Ibinahagi ng Kapamilya star na si Riva Quenery sa kaniyang latest vlog kung paano niya nalaman ang kaniyang pagbubuntis. Basahin rito ang kaniyang pregnancy story.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kung paano nalaman ni Riva Quenery na siya ay buntis
- Paano malalaman kung menstruation o spotting na pala ang nararanasan?
Kung paano nalaman ni Riva Quenery na siya ay buntis
Para kay Riva Quenery, hindi pa rin umano nagsi-sink in sa kaniya na siya’y magiging ganap na nga na isang ina.
Noong nakaraang Mother’s Day nga umano ay binigyan na siya ng kaniyang partner na si Vern at kaniyang Tatay ng bulaklak. Para sa kaniya masaya umano siya sa dumating na blessing sa kaniyang buhay,
“I’m so happy, my heart is so happy.”
Sa kaniyang latest vlog ibinahagi nga niya kung paano niya nalaman na siya pala ay nagdadalang-tao na.
Nagtanong umano siya sa kaniyang mga fans sa Instagram kung ano ang gusto nilang itanong sa kaniya at sinagot nga niya ito sa pamamagitan ng isang YouTube vlog.
Isa sa mga tanong kay Riva, ay kung paano nga niya natuklasan na siya’y buntis. Ayon sa kaniya,
“Noong January dapat magkakaroon na ko ng period pero na-late ako.
Pero may nakita akong blood sa underwear ko. So, nasa isip ko ah okay may period na ako. Parang ganun.”
Hanggang sa hindi na rin dumating ang kaniyang period noong February,
“Akala ko na-late lang ng ilang araw ganiyan, Tapos noong Feb, na-miss ko na ‘yong period ko.
Tapos napansin ko na sobrang tagal na, bakit hindi ako nagkaka-period. Dapat magpapa-check up ako sa OB-GYNE.”
Kuwento pa niya, hindi umano siya nakapagpa-check up sa OB dahil nilagnat na siya noong huling linggo ng February at noong March umano’y nagkaroon siya ng COVID-19. Kaya naman wala talaga umano siyang mahanap na oras para makapagpatingin sa isang OB.
Wala rin umanong nararamdaman si Riva ng mga usual na sintomas ng pagbubuntis kaya naman hindi rin talaga niya inaakalang siya ay nagdadalang-tao.
Subalit nag-pregnancy test umano rin siya noong February subalit negative din ang lumabas. Pagkatapos noong 2nd week ng March ay nag-negative din ang resulta ng kaniyang pregnancy test,
Hanggang napatingin na nga umano siya sa isang OB sa St. Luke’s QC. Doon nga nakumpirma ni Riva na siya’y nagdadalang-tao na.
Pagkukuwento ni Riva,
“Mga mid april nagpunta na ko sa St. Luke’s QC. Nagpa-check up na ko. Ang binigay pa sa akin procedure nun ay TVS (transvaginal ultrasound).
Sinabi ko pa nga sa OB na I’m not pregnant kasi nga puro negative. Gusto ko lang magpa-check kung may sakit ako.”
Pero nakita umano ng OB na siya’y buntis. Hindi umano makapaniwala si Riva sa narinig niyang balita.
Ang akala niyang period o menstruation noon ay spotting na pala,
“So noong January spotting na pala ‘yon. So, iyon ‘yong time na nalaman ko na pregnant ako.”
Nagpalit umano ang OB ng procedure sa pagtingin kay Riva Quenery at sumailalim siya sa isang pelvic ultrasound.
BASAHIN:
Ano ang implantation bleeding: Mga sintomas na kailangang bantayan
Ano ang spotting at ano ang kaibahan nito sa buwanang dalaw o regla?
Nang makita niya umano sa ultrasound ang tila kamay o paa ng kaniyang baby doon niya umano na-realize na magiging ganap na nga siya na ina,
“Nung nakita ko na ‘yon doon na ko naiyak,..doon ko na-realize na may tao sa tiyan ko.”
Naitanong din kay Riva kung kailan ang kaniyang due date at pagbabahagi niya manganganak siya ngayong darating na Oktubre.
Congratulations Mommy Riva Quenery sa iyong pregnancy.
Paano malalaman kung menstruation o spotting na pala ang nararanasan?
Sa paunang ulat ni Irish Manlapaz, inulat niya ang pagkakaiba ng spotting at menstruation. Mababasa ang kabuang artikulo RITO!
Spotting vs regla
Base sa isang artikulong isinulat ni Dr. Melissa Conrad Stöppler, isang U.S. board-certified anatomic pathologist, ang menstruation o regla ay ang vaginal bleeding na nararanasan ng maraming mga babae buwan-buwan.
Ito ay nararanasan ng 3-5 araw sa loob ng 28 araw na menstrual cycle. Ito ay malakas na kinakailangan ng sanitary pad o napkin upang maiwasang magmantsa ito sa suot na damit ng isang babae.
Bakit nakakaranas ng spotting?
Maraming posibleng dahilan kung bakit nakakaranas ng spotting ang isang babae. Ang mga ito ay ang sumusunod.
Implantation bleeding
Ang implantation bleeding ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakaranas ng spotting ang isang babae. Subalit ito ay applicable lang sa mga babaeng nagbubuntis.
Sapagkat ang implantation bleeding tulad ng nauna ng nabanggit ay ang normal na reaksyon ng katawan ng babae kapag nag-aattach na sa uterus ang na-fertilized niyang egg.
Pero kung buntis at ang spotting ay malakas, mabuting magpatingin agad sa doktor. Sapagkat maaaring maging sintomas rin ito ng pagkakalaglag ng sanggol o miscarriage.
Kaya naman kapag unusual o hindi normal na dami ng dugo ang iyong nararanasan na tila spotting lamang. Maaaring senyales na ito ng pagbubuntis.
Kaya paalala ng mga doktor, agad na magpakonsulta kapag nakakaranas nito sapagkat maaaring sanhi rin ito ng miscarriage at iba pang sakit.
Source:
YouTube, Healthline, Cleveland Clinic