Second baby ng dating aktres na si Rich Asuncion at husband na si Benjamin Mudie, ano nga ba ang gender?
Mababasa sa artikulong ito:
- Rich Asuncion baby, boy or girl?
- Mudie family, buhay sa ibang bansa
Rich Asuncion baby, boy or girl?
Sa isang short video sa instagram na ipinost ni Rich Asuncion, ni-reveal niya ng kaniyang asawa ang gender ng kanilang second baby. Sa pamamagitan ng isang cake na may icing (blue o pink) para ma-reveal ang kasarian ng anak, hiniwa ni Benj Mudie ang cake at nakitang pink ang icing sa loob nito.
At ito nga ay isa na namang baby girl na ikinatuwa ng mag-asawa kasama ang kanilang pamilya.
Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion
Sa parehong instagram post na ito ni Rich, ibinahagi niya ang kaniyang reaksyon na may caption na:
“It’s another baby girl for the #MudSquad Papa @benjmudie is officially outnumbered #genderreveal”
Nito lang September 10 ay in-announce ng dalawa na sila ay magkakaroon na ng second baby.
Sa unang litrato ay makikita ang litrato kasama ang panganay na anak na si Isabella na may nakasulat sa tiyan na “#1” at sa tiyan naman ni Rich na “#2” na nagsasabing buntis ang aktres sa kaniyang pangalawang baby.
Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion
Samantala, sa pangalawang litrato ay ipinakita niya ang kopya ng sonogram na nagsasaad ng “10.09.2021” – petsa kung kailan isinagawa ang ultrasound – at “27.04.2022” bilang Estimated Date of Delivery (EDD), at “7wk5day,” bilang fetal age.
Ang first daughter naman ng mag-asawa na si Isabella ay magta-tatlong taon na ngayong December.
Mudie Family, buhay sa ibang bansa
Sina Rich Asuncion at ang kaniyang pamilya ay nagpuntang Australia noong March 2020 bago ang NCR lockdown dahil sa banta ng Covid-19 virus.
March 2021 naman ay permanente nang nanirahan ang kaniyang pamilya sa Australia at para kay Rich ay magandang desisyon ang pagpunta at manirahan doon.
“One year na kami sa Australia. Around this time last year, we decided to move here. It was indeed one of the best decisions I’ve ever made! Leaving everything behind to face all the uncertainties wasn’t an easy feat. Pero dahil kasama ang pamilya, mas naging matibay at matatag.”
Masaya rin ang aktres sa kaniyang buhay pamilya.
Larawan mula sa Instagram account ni Rich Asuncion
“Now, I can honestly say I am content and happy with this new life away from the limelight. New career, new adventures, new hope!”
Nakabili na rin ng sariling bahay ang mag-asawa na masayang ibinahagi ito sa publiko.
“Finally, a house we can call our own. A dream come true for the #mudsquad!”
“Ben and I have never worked so hard( and fought so hard) in our time together. .but I have to give it to you Papa @benjmudie for being headstrong and focused on our goal. Like I said before, you are an excellent leader.”
“Looking forward to making wonderful memories here with my growing family.”
Sa ngayon ay nagta-trabaho siya sa isang day care center. Bago ito, siya ay naging waitress sa isang casual restaurant na masayang ipinagmalaki ito sa publiko.
Ayon sa kaniya, matagal din siyang naghanap ng trabaho at ang pamamalagi sa bahay ay nakakapagpa-lungkot sa kaniya. Kaya naman ang kaniyang trabaho ay isang malaking blessing.
Nahirapan man siyang mag-adjust sa umpisa ng pamamalagi sa ibang bansa, nalagpasan naman ito ni Rich kasama ang pamilya at ngayon ay masayang hinihintay ang pagdating ng kanilang second daughter. Ika nga ni Rich, “Life is indeed a journey full of highs and lows but you should never stop moving and you always keep moving forwards.”
Congratulations, Mudsquad!
Source:
Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!