Nanay ni Robert Bolick, hindi imbitado sa kasal ng anak: "What a shame."

Nagsalita na rin si Robert Bolick para ipatanggol ang kaniyang misis sa mga intriga tungkol sa kanilang pagpapakasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tila nadismaya si Zeny Bolick, nanay ng PBA player na si Robert Bolick, matapos magpakasal ang kaniyang anak nang patago. Cassandra Yu naging wife na ng sikat na PBA player.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Robert Bolick gets married to Cassandra Yu
  • Nanay ni Bolick hindi raw alam ang kasal
  • Robert Bolick nagsalita na tungkol sa issue

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Cassandra Yu

Robert Bolick gets married to Cassandra Yu

Noong nakaraang linggo inanunsyo ni Robert Bolick na tapos na ang wedding nila ng kaniyang newly-wedded wife na si Cassandra Yu. Ginanap ang kasal sa Cebu City, kung saan ang public official pa ng naturang lungsod ang nagkasal sa dalawa.

Sa Instagram post ni Cassandra Yu at Robert Bolick, makikita ang ilang kaganapan sa kanilang naging wedding. Kasama na rito ang pagpirma nila sa ilang dokumento at pagsusuotan nila ng wedding ring sa isa't isa.

Ayon kay Cassandra, wife ni Robert Bolick, March 22 ang kanilang naging wedding. At aniya ay intimate na civil wedding daw ang nangyari sa pag-iisang dibdib nila ni Robert Bolick.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When the time is right, when the intention is clear, when the heart is ready, God will surely let you experience being loved by the person He prepared for you.”

'Yan ang caption ni Cassandra sa naging kasal nila ng PBA star.

Samantala, napuno ng pagbati ang comment section ng wedding post nina Cassandra at Robert. Maraming fan at kaibigan nila ang natuwa sa kanilang wedding.

"Thank you so much for your well wishes everyone! Spread the love."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang reply ni Cassandra sa mga bumati para sa kanilang dalawa ni Robert.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Cassandra Yu

Nanay ni Bolick hindi raw alam ang kasal

Kung may mga nasiyahan sa kasal nina Robert at Cassandra, mukhang dismaya naman ang naramdaman ng nanay ng PBA star na si Zeny Bolick.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang artikulo tungkol sa wedding nina Robert Bolick at Cassandra Yu, nag-react si Zeny kung saan binunyag nito na hindi raw pinaalam sa kanila ng basketball player na ikakasal na pala ito.

Giit pa ni Zeny, hindi niya raw gusto ang babae na pinakasalan ng kaniyang anak.

"He get married without telling his parents. What a shame. I don't like this girl and she is not welcome in my house, either in Ormoc or in the US."

Paliwanag pa ni Zeny, hindi raw sa kanila pinakilala ni Robert si Cassandra kaya hindi niya alam kung paano makitungo ang misis ng kaniyang anak. Pero hindi pa diyan natapos ang issue nang sagutin si Zeny ng kapatid ni Cassandra.

Ayon sa comment ni Maria Carmela Yu, na nagpakilalang kapatid ni Cassandra, nakaladkad daw ang kaniyang sister sa gulo ng basketball player.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paratang pa ni Maria Carmela, hindi rin daw pinaalam sa kanilang magulang ang tungkol sa kasal. At nalaman pa raw nila ito sa ibang tao.

"They hid their marriage from us, our mother had to find out about it through someone else."

Ngunit giit ng kapatid ni Cassandra, kahit hindi nila gusto si Robert ay tinanggap pa rin nila ito sa kanilang tahanan.

BASAHIN:

Danica Sotto reveals love language of her husband, Marc Pingris: "He loves being hugged, kissed."

Bianca Gonzalez' daughter Lucia graduates kindergarten: “We are so proud of how much you have grown."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Erwan Heussaff niligawan si Anne Curtis sa pamamagitan ng pagkain, mix tapes at post cards!

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Robert Bolick

Robert Bolick nagsalita na tungkol sa issue

Noong May 24 ay naglabas ng kaniyang saloobin si Robert Bolick tungkol sa issue ng kaniyang pagpapakasal kay Cassandra Yu.

Giit ni Bolick, hindi porke nananahimik daw siya ay aakusahan na siyang guilty. Ito ay tungkol sa kaniyang ex-girlfriend na si Aby Maraño, isang volleyball player.

Noong ianunsyo dati ni Robert na mayroon na siyang ibang girlfriend ay tila may mga patama sa kaniya si Aby.

Paliwanag ni Bolick, alam daw ni Maraño ang rason kaya naputol ang kanilang relasyon. Saad pa ng basketbolista, pareho silang may kasalanan ni Aby kaya hindi naging maayos ang kanilang pagsasama.

"Una sa lahat Aby wag ka masyado feeling victim alam mo naman yung rason bakit ganun, alam mo ginawa mo kumalat pa nga eh."

"Alam mo kasalanan mo tanggapin mo. At alam ko rin kasalanan ko at tinanggap ko yun. Pinagdasal ko rin sa Diyos yun kasi normal tao tayo nagkakamali."

Para naman sa kaniyang pamilya, sinabi ni Robert na tanggap niyang kasalanan niyang hindi niya sinasabi sa mga ito ang kaniyang problema.

"Kahit ganun pa man, mahal na mahal ko kayo at welcome kayo sa buhay namin ni Cassandra at sa magiging anak namin in the future."

Humingi rin ng pasensya si Robert Bolick sa kaniyang wife na si Cassandra dahil sa mga issue tungkol sa kanilang relasyon.

"Sa asawa ko, pasensya at maraming salamat sa sobrang tatag mo na kahit ano binabato sayo, kahit 'di naman totoo nandito ka pa rin sa akin at minamahal mo ako ng sobra-sobra."