10 best family-friendly resort sa Pilipinas na tamang-tamang puntahan ngayong summer!

Ngayong summer tiyak na naghahanap kayo ng resort na pampamilya. Narito ang listahan namin ng family-friendly resort na pwede niyong puntahan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagsisimula na ang summer at unti-unti na namang tumitindi ang init ng araw. Kaya marami sa atin ay tiyak na excited nang lumublob sa tubig dagat at ma-enjoy ang scenery sa isang magandang resort na pampamilya.

Pero kahit hindi naman summer ay masarap magtampisaw sa karagatan dito sa Pinas. ‘Yan ang kagandahan ng Pilipinas.

Hindi tayo kailangang maghintay ng Hunyo, Hulyo at Agosto, katulad ng mga bansa sa Hilagang Amerika o Europa para makaranas ng tag-init at makapasyal sa beach.

Siquijor (photo courtesy of Anna Santos-Villar)

Kahit anong buwan, lalo’t may mga long weekends dahil sa National Holidays, maaari tayong pumasyal sa iba’t ibang lugar sa ating bansa para makasagap ng sariwang hangin sa baybaying dagat.

At dahil nga isa na rin ang Pilipinas sa ngayo’y sikat na puntahan ng mga turista mula sa iba’t ibang sulok ng mundo, dumami na rin ang mga bagong destinasyon ng mga magbabakasyon, lalo na ang mga resort na pampamilya at iba pang bakasyunan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kani-kaniyang gimik din pagdating sa amenities ng lugar. Halos lahat ay may mga lugar at libangan para sa mga bata. Ang iba pa ay may babysitting services o serbisyong mag-aalaga sa mga bata.

Best resort na pampamilya sa Pilipinas

1. Balesin Island Club, Quezon

Kilala ang lugar na ito na matatagpuan sa Quezon Province, dahil sa napakagandang tanawin, lalo na sa white sand beach nito. Ito ay isang eksklusibong resort para sa buong pamilya. Mayroon silang pribadong eroplano na magdadala sa mga bisita mula sa mainland papunta sa isla.

 

Ang isang kakaibang katangian nito ay ang pagkakahati ng mga lugar sa mga mas maliliit na bahagi, na mistulang bersiyon ng mga kilalang bakasyunan sa buong mundo tulad ng Bali, Phuket, Mykonos, St. Tropez, Costa del Sol at Toscana. Kakaiba ang bawat village, lalo na ang arkitektura, landscaping at interior design. Pati pagkain sa bawat lugar ay magdadala sa yo sa ibang banda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroon ditong mga water sports tulad ng waterskiing, scuba diving, sailing, kayaking, snorkeling at windsurfing, at napakarami pang iba. Mayroon ding courts para sa volleyball, football o Frisbee. At syempre, sadyang di malilimutan ang kanilang Sunset Cruises.

Larawan mula sa Balesin Island Club

Bisitahin ang Balesin Island website para sa dagdag kaalaman.

“Walang tatalo sa serbisyo ng staff, sarap ng pagkain at ganda ng mga kuwarto at kabuuan ng lugar.” —Patricia Dumo, guro at entrepreneur

2. Resort na pampamilya sa Morong, Bataan

Ayon kay Mical Rubio, guro at ina sa dalawang anak na pawang malalaki na rin, “Kahit anong resort sa Morong, Bataan ay napakagandang puntahan ng buong pamilya.” Kwento niya, nakapagpabalik-balik na sila sa Alpina Resort, kung saan ang tubig dagat at beach ay napakaganda—napakalinis, maligamgam ang temperatura ng tubig, walang malalaking alon, pino ang puting buhangin na pihadong magugustuhan ng mga maliliit na bata. May mga water sports din dito.

“Dalawang oras lang, makakarating ka na galing Maynila. May mga stopover at shopping pa sa duty-free shops sa Subic,” dagdag ni Mical. “Morong, bataan is our go-to place lalo nitong mga nakaraang taon.” —Mical Rillo Rubio

3. Las Casas Filipinas De Acuzar, Bataan

May bonfire sa tabing dagat, larong Pilipino tulad ng sipa (kick), patintero, sungka (mancala), at piko (hopscotch)—ito naman ang destinasyon ng mga nais na ipakilala ang kulturang Pilipino sa mga bata at sa buong pamilya. May authentic historical ambience kasi ang Las Casas na pinapahalagahan ng Bataan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makabago man ang lugar at amenities nito, mararamdaman pa rin ang kultura at kasaysayan natin sa napakaraming bagay na magagawa at makikita rito. Sa Salon De Juego, may mga board games na libreng laruin, at sa labas ay may water sports tulad ng kayaking, island-hopping, at pangingisda.

Mayroon pang kalesa, golf carting, at cycling. Kinatutuwaan ng mga bata ang Fish Feeding, at ang photo-shoot kung saan maaaring magsuot ng tradisyonal na Baro’t Saya at Barong Tagalog ang buong. pamilya.

Bisitahin ang kanilang website para sa dagdag na kaalaman.

Larawan mula sa website ng Las Casas Filipinas de Acuzar

4. Tamaraw Beach Resort, Aninuan, Puerto Galera

Hindi pa rin nababawasan ang turistang pumupunta sa Oriental Mindoro dahil sa ganda ng Tamaraw Beach Resort.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi ni Azzette Axalan-Torres, ina sa tatlong anak, “Tahimik at pribado ang lugar. Walang magulo.”

Dahil taga-rito ang kanyang mga magulang, mula pagkabata ay dito na sila nagpupunta kapag magbabakasyon. Malapit kasi kaya mapupuntahan kahit weekend lamang. May swimming pool din para sa lahat. Sariwa pa ang pagkaing galing sa dagat.

“Isang lugar ito kung saan makakahanap ka ng kapayapaan. Dito ako nakakapagdasal at nakakapag-reflection, lalo sa tabing-dagat at veranda. Hindi ito luxury hotel pero maganda at ‘at-home’ ka sa resort na ito.”
-Azette Axalan

5. Resort na pampamilya: Anvaya Cove Beach and Nature Club

Isang lugar na tahimik at talagang makakapagpahinga ang sinumang magpupunta. Napakaraming pwedeng gawin tulad ng masaganang tanghalian o hapunan para sa pamilya sa Bamboo Café, water sports at paglangoy sa Beach Area o di kaya’y sa The Pools, at marami pang iba.

Safe para sa mga bata, lalo na sa Seahorse Kiddie Village. Mayroon din silang trekking trails sa Nature Camp, at Fitness Trail, Kiddie Trail, Kiddie Ziplines, Adventure Trail at Magma Trail.

Bisitahin ang Anvaya Cove website para sa karagdagang impormasyon.

“Napakaganda at sadyang family-friendly.” – Miguel Inoncillo, may anak na wala pang isang-taong gulang

Pumunta sa susunod na page para malaman ang iba pang pampamilyang resort sa Pilipinas

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Dumaluan Beach Resort, Panglao Island Bohol

Ang Dumaluan ay sadyang family-oriented at kilalang destinasyon para napakaraming gawaing mapaglilibangan tulad ng jet-ski, parasailing, karting, seawalking, at marami pang iba. Napakaganda din ng kanilang white beach, na sadyang kinagigiliwan ng lahat, lalo ng mga dayuhan. Mayron din silang swimming pool para sa bata at adults.

Bisitahin ang kanilang website para sa karagdagang impormasyon, dito.

“Maraming packages at reasonable ang prices per package. Mayron din silang mga organized tours.” —Margie Cruz-Amante, guro, ina ni Likha, 6 taong gulang

7. Resort na pampamilya: Hamilo Beach, Batangas

Binansagan itong paraiso sa Nasugbu, Batangas. Ang Hamilo Coast ay isang eksklusibong resort at “Members Only”. Ito ay puntahan ng mga mahilig sa Tennis, Cycling, Scuba Diving, Mountaineering, Trekking / Hiking, Bird Watching, Nature Walks, Yoga, Snorkeling, at Kayaking.

Para sa mga bata, mayroon ding Pony Rides, Zipline, Segway, at ATV rides kapag summer, at panloob na gawain tulad ng Bowling, Billiards, Videoke, Kids Play Area, Gym, at Game Room, at Spa, para kay Daddy at Mommy.

Bisitahin ang kanilang website, dito.

“Maraming pwedeng gawin na watersports, at iba pa. Malilibang ang mga bata. Malinis pa at napakaganda ng tanawin.” — Leag Nuguid Lee. enterepreneur, ina ni Matty 15, Mikey, 11

8. Coco Grove, Siquijor

Relaxation at rejuvenation ang kanilang pangako sa lahat ng bibisita. Maaliwalas at kaaya-aya ang mga hardin at ang karagatan. Lahat din ng mga watersports ay meron dito. Dagdag pa ang snorkeling, bird-watching, tennis, caving, island hopping, bangka papunta sa kilalang Apo Island, at mga swimmming pool.

 

Maaari ding sumama sa mga boat tour papunta sa paligid ng isla habang nakikinig sa kuwento ng kasaysayan ng Siquijor. May farm ng exotic Filipino butterflies sa kalapit na butterfly farm. Maaari ding pumunta sa pinakamataas na lugar sa Siquijor at ipasyal ang mga bata sa natural na waterfalls, kung saan pwedeng maligo.

Alamin ang iba pa nilang amenities sa kanilang official website.

“Napakaganda ng kapaligiran. Malinis ang beach. Tahimik, malayo sa lungsod. Sobrang bait din ng staff—presentable at maganda ang uniform.” —Mia Aldecoa

Larawan mula sa website ng Coco Grove, Siquijor

9. Apo Nena Bed and Breakfast (formerly Camp Hope), Ilocos Sur

Unang punta ko sa Ilocos ay dito kami tumuloy, bitbit ang 5-taong gulang kong anak. Tahimik at sadyang mararamdaman mo ang kultura ng probinsiya. Napakasarap pa ng pagkain.

Ito ay pag-aari ng pamilya ni Anna Reyes Mestidio, guro na may 2 anak at mga maliliit pang pamangkin. Malalakad ang baybaying dagat na malayo sa kaguluhan at simoy mo ang sariwang hangin. Mayroon ding mango grove at bike trail. Malinis, maganda ang tanawin, at malawak ang laruan ng mga bata. Malapit din ito sa makasaysayang mga lugar sa Ilocos tulad ng Vigan.

Bisitahin ang facebook page ng Apo Nena Bed and Breakfast para malaman pa ang ibang amenities nila.

10, Isla Gigantes, Iloilo

Kilala ito sa tawag ding Islas de Gigantes o pulo ng mga higante. Ito ay grupo ng mga pulo na matatagpuan sa Carles at Estancia sa hilagang-kanluran ng Iloilo.

Napakaganda ng seascapes at ang pamumuhay dito ay sadyang para sa mga nais magpahinga at malayo sa gulo ng kamaynilaan. Siyempre pa, napakaganda ng puting buhangin sa baybayin, at ang sariwang pagkaing-dagat ay talaga namang nakakahumaling. Paboritong tanawin din ng mga bakasyunista ang rock formation sa lugar.

May island-hopping papuntang Cabugao Gamay Island, Tangke, Antonia Beach, Bantigue Island, and Pawikan Cave, tapos ay pasyalan sa mga kuweba, lighthouse, at rocky trails.

“Ito ang paboritong puntahan ng buong pamilya ko, lalo’t may bata (mga pamangkin) at matatanda sa pamilya.”
—April Grace Magdayao, guro

READ: 8 Mommy hacks to make travelling with kids a whole lot easier!