Rich Asuncion inaming overprotective at paranoid siya sa kapakanan ng first baby niyang si Bela.
Image screenshot from Rich Asuncion’s Instagram account
Rich Asuncion as a mother
Nito lamang nakaraan Disyembre ay nagsilang ng isang healthy baby girl si Rich Asuncion, na pinangalanan niyang Isabela. Ito ang unang anak nila ng asawang professional rugby player na si Benjamin Munie.
Nabigyan ang The Asian Parent Philippines ng pagkakataon na makapanayam si Rich Asuncion sa Pigeon Safety Alert event na dinaluhan niya kasama ang cute niyang 5-months old baby girl.
Sa mga mata at kilos ni Rich ay kitang-kita kung gaano siya na-in-love sa pagiging first time mom at paano niya nai-enjoy ang every little learning lesson na tinuturo nito sa kaniya.
Inamin din ni Rich na kumpara sa kaniyang husband na si Benjamin ay mas paranoid at overprotective siya. Lalo na’t kinailangan niyang dumaan sa caesarean delivery para maipanganak si Bela.
“Mas relaxed ‘yong husband ko, parang mas alam niya na ‘yong ginagawa niya,” saad ni Rich.
“When I gave birth siya ‘yong unang nagpaligo kay baby. Siya ‘yong unang natuto kasi na-CS ako. Sa sobrang paranoid ko, I actually hold her chest 3 to 5 times a night to check if she is breathing.”
Dahil based in Bohol kasama ang kaniyang pamilya hindi naman maiiwasan ni Rich na sumunod sa mga pamahiin ng mga matatanda. Lalo na’t tulad niya ay overprotective din ang kaniyang parents sa first apo nila kay Rich.
“Yong tatay ko may ‘pinadala siyang oil na nilalagay ko kapag umaalis kami kasi pangontra daw siya sa aswang,” natatawang kuwento ni Rich.
“Yong mga gano’n. Naniniwala din kami sa usog kasi probinsya gano’n talaga, e, kaya kailangang sumusunod sa lolo at lola.”
Rich Asuncion, learning lessons sa pagiging ina
Image screenshot from Rich Asuncion’s Instagram account
Along the way sa pagiging ina ay marami rin daw natutunan si Rich. Nae-enjoy niya raw ito bagamat noong una ay inakala niya na ang pagiging ina ang hudyat ng ending ng career niya. Pero na-realize niya na hindi at mas nagbigay pa sa kaniya ng opportunity to grow at maging more mature version ng sarili niya.
“As an actress, akala ko end of my career na when I got pregnant dahil sa body gano’n and a lot of things happened to you. Pero I am wrong at marami akong natutunan like yung mga sacrifices that you make. You really become selfless. You forget what you need to do for the sake of your baby.
“‘Yong hindi ka pa kumakain dahil sa pagpapadede sa kaniya. And when you go out, ang laman ng bag mo puro gamit niya hindi sayo,” kwento pa ni Rich Asuncion.
Sa ngayon nga ay back to work na si Rich pero magkaganunman ay very hands-on parin siya sa pagaalaga sa kaniyang unica hija. At kahit busy ay sinisikap parin niyang mag-breastfeed na bagamat noong una ay nahirapan siyang pagsabayin ito sa pagtatrabaho niya.
“When I’m at work she would take the bottle at home. I had like one week na nag-struggle kami. May one week kaming transition kasi hindi siya nagfe-feed sa bottle. Kaya when I came back here [in Manila] nahirapan ako dahil dinadala ko siya kasi I need to work agad.
“Pero thankfully right now we are in good condition. I can breastfeed her when I am at home. And when I am not at home she can easily take the bottle”, proud na pagkuwekuwento ni Rich sa kaniyang motherhood journey.
Basahin: Celebrity babies to watch for: Batch 2019!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!