon ng bata ang magulang na kinikilala nilang mas impluwensyal at ang may kapangyarihan o katanyagan. Kaya masmasakit sa kanila at mas nagdudulot ng emotional na pinsala kapag nakakaramdam ng rejection sa tatay.
Ang atensyon na natatanggap mula sa ama ay may mas malakas na impact sa development sa pagkatao ng bata.
Implikasyon ng mga natuklasan
Ang matututunan mula dito ay dapat may matibay na pwersang nagtutulak sa mga ama para maging involved sa emotional na pagpapalaki sa mga bata.
Dapat maintindihan ng mga tatay na ang kanilang pagmamahal ay kasing importante ng pagmamahal ng ina na mas madalas nabibigyang pansin.
Madalas pinapabayaan ng mga tatay ang mga emosyonal na bahagi sa kanilang mga asawa. Ito ay dahil sila ay insecure sa emotional na halaga nila sa pamilya. Subalit, ang totoo ay ang tatay ang haligi ng tahanan.
Dagdag pa dito, madaling sinisisi ng mga paaralan at medikal na institusyon ang mga ina. Mahalagang kilalanin ang impluwenya at papel ng mga tatay sa development ng pagkatao. Ganundin, dapat kilalanin ang kamalian sa pagsisi sa mga nanay.
Alam ba kung kailan nakakaramdam ng rejection ang iyong anak?
Mahalagang maparating sa iba kung ano ang parental rejection at kung kailan at paano ito nararamdaman ng bata.
Madalas, hindi sinasadya ang parental rejection. Lalo na sa mga lalaki, wala silang ideya na napaparamdam nila ito sa bata sa kanilang hindi sadyang nagawa.
Mula sa obvious na hindi pagiging malambing at mapagmahal na isang uri ng rejection. Kung nais maging disciplinarian, walang problema. Ngunit, hindi nito ibig sabihin at laging i-dismiss ang bata o makipag-komyunika nang malayo ang damdamin.
Maaaring tila tama ang ginagawa at pinapalaki silang matibay. Ngunit, kung hindi ito i-balanse at pakitaan ng pagmamahal, nakakaramdam ng rejection ang bata at nasasaktan emotionally.
Gayon din, ang pagiging sobrang busy para sa kanila at paulit-ulit na pagbibigay ng hindi buong atensyon ay uri ng rejection. Kung ang iyong anak ay excited na nagpunta sa iyo para ipakita ang kanyang homework habang ikaw ay hindi maialis ang mata sa TV, cellphone, o laptop, isang uri din ito ng rejection.
Ang hindi pagputi at pagpatibay sa kanilang nakamit at positibong katangian at pagtuon lamang sa negatibo at uri rin ng rejection.
Kaya sa mga magulang, lalo na sa mga tatay, maging mas-aware sa kung paano makipag-usap sa iyong anak. Bigyan sila ng pagmamahal at atensyon na kailangan nila at karapat dapat sa kanila. Iwasan ang mapinsala sila emotionally!
Source: Curious Mind Magazine
Ini-republish nang may pahintulot sa: theAsianParent Singapore
Basahin: Epekto ng pagiging striktong magulang, maaaring magresulta sa pagiging alcoholic ng anak