Returning to work after maternity leave
Aminin natin mga mommy, mahirap talaga makabalik sa trabaho pagkatapos manganak at ng maternity leave.
Hindi kasi mawawala pangamba ng isang ina sa kanyang anak kapag babalik na ito sa kanyang trabaho. Nandyan ang pangamba na mag-isa na lang ang baby at walang mag aalaga sa kanya. Katulad na lang kung sino ang magpapainom ng gatas, magpapatulog o magpapalit ng kanyang lampin.
Oo, isa itong challenge for a mom. Sino ba namang hindi magiging emosyonal kung iiwan agad ng isang nanay ang kanyang anak para magtrabaho?
Returning to work after maternity leave | Image from Dreamstime
Tips para madaling makabalik sa trabaho pagkatapos ng maternity leave
Narito ang ilang mga tips kung paano makabalik sa iyong trababaho pagkatapos ng maternity leave.
1. Ihanda ang sarili sa bagong routine
Hindi maitatanggi na mahirap talaga na harapin ang bagong routine.
Lalo na kung ikaw ay first time mom at dati lang ay pagttrabaho lang ang una mong responsibilidad. Ngunit ngayon na may anak kana, mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aalaga ng bata. Kaya bilang isang ina, kailangan mong doblehin o triplehin ang sipag at tyaga mo. Sanayin ang sarili sa bagong routine sa bawat araw. Katulad na lamang ng gigising ng 4 AM para ihanda ang mga gamit ni baby katulad ng breastmilk na magsisilbing pagkain nya sa buong araw. Pagpatak ng 5 AM, kailangang ready na para pumasok ng trabaho.
Maglaan ng oras para gumawa ng time/set list na nakapaloob ang mga dapat gawain at oras nito sa isang araw.
Maging kalmado at organized lang mommy!
2. Maghanap ng mapagkakatiwalaang tao
Isa sa alalahanin ng isang mommy na kakagaling lang sa maternity leave na papasok sa kanyang trabaho ay kung sino ang magbabantay sa kanyang baby. Mababawasan ang bigat ng problemang ito kung walang trabaho ang iyong asawa at siya ang bahalang mag-alaga sa inyong baby. Ngunit hindi lahat ng sitwasyon ay ganito.
May iba na single moms ang kailangan talaga magtrabaho pagkatapos ng kanilang maternity leave. Para rito, maaaring ipagkatiwala mo ang iyong anak sa iyong nanay o kapatid. O kung kaya naman ng budget, pwederin na mag hire ng nanny para sa iyong baby. Isigurado lang na mapagkakatiwalaan ito at responsable.
Mababawasan ang iyong mga alalahanin kapag ikaw ay nagtatrabaho kung alam mong nasa mabuting pangangalaga ang iyong baby.
3. I-ready ang iyong sarili
Hindi maiaalis ang fact na mahirap iwanan ang iyong anak para sa trabaho lalo na kung masyado kang nag-aalala sa kanyang kapakanan.
Ngunit isipin na lang ang brighter side sa paghihirap na ito. Kung ikaw ay nahihrapang bumalik sa trabaho dahil ayaw mong iwanan ang baby mo, isipin mo na lamang na panandalian lang na oras na hindi mo siya makikita. At ang trabahong iyong ginagawa ay para rin sa kanyang kapakanan. Kaunting sakripisyo lamang para sa iyong little one ay siguradong magiging worth it ito sa dulo.
Ihanda ang iyong emotional status. Tibayan mo lang ang loob mommy! Para kay baby!
4. Planuhin ang iyong oras
Kadalasan ang trabaho ng isang mommy ay tumatagal lamang ng 8 hours depende kung mag o-overtime ito.
Sa ganitong sitwasyon, kailangan mong hatiin na ng tama ang iyong oras. Balansehin kung kailangan. Sa oras ng trabaho, oras lamang ng trabaho. Kung maaari, tapusin agad ito upang maiwasan ang overtime. Pagkatapos maaari ka nang umuwi para solo mo na natitira mong oras sa nanak mo.
Returning to work after maternity leave | Image from Dreamstime
Iwasan lang na mag-uwi ng trabaho sa inyong bahay. Masasagasaan kasi nito ang oras na dapat ay ginugugol mo kay baby. Maaari mo rin itong madala hanggang sa paglaki ng anak mo at magdulot ng pagiging malayo ng loob nyo ni baby. Kung maaari, kapag nasa bahay kana, i-treasure ang bawat oras ng iyong baby. Para sa ganun, hindi ka mangulila kung sakaling ikaw ay nasa trabaho.
5. Ihanda lahat ng mga gamit ni baby
Returning to work after maternity leave | Image from Rainier Ridao on Unsplash
Kung may nahanap ka nang mapagkakatiwalaang mag-aalaga kay baby, ang tanging gagawin mo na lang ay ihanda ang lahat ng kailangan ni baby. Narito ang ilan:
- Ihanda ang lahat ng gma gamit ni baby katulad ng mga damit, gatas, bote, laruan.
- Ilista ang mga pagkaing ihahahain at isama na rin ang mga pagkaing bawal ibigay sa bata.
- Magbigay ng schedule sa mag-aalaga kay baby kung kailan ito dapat maligo, uminom ng gatas, kumain at matulog.
- ‘Wag rin kakalimutan ang mga bagay na hilig gawin ni baby. Katulad ng paboritong laruan o mga coloring books na ibibigay kung ito ay nakakaramam ng boredom.
- Ibigay ang listahan ng mga maaring tawagan na tao maliban sa’yo kung sakaling may mangyaring disgrasya.
Para sa mga mommy na kailangan nang bumalik sa kanilang work after maternity leave, we wish you all the best! Just keep on inspiring yourself na makukuha mo sa iyong baby.
Source: Psychology Today ,
BASAHIN: Frequently asked questions tungkol sa Expanded Maternity Leave Law
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!