Plano mo ba na mag quick weekend getaway o kaya naman ay ipagdiwang ang Holiday sa pamamagitan ng pagta-travel? Bakit hindi mo i-try ang resorts sa Antipolo?
Ang kabundukan ng Antipolo ay maituturing na isang magandang destinasyon para sa isang quick getaway.
Sa isang quick hour drive galing Maynila, makaka-experience ka na ng malamig at preskong hangin sa Antipolo habang ine-enjoy rin ang distant view ng Maynila.
Wala mang beach sa Antipolo, tiyak na magugustuhan mo naman ang mga swimming pool resorts na puno ng greeneries ang paligid.
Narito ang ilan sa mga resort sa Antipolo na maaari mong puntahan para sa susunod na linggo na maisipan mong mag-weekend getaway.
Resorts sa Antipolo na maaaring puntahan ng pamilya
Luljetta’s Place Garden Suites
Ang Luljetta’s Place Garden Suites ay ang resort na matatagpuan sa loob ng Loreland Farm Resort na may haba na walong ektarya.
Base nga sa pangalan mismo ng resort, ang lugar nga mismo ang napaliligiran ng garden at pawang maraming berde sa paligid, kung kaya’t ideal na lugar ito upang mag-unwind kasama ang pamilya.
Maliban sa lap pool na mayroon ito, mayroon ka ring access sa anim na pools ng Loreland Farm Resort.
Maaari mo ring ma-experience ang Luljetta’s Hanging Gardens Spa, kung saan sikat ang kanilang hydro-massage pool na mayroong napakagandang view ng mga bundok.
Nag-aalok din sila ng mga treatment, sauna, at jacuzzi upang talagang ma-relaks ang iyong katawan sa quick getaway na ito.
Para mag-inquire, puntahan ang www.luljettas.com
Address: Loreland Farm Resort, Antipolo, Rizal
View this post on Instagram
LeBlanc Hotel and Resort
Kung ikaw nga ay naghahanap ng quick staycation, subukan ang eleganteng hotel na ito na matatagpuan sa city skirt ng Antipolo.
Mayroon itong 32 na kuwarto, swimming pool, sky tent at garden na popular na venue ng mga kasal at kahit anong events.
Ang puti at neutral na interior nito ang nagbibigay ng instagrammable look sa lugar at ito nga rin ang nagse-set ng mood ng relaxation ng mga dumarayo.
Bisitahin ang www.leblanc.com.ph para sa karagdagang impormasyon.
Address: 3 Taktak Rd, Antipolo, 1870 Rizal
Louisse Private Resort
Ang Louisse Private Resort ay matatagpuan sa border ng Antipolo at Taytay. Isa itong boutique hotel na mayroong breathtaking views at tranquil na vibes.
Ang two-storey na bahay na matatagpuan dito ay mayroong dalawang air-conditioned na kuwarto—ang master bedroom ay mayroong dalawang queen-sized na kama at maaaring mag-accommodate ng dalawa pang extra na double sized na mga mattress para sa sleeping capacity na sampung tao.
Mayroon din itong guest room na naglalaman ng tatlong double deck na kama. May conference room din ito na puwedeng i-convert na tulugan.
Kumpleto ang kitchen, mayroon itong ref at stove para pangluto. Maaari kang magdala ng sariling kitchen utensils o di kaya naman mag-rent sa resort mismo para sa karagdagang bayad.
Maaari mo ring magamit ang kanilang living area, videoke, half basketball court, at billiard table. At syempre hindi mawawala ang kanilang napakagandang infinity pool na kukumpleto ng inyong outing.
Alamin ang ilan pang impormasyon sa www.louisseresort.com
Address: Leon Corner Manuel St. Melendres Subdivision, Ortigas Ave Ext, Taytay, 1920 Rizal
Resorts sa Antipolo: Villa Elisha
Matatagpuan ang Villa Elisha sa loob ng isang 30 ektaryang private forest na sanctuario sa foothills ng Sierra Mountain range.
Mayroon itong tatlong kuwarto at isang loft area para sa tulugan. At ang basic na mga gamit pangkain at pangluto ay maaari nilang ibigay.
Maaaring ma-access ng mga bisita ang Phillip’s Sanctuary, isang mountain resort na may mga bike trails, rope courses, hanging bridge, fishing lagoon, at kayak.
Puwede ring makita ng mga bisita ang kanilang pag-aani ng mga prutas tulad na lamang ng durian, marang, dragon fruit, lychee, at marami pang iba lalo na kung panahon ng pag-aani ang pagbisita.
Kontakin sila sa kanilang Facebook page upang mag-inquire https://www.facebook.com/villaelisha/
Address: M56X+J3V rd, Pestaño Farm Trail, Antipolo, Rizal
Resorts sa Antipolo: Timberland Heights
Kung gusto mong maging isa sa kalikasan, ang Timberland Heights ang “the place to be” para sa inyo.
Ito ay mayroong breathtaking mountainscape at nag-aalok ng mga kuwarto o di kaya naman ay isang buong bahay for rent.
Isa weekend getaway na maituturing na breathtaking ang maaaring maranasan sa Timberland Heights sapagkat malalanghap mo lamang ay ang sariwang hangin mula sa bundok na napaliligiran pa ng maraming mga puno.
Maaaring mag-inquire sa website na ito www.timberlandheights.com
Address: C6 Timberland Ave, San Mateo, Rizal
Altaroca Mountain Resort
Para sa isang weekend getaway na ayaw mong pa-istorbo, i-try mo ang Altaroca Mountain Resort.
Malapit ang Altaroca Mountain Resort and Convention Center sa mga kilalang Rizal tourist spots. Tulad ng Casa Santa Museum at Pinto Art Museum. Kaya tamang-tamang destinasyon ito kung nais mong ma-enjoy ng kids ang inyong quick weekend getaway o summer vacation.
Pwedeng dumaan muna saglit sa mga nabanggit na museum bago dumiretso sa resort.
Bukod pa rito, napakaganda ng Mediterranean architecture and design ng resort na ito. Pakiramdam mo ay para kang nasa Greece. Dagdag pa riyan, ang bawat kwarto ay may aircon at free wifi. Mayroon ding mga kwarto na may balcony at TV na may cable. At ang maganda pa rito, may dorm-type bedrooms na kayang-kayang i-accommodate ang malalaking pamilya o barkada.
At syempre, tiyak na maeenjoy ng bawat miyembro ng pamilya ang three outdoor swimming pools (lounge pool, kiddie pool, at lap pool).
Mag-inquire sa kanilang website para sa karagdagang impormasyon www.altaroca.com.ph
Address: Bankers Village III, 15 Purok Sampaguita Brgy, Taktak Rd, Antipolo, Rizal
Bosay Resort
Kung kakaibang resort naman ang hanap ng pamilya, swak na swak ang Bosay Resort para sa inyo. Alam mo ba na ito ang kauna-unahang resort sa Pilipinas na mayroong seawater storm wave pool. Dahil sa strong waves mula sa wave ball, puwedeng-puwede kang mag-surfing. Ultimate swimming destination talaga ito sa Antipolo.
Mayroong 10 swimming pools sa Bosay Resort kabilang na ang storm wave pool, infinity pool, at disco pool. Sa disco pool naman, mayroong lights and sounds. O di ba, bongga!
Address: Near Galang/Roco Farm, Marigman Rd, Antipolo, 1870 Rizal
Boso-Boso Highlands Resort and Hotel
Malapit ang resort na ito sa mga popular na tourist spot sa Antipolo tulad ng Old Boso-Boso Church, Forest Hills Golf, at Country Club.
Tampok sa hotel and resort na ito ang cottages at pavilions na maaaring i-rent para sa day and night trips. Pwede rin sa mga family events. Marami itong kwarto at suites na mapagpipilian ng mga guest. Bukod pa rito, mayroon ding dorms na good for ten people, na mayroong shared bathroom. Samantala, ang mga private room at suites ay may cable TV, habang ang family suites ay may additional na living rooms.
Ang exciting pa sa resort na ito, pwede kang mag-zip line, mag-swimming sa kanilang outdoor pools, mag-slide sa mahabang waterslides, at pwede ring magbonding sa basketball, billiards, at table tennis. Napakaraming ammenities ng lugar na ito para sa pamilya.
Kung relaxation naman ang hanap, may spa rin sa Boso-Boso Highlands Resort and Hotel. Pagkatapos ay pwede rin kayong kumain sa viewing deck ng Cafe Cristina. Hindi lang Filipino cuisine ang ino-offer nila, mayroon din silang international cuisines.
Kung Sabado kayo pupunta ng pamilya, maaari niyo ring mapanood ang live entertainment at open mic.
Address: 33 Marikina-Infanta Hwy, Antipolo, 1870 Rizal
Updates by Jobelle Macayan
Basahin: 11 Best resorts sa Antipolo for a quick weekend getaway
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!