Report card ng 12-anyos, bakit nag-viral sa social media?

Ayon sa isang viral na post, hindi raw mahalaga kung mataas o mababa ang nakuha sa report card. Basta raw ay pursigido, at mabuting tao, okay na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi maikakaila na maraming mga magulang ang nagnanais na magkaroon ng mataas na grado ang kanilang anak. Madalas, kapag nakakakuha ng mababang grado sa report card ang isang bata, ay nadidisappoint ang mga magulang.

Ngunit ipinapaalala sa atin ng isang netizen na hindi dapat puro grades lang ang gawing focus ng mga magulang. Importante rin na unawain nila ang kanilang mga anak, at bigyang-pansin rin ang iba nilang kakayanan.

Grado sa report card, bakit nga ba nag-viral?

Ayon sa Facebook user na si PC Pau, kapatid raw niya ang nasa kaniyang post. 

Naikwento niya na isang araw raw ay tuwang tuwa ang kaniyang kapatid na si Wayne nang malaman na siya ay makakagraduate. Sabi ni Pau ay masayang masaya raw ang kapatid niya, dahil noong una ay inakala niya na kailangan niyang umulit ng isa pang taon.

Ito raw ay dahil nahihirapang magbasa, magsulat, at magsalita ang kaniyang kapatid. Mas maliit raw siya kumpara sa kaniyang mga kaklase, mahilig raw maglaro na mag-isa, hindi raw interesado sa pag-aaral.

Dagdag pa niya, ilang ulit na raw nilang subukang turuan si Wayne. Ngunit kapag tinuturan raw nila ay umiiyak ang bata, dahil nahihirapang makaintindi.

May mga pagkakataon pa raw na dumadaan ang mga kaklase ni Wayne sa bahay nila, upang ipaalala ang kaniyang mga assignment. At kahit na nahihirapan sa pag-aaral, ay nagawang pumasa ni Wayne dahil sa kaniyang pagiging masigasig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabait raw at masipag na bata si Wayne

Kuwento ni Pau, nakikita nilang sinusubukan ni Wayne na pagbutihin ang pag-aaral. Yun nga lang napapansin nila na tila ay nahihirapang mag-focus ang bata, at madali siyang madistract. Gayunpaman, ipinapakita pa rin ni Wayne na gusto niya talagang gumraduate, kahit nahihirapan siya.

Ayon kay Pau ay hindi raw nila pinamukha kay Wayne na wala siyang alam, o kaya na hindi siya matalino. Tinatanggap raw nila si Wayne dahil naiintindihan nila ang kaniyang kalagayan.

Bata pa lang ay marami na raw pinagdaanan si Wayne. Namatay ang kaniyang ina sa sakit na lupus, at ang ama naman niya ay sumama sa ibang pamilya. Nasabi rin ni Pau na hindi niya biological na kapatid si Wayne. Inampon raw nila siya matapos mamatay ang kaniyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabait rin daw si Wayne, at mapagbigay. Iniipon raw niya ang pera niya at nagbibigay ng merienda para sa kaniyang mga pamangkin. Hindi raw problema sa kaniya ang pagbibigay ng kaniyang ipon para makatulong sa mga gastusin sa bahay.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit ayaw nilang i-base sa grades ang pagktao ni Wayne. Dahil higit pa siya rito at kitang-kita sa kaniyang pag-uugali na siya ay mabuting tao. 

Kaya nga masayang-masaya sila nang malaman na makakapagtapos na ng elementary si Wayne. Dahil tunay niyang deserve na makapagtapos, hindi dahil sa kaniyang grades, kundi dahil sa kaniyang attitude at character.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Inquirer

Basahin: 11 ways to help your child to get better grades and be more prepared for school

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara