Annabelle Rama sa balitang hiwalay na umano si Sarah Lahbati at anak na si Richard Gutierrez: “Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay. Dahil mahal ko ang mga apo ko”

Hirit ni Annabelle wala siyang alam sa mga nangyari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Richard Gutierrez at Sarah Lahbati breakup rumors pinatotohanan na ni Annabelle Rama?

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Annabelle Rama sa kumakalat na Richard Gutierrez at Sarah Lahbati breakup rumors.
  • Si Annabelle hindi daw gusto na maghiwalay ang dalawa.

Anabelle Rama sa kumakalat na Richard Gutierrez at Sarah Lahbati breakup rumors

Larawan mula sa Instagram account ni Annabelle Rama

Bago pa man ang hiwalayan ng Kathniel, nauna ng usap-usapan na hiwalay narin sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Pero ang dalawa nanatiling tahimik tungkol sa isyu. Bagamat makikita sa mga social media accounts nila na hindi na sila magkasama sa mga activities at okasyon na dinadaluhan.

Sa isang panayam ay nagsalita na ang talent manager at ina ni Richard na si Annabelle Rama. Ayon kay Annabelle ay hindi pa siya puwedeng magsalita, pero ang anak na si Richard sa bahay niya daw ngayon tumutuloy.

“Hindi pa ‘ko puwede magsalita. Pero sasabihin ko sa ‘yo si Richard nasa akin ngayon. One month na. Pero unti unti siyang lumilipat ng gamit sa Alabang. Lilipat na siya, siguro mga after Christmas.”

Ito ang sabi ni Annabelle Rama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa oras ng panayam, ibinahagi ni Anabelle na nasa puder ni Richard ang mga bata. May ibinahagi rin itong maanghang na salita habang ang anak niya daw ay puro trabaho lang ang ginagawa.

“Nakikita mo naman ‘di ba? Nakikita mo naman, hindi mo na kailangang magsalita pa. At nakikita mo na ‘yan. Si Richard trabaho nang trabaho, ‘yung isa nagwawaldas ng pera. ‘Yun lang ang masasabi ko diyan.”

Ito ang sabi pa ni Anabelle.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

Si Annabelle hindi daw gusto na maghiwalay ang dalawa

Sa kaniyang Instagram account ay may bagong post din si Annabelle tungkol sa hiwalayan umano ni Richard at Sarah. Paglilinaw niya, hindi niya ginusto ang anumang nangyari sa relasyon ng dalawa. Kung siya nga lang daw ang masusunod ay ayaw niyang maghiwalay sina Richard at Sarah dahil mahal niya ang mga apo niya.

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag ina.

Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis. Nagulat nalang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi.

Kung hindi ako pinag bawalan ng lawyer na magsalita . Mag enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata.

Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay . Dahil mahal ko ang mga apo ko.”

Ito ang sabi pa ni ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement