Rica Peralejo buntis na ulit matapos ang dalawang miscarriages

Matapos dumaan sa dalawang miscarriages, masayang ibinalita ni Rica Peralejo na siya ay muling nagdadalang-tao bagamat sensitive ang kaniyang kondisyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rica Peralejo buntis na ulit matapos dumaan sa magkasunod na dalawang miscarriages. Ito ay kaniyang ibinalita sa kaniyang Youtube channel kasama ang asawang si Joseph Bonifacio.

Rica Peralejo buntis diary

 

Inanunsiyo ni Rica ang balita sa pamamagitan ng pag-popost ng isang picture na may halong biro sa kaniyang Instagram stories.

Image screenshot from Rica Peralejo Instagram stories

Sinundan ito ng isang Instagram post na kung saan kinumpirma nga niya na siya ay buntis at isang vlog ang hinanda niya sa kaniyang YouTube channel para i-kuwento ang kaniyang whole reproductive health journey.

Sa vlog ni Rica Peralejo kasama ang kaniyang asawang si Pastor Joseph Bonifacio ay ikinuwento nila ang kaniyang pinagdaanan bago tuluyang ianunsiyo ang kaniyang pagbubuntis kahapon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Rica, nagsimula ang kaniyang hinala na siya ay buntis Agosto noong nakaraang taon. Ito ay matapos bigyan siya ng go signal ng kaniyang doktor na siya ay puwede na ulit magbuntis matapos ang dalawang miscarriages.

At noong Oktubre ay nakumpirma niya na tama ang kaniyang hinala sa pamamagitan ng isang pregnancy test na may positive result. Matapos ang confirmation, dali-daling pumunta si Rica sa isang doktor na kayang hawakan ang sensitive case ng kaniyang pagbubuntis.

Ayon kay Rica siya ay nakakaranas ng isang disorder sa kaniyang katawan na malapit sa kondisyon na APAS o Antiphospholipid antibody syndrome bagamat hindi siya kabilang sa limang categories nito.

APAS

Ang APAS ay isang autoimmune disorder na kung saan ang immune system ng katawan ay gumagawa ng antibodies na umaatake sa mga tissues o cells imbis na i-defend nito ang katawan laban sa infection.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang unang category ng APAS ay Leukocyte Antibody Test (LAT) o ang kakulangan ng blocking antibodies ng katawan ng isang babae na kailangan para pigilan ang kaniyang immune system sa pagrereject sa baby.

Ang second category ay ang paglapot ng dugo dahil sa autoantibodies na umaatake sa protina sa dugo na tumutulong sa blood clotting. Dahil dito hindi maayos na dumadaloy ang dugo na risky para sa baby.

Ang third category ay ang Antinuclear Antibodies (ANAs) na kung saan inaatake ng mga autoantibodies ang cells sa loob ng sinapupunan ng isang babae at ang fertilized egg nito na hinahadlangan ang implantation at nagdudulot ng miscarriage.

Ang fourth category naman ay ang pagbloblock ng mga anti-sperm antibodies ng katawan ng babae sa sperm cells na marating ang kaniyang destination para makabuo ng baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang huling at panglimang category ay ang Elevated Natural Killer Cells o NK cells. Ito ay ang pagtaas ng levels ng mga Natural Killer cells sa white blood cells ng katawan na nilalabanan ang pagbubuntis.

Rica Peralejo buntis diary: Miscarriages

Ang pagkakaroon nga ng kondisyon na malapit sa APAS ang naging dahilan upang makaranas ng dalawang miscarriage si Rica for the past 2 years. Ayon parin sa kaniyang vlog, ang unang miscarriage niya ay nangyari noong 2016 na kung saan ang baby sa kaniyang tiyan ay 12weeks na ng biglang mawalan ng heartbeat at maliit na kasing laki lang ng 8 weeks na baby.

Ang second miscarriage niya naman ay nangyari noong 2017 na hindi lumagpas sa 7weeks at ang baby ay wala ring heartbeat.

Kaya naman sa kagustuhan na magkaroon ng baby ulit at masundan ang kaniyang 5 years old na anak na si Philip ay dumaan sa maraming test at kinailangang uminom ni Rica ng maraming gamot para maihanda ang kaniyang katawan na magbuntis ulit. At noong August last year nga ay dininig ng Diyos ang panalangin nila.

Ayon parin kay Rica, pinili nilang i-delay ang pag-aanunsiyo ng kaniyang pagbubuntis dahil sa takot at hirap na dinanas sa unang trimester ng kaniyang pregnancy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa vlog makikitang kinailangan niyang isakay sa wheelchair dahil daw sa hirap siyang kumilos at nakakaramdam na siya ay energyless. Kasabay pa niyan ay kinailangan niya ring uminom ng maraming gamot. Pitong pills sa umaga, lima sa lunch, tatlo sa gabi pati ang paggamit ng intravaginals at ang importante ay ang pag-iinject niya ng Innohep para maiwasan ang paglapot ng kaniyang dugo na delikado sa kaniyang pagbubuntis.

Image screenshot from Youtube video

Sa 6th week nga ng kaniyang pagbubuntis ay sinugod sa ospital si Rica dahil sa pagdurugo. Noong una ay inakala niyang mawawalan na naman siya ng isang baby. Pero noong marinig nila ang heartbeat ng kaniyang baby ay naiyak si Rica dahil buhay at kumakapit parin ito.

Sa ngayon ay kailangang i-maintain ni Rica ang mga medications na ito para maprotektahan ang kaniyang baby sa banta ng kaniyang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa dulo nga ng kaniyang vlog ay pinasalamatan ni Rica ang kaniyang mga kaibigan at mentors sa kanilang prayers at support. Pinasalamatan niya rin ang Bossa Nova Queen na si Sitti sa mga advice at encouragement nito na maging positive sa kabila ng kaniyang sitwasyon. Si Sitti ay nakaranas rin ng APAS condition ngunit matagumpay na nalampasan ito at nag-bigay silang sa kaniyang baby Nobyembre ng nakaraang taon.

Panoorin ang buong kuwento ng Rica Peralejo buntis diary dito:

 

Sources: Bossa Gurl, GMA News, PEP.ph, MYVMC

Basahin: Sitti recounts difficult pregnancy and birth story of first born