Severe COVID-19 sa mga buntis bihira lang, ayon sa pag-aaral

Base sa pinaka latest na pag-aaral, mababa ang risk factor ng mga buntis sa severe COVID-19. Ano nga ba ang explanation dito? | Lead Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Base sa pinaka latest na pag-aaral, mababa ang risk factor ng mga buntis sa severe COVID-19. Ngunit kung magkaroon man sila nito ay hindi pa rin severe o magiging malala ang kaso.

Severe COVID-19 sa mga buntis bihira lang, ayon sa pag-aaral

Noong unang mga buwan ng COVID-19 outbreak sa Pilipinas, isa sa mga high risk ang mga pregnant moms sa virus. Kasama na ang mga senior citizen at iba pang may current medical issue. Kaya naman kasama sa pinagbawalan na lumabas ang mga buntis ng kanilang bahay. Hindi rin sila ina-advice na pumunta sa mga mall o iba pang lugar.

Ngunit ayon sa latest study ng mga doctor, ang mga buntis ay maaaring magkaroon pa rin ng COVID-19 ngunit hindi severe o malala.

Risk ng COVID-19 sa buntis | Image from Freepik

Ayon sa JAMA, ang COVID-19 sa mga buntis ay hindi magiging malala at hindi katulad sa mga senior citizen at ibang may current medical condition

“No data are currently available to assess whether pregnant women are more susceptible to COVID-19. Pregnant women are at risk for severe disease associated with other respiratory illnesses but thus far, pregnant women with COVID-19 do not appear to be at increased risk for severe disease compared with the general population.”

Ayon sa mga researcher, tinatayang nasa 4.9 out of 1,000 na kababaihan na may COVID-19 ang naka admit sa ospital. At dito napagalamang ang mga buntis na nagkakaroon ng COVID-19, karamihan ay hindi nagiging severe o malala ang kaso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod dito, ang mga buntis na mayroong current medical issue at problems katulad ng diabetes o high blood ay karamihan sa kanila ang nadadala at naka admit sa ospital. Kasama na rin dito ang mga pregnant mom na sobra sa timbang at nasa 35 pataas.

Risk ng COVID-19 sa buntis | Image from Unsplash

Halos lahat ng kaso ng mga kapapanganak na baby ay nag negative sa COVID-19 pagkatapos nilang matest. Ngunit sa ibang kaso rin na ang mga newborn baby o yung kakapanganak pa lamang ay nagkakaroon agad ng COVID-19. Kasalukuyan pa rin silang nag iimbestiga kung saan nakukuha ng mga newborn baby ang virus. Kung ito ba ay bago ipanganak o pagkatapos mapanganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May iba naman na mga nanay na positibo sa COVID-19 ay nag kakaroon ng premature na baby. One out 5 naman ang kaso rito.

Nabanggit rin nila ang role ng breastmilk dito. Ayon sa kanila, mahalaga ang pagbibigay ng breast milk sa mga newborn child kahit na ang ina ay konektado sa COVID-19 .

“Given the benefits of breast milk, when feasible, breast milk should be fed to infants regardless of maternal COVID-19 status,”

Nagbigay rin sila ng paalala na kailangan maging updated ang mga pregnant moms tungkol sa magiging kaso ng COVID-19 sa mga buntis. Ito ay dahil ang nasabing virus ay patuloy na nag-iiba at nagiging komplikado.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Risk ng COVID-19 sa buntis | Image from Freepik

Bukod rito, kailangan pa rin ng dobleng pag iingat ng mga buntis sa panahon ngayon. Ugaliin ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask kung lalabas ng bahay, pag-iwas lumabas ng madalas at makihalubilo sa madaming tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“For women who are pregnant, the primary recommendation is to avoid becoming infected with SARS CoV-2 through hygiene and social distancing measures.”

 

 

Source:

JAMA Insights

BASAHIN:

STUDY: COVID-19 inaatake ang placenta ng mga buntis

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano