Baby gustong sanang iwan ng nanay sa ospital dahil "pangit" daw ito

Ayon sa motivational speaker na si Robert Hoge, nabigla raw ang kaniyang ina nang makita ang kaniyang mga birth defects matapos ipanganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang araw ng panganganak ay isa sa mga pinaka-exciting na pangyayari sa buhay ng mga ina. Ito ay dahil pagkatapos ng 9 na buwan ng pagbubuntis, makikita na rin nila ang kanilang mga anak. Ngunit para sa ina ni Robert Hoge, iba ang kaniyang naging reaksyon.

Robert Hoge, ang “pangit” na baby 

 

Ayon kay Robert, na 44-anyos na ngayon, lubos raw ang naging pagkabigla ng kaniyang ina sa kaniyang hitsura. Ito ay dahil ipinanganak si Robert na mayroong mga facial at physical deformity. Ang kuwento pa raw ay ayaw sanang i-uwi ng nanay ni Robert ang bagong panganak na sanggol dahil sa mga deformity na ito.

Bagama’t madaling husgahan ang ina ni Robert sa kaniyang naging reaksyon, sadyang hindi madaling tanggapin na ang iyong anak ay mayroong deformity. 

Ipinanganak si Robert na may malaking tumor sa mukha ay deformed ang kaniyang mga paa. Dahil dito, inoperahan ng mga doktor ang kaniyang mukha upang matanggal ang tumor. Sa kasamaang palad, kinailangang i-amputate o tanggalin ang kaniyang mga paa upang malagyan ng prosthesis. Ito ay upang matuto siyang makapaglakad, kahit na kinakailangan niyang gumamit ng saklay o kaya ng prosthetic leg.

Ngunit hindi pa rito natatapos ang mga paghihirap na kaniyang pinagdaanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakaranas siya ng 24 na operasyon sa kaniyang murang edad

Dahil sa nangyaring operasyon sa mukha ni Robert, naging kakaiba ang hitsura niya kumpara sa ibang mga bata. Madalas raw ay tinutukso siya, at tinatanong ng ibang mga bata kung bakit ganoon ang kaniyang hitsura.

Habang tumatanda ay patuloy ang naging mga operasyon kay Robert. Ngunit noong siya ay 14, nagdesisyon na siyang itigil na ang reconstructive surgery. Ito ay dahil may posibilidad raw na mabulag siya, at para kay Robert, hindi naman mahalaga kung maging “normal” ang mukha niya. Sa panahong ito, nakaranas na siya ng 24 na operasyon.

Bagama’t hindi madali ang kaniyang buhay, nagpursigi si Robert at kahit kailan hindi hinayaang maging sagabal ang kaniyang hitsura sa kaniyang kaligayahan. Sa edad na 30, nakapag-asawa si Robert at nagkaroon ng 2 anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagsulat siya ng libro tungkol sa kaniyang buhay

 

Dahil nais ni Robert na makatulong sa ibang mga batang katulad niya, nagdesisyon siyang magsulat ng libro tungkol sa kaniyang karanasan.

Nais ni Robert na sa pamamagitan ng kaniyang libro ay mawala ang pagiging mapanghusga ng mga tao. Gusto niyang ituro sa mga kabataan na hindi mahalaga ang hitsura o kapansanan ng isang tao para magtagumpay sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng mga public speaking tour si Robert, at nagbabahagi dito ng kaniyang mga kuwento. Ipinakita ni Robert na kahit ipinanganak siyang “pangit” ay napagtagumpayan niya ang mga pagsubok niya sa buhay. Isa siyang tunay na inspirasyon para sa ating lahat.

 

Source: NTD

Basahin: Ina, namatayan ng sanggol dahil pumutok ang kaniyang panubigan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara