Rica Peralejo may advice sa mga magulang this summer. Pag-eencourage ng celebrity mom dapat din daw i-enjoy ng mga parents ang great outdoors.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Rica Peralejo advice sa mga magulang.
- Pagiging fit, healthy at active hindi lang para sa sarili kung hindi para narin sa mga anak sabi pa ni Rica.
Rica Peralejo advice sa mga magulang
Celebrity mom na si Rica Peralejo may advice sa mga kapwa niya magulang ngayong summer. Ayon kay Rica, dapat tulad ng mga bata ang mga magulang rin ay lumalabas at nag-eenjoy sa mga outdoor adventures.
Pagbibiro ng aktres, hindi lang upang basta makatipid sa bill ng kuryente ngayong mainit na panahon. Kung hindi para narin sa ating sanity, agree ka ba? Ito ang pahayag ni Rica sa isang panayam.
“Kahit na mainit, ito ‘yung time where you just want to be in the water or out in the sea. Lagi ko sinasabi sa parents, ‘Wag kayo matakot, kailangan ng mga bata lumabas, at kailangan niyo rin para sa sanity niyo!’”
View this post on Instagram
Sa pinaka-latest vlog nga ni Rica ay ibinahagi niya ang naging pagbabakasyon ng kanilang pamilya sa isang resort sa Batangas. Doon makikitang hindi lang ang mga anak ni Rica na sina Manu at Philip ang nag-enjoy kung hindi pati narin siya.
Bakit kailangang maging fit at active nating mga magulang?
Base parin sa mga social media post ng celebrity mom, ini-encourage niya rin ang iba pang mga magulang na maging fit at healthy. Sa latest na panayam nga kay Rica ay sinabi niyang hindi niya ginagawa ito para lang sa kaniyang sarili. Inaalagaan niya daw ang kaniyang health at katawan para sa kaniyang mga anak. Dahil ang greatest fear ng aktres ang mawala siya ng maaga sa mga anak niyang bata pa.
“I don’t want them to face health challenges and I keep praying na sana I don’t die too soon. I always think of that in the back of my head na I never know. My prayers always is to my kids not to lose their parents early on in life.”
Ito ang sabi pa ni Rica.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!