Iba’t iba ang dahilan kung bakit humahantong sa paghihiwalay ang mga magkakarelasyon. Posible nga bang malaman o mahulaan mo na gusto na ng partner mo ng break up at hindi niya lang ito sinasabi? Anu-ano nga ba ang senyales na naiisip na ni partner na makipaghiwalay?
Usaping hiwalayan
Ayon sa artikulo ng Psychology Today na may pamagat na “Your Partner Thinks About Leaving More Often Than You Expect,” ang katapusan umano ng isang relasyon ay hindi basta-basta nangyayari, sapagkat ito ay gradual process. Pinag-iisipan daw nang matagal bago ito humantong sa desisyon ng pakikipaghiwalay.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Timur Weber
Mararamdaman mo nga ba na gusto na ng break up ng partner mo?
Sa artikulo ng Psychology Today, nabanggit ang isang pag-aaral na ipinaskil sa scientific journal na European Journal of Social Psychology. Sa nasabing pag-aaral, nagsagawa ng maraming experiment ang mga scientist. Ito ay para ma-assess ang pakiramdam ng volunteers na nakararamdam na gusto na ng break up sa relasyon ng kanilang partner.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Van Thang
Karamihan sa mga volunteer sa nasabing study. Ang nakararamdam daw na naiisip na ng kanilang partner na makipaghiwalay at tapusin ang kanilang romantic relationship. Sa ikalawang pag-aaral naman ay napag-alaman na sa isang relasyon. Kung saan ang isang tao ay madalas nang maisip ang break up, mararamdaman ito ng kaniyang partner.
Ibig sabihin, posible nga na mahulaan ng isang tao o maramdaman na nais na ng kaniyang partner na makipaghiwalay kahit na hindi nito sabihin. Basta paulit-ulit nang sumasagi ito sa isip ng kaniyang kapareha.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Timur Weber
May mga chance din kung saan ay pino-project nila ang sarili nilang dissolution consideration o kagustuhang makipaghiwalay sa kanilang partner. Ito ay sa kabila nang hindi tiyak na repleksyon ng iniisip ng kanilang karelasyon.
Dagdag pa rito, ayon sa pag-aaral, dahil sa influence ng attachment anxiety, mas mataas ang bilang ng mga anxious na tao na maka-predict ng partner dissolution considerations nang mas accurate.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!