Sapat na tulog, nakakatulong raw upang lumakas ang resistensya

Ayon sa isang pag-aaral, malaki raw ang nagiging papel ng pagkakaroon ng sapat na tulog upang lumakas ang resistensya ng katawan at malabanan ang mga sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alam na siguro nating lahat na importante ang pagkakaroon ng sapat na tulog. Nakakatulong ito para makapagpahinga ang ating katawan, at magkaroon tayo ng lakas para gawin ang mga gawain natin sa susunod na araw. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng mga sanggol ng sapat na tulog dahil nakakatulong ito sa kanilang paglaki. Ngunit alam niyo ba na nakakatulong rin ang pagkakaroon ng sapat na tulog upang lumakas ang resistensya ng katawan?

Matagal nang mayroong hinala ang mga siyentipiko na may papel ang pagtulog sa ating resistensya. Ngunit base sa resulta ng isang bagong pag-aaral, nakumpira na nila kung paano ito mismo nakakatulong sa ating resistensya. 

Mahalaga ang pagtulog upang lumakas ang resistensya ng katawan

Ayon sa pag-aaral ang pagtulog raw ay nakakatulong sa mga immune cells, o T-cells na maging mas epektibo sa pagsugpo ng impeksyon. 

Ang mga T-cells ay ang pangunahing uri ng cell na ginagamit ng ating katawan upang labanan ang mga impeksyon. Kapag nagkakaroon tayo ng sakit o kaya may pumapasok na bacteria sa ating katawan, ang mga T-cells ang pumapatay sa mga cells na mayroong sakit o impeksyon.

Nagagawa ito ng mga T-cells sa pamamagitan ng pagkapit o pagdikit sa mga cells na mayroong sakit. Kapag nakadikit na ang T-cell sa impeksyon, naglalabas ito ng kemikal upang patayin ang may sakit na cell.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napag-alaman ng mga researcher na ang pagtulog ay nakakdagdag ng kapit sa mga T-cells. Ibig sabihin, mas madali silang nakakadikit sa mga cells na mayroong infection o sakit, at mas mabilis nila itong napapatay. 

Ano ba ang nangyayari kapag tayo ay natutulog?

Ayon sa mga researchers, nagbabago kasi ang mga hormones sa ating katawan kapag tayo ay natutulog. Ang mga hormones na ito ay responsable sa ating mga body processes tulad ng pagpapahinga, at kung paano nasusugpo ng ating immune system ang mga sakit. Kapag tayo raw ay natutulog, mas lumalakas ang mga T-cell kaya’t nagagawa nila ng mas mabuti ang kanilang trabaho kumpara sa kung tayo ay gising.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya nga malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng sapat na pahinga para sa mga taong mayroong sakit. Ito ay dahil mas lumalakas ang ating resistensya kapag sapat ang nakukuha nating tulog.

Dagdag pa ng mga researchers, mahalaga ang papel ng pagtulog sa ating kalusugan. Nakakabahala raw ang tuloy tuloy na pagtaas ng mga kaso ng sleep disorder sa mga tao, at posibleng itong maging sanhi upang mas humina ang kalusugan ng mga publiko.

Kaya’t inuudyok nila ang mga tao na magkaroon ng sapat na dami ng tulog bawat gabi. Ang pagkakaroon ng 8 oras ng tuloy-tuloy na tulog ay nakakatulong upang tumibay ang ating resistensya, at makapagpahinga ang ating katawan matapos ang isang busy na araw. Para naman sa mga bata, 9-10 na oras ng tulog ang kanilang kinakailangan kada araw. Kasama na rito ang pagidlip sa hapon na nakakatulong sa kanilang paglaki, at pagpapatibay ng resistensya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Forbes

Basahin: Mga Tips para sa Pagpapatulog kay Baby

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara