Ria Atayde and Zanjoe Marudo welcome their first baby.
Mababasa dito ang sumusunod:
Ria Atayde at Zanjoe Marudo ipinanganak na ang kanilang first baby
Sa Instagram ay masayang ibinahagi nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo na naisilang na ang kanilang ang first baby. Ang magandang balita unang nalaman ng publiko sa pamamagitan ng isang Instagram story ni Zanjoe. Doon makikita ang isang baby na nasa loob ng isang hospital crib at tila inililipat ng kwarto.
Ang IG story na ito ni Zanjoe ay ni-repost ng kaniyang biyenan at ina ni Ria na si Sylvia Sanchez. Nilagyan niya ito ng caption na nagkumpirma na naipanganak na nga ang panganay nina Zanjoe at Ria.
“09-23-24 lola na ako!!! Yahoooo!!! 💃🕺💃
#thankuLORD 😘😘😘”
Ito ang caption ng post ni Sylvia na makikita rin kung kailangan isinilang ni Ria ang panganay niya.
Larawan mula sa Instagram account ni Zanjoe Marudo
Bagamat, hindi pa nagbibigay ng detalye ang mag-asawa sa pagsilang ng panganay nila, makikita sa mga damit na suot nito na ito ay isang baby boy.
Zanjoe at Ria sa pagiging first time parents
Larawan mula sa Instagram account ni Ria Atayde
Samantala, limitado man ang ibinabahaging impormasyon ni Zanjoe at Ria tungkol sa kanilang panganay ay makikitang masaya sila na mahawakan na ito sa ngayon. Sa unang mga araw nga ng pagiging magulang, base sa isang sa IG story ni Ria ay makikitang nai-enjoy ni Zanjoe ang bagong role niya. Ito nga daw ang paboritong role ngayon ng mister niya, ayon kay Ria.
Si Zanjoe makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Ria kung gaano siya aliw na aliw at inlove na inlove rin sa kaniyang panganay na anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Zanjoe Marudo
Sa mga naunang post ni Ria sa Instagram ay minsan ng ibinahagi nito ang paghahanda na kaniyang ginawa sa una niyang pagbubuntis at panganganak. Para nga maging ready ang kaniyang katawan, si Ria sumailalim sa mga strength training at pagpipilates para hindi mahirapan sa panganganak.
Congratulations Ria at Zanjoe!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!