X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Robi Domingo sa engagement niya sa non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda: “Officially off the market. ?”

5 min read

Robi Domingo nag-share ng photos sa naging engagement nila ng long-time girlfriend niyang si Maiqui Pineda sa Japan.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Robi Domingo and Maiqui Pineda engagement.
  • Relasyon ni Robi Domingo at Maiqui Pineda.

Robi Domingo and Maiqui Pineda engagement

EXCLUSIVE: Robi Domingo and Maiqui Pineda are engaged. The proposal happened in the middle of the famous Shibuya crossing in Tokyo, Japan earlier today. Congratulations @robertmarion and Maiqui. pic.twitter.com/s6OogCTOOY

— MJ Felipe (@mjfelipe) November 4, 2022
Nitong Biyernes, November 4 ay exclusive na inanunsiyo ng showbiz reporter na si MJ Felipe na engaged na ang TV host na si Robi Domingo sa non-showbiz girlfriend niyang si Maiqui Pineda. Ang naging proposal naganap sa Shibuya Crossing sa Tokyo, Japan. Ito ay nasaksihan ng mga celebrity friends nina Robi at Maiqui na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Zanjoe Marudo, Ria Atayde at Joshua Garcia. Ang mga ito kasama ng magkasintahan sa Japan para sa bakasyon at pagdiriwang doon ng nagdaang Halloween.

robi domingo engagement to maiqui pineda Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Kahapon, November 6 ay opisyal na ngang inanunsyo ni Robi sa kaniyang Instagram account na engaged na sila ng fiancé niya na ngayong si Maiqui. Kalakip nga ang mga larawan sa kaniyang naging wedding proposal ay ito ang caption ng Instagram post ni Robi.

“Officially off the market. ?”

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)

Agad naman na nag-react ang mga celebrity friends ni Robi na masaya sa simula ng bagong yugto sa buhay nila ni Maiqui Pineda.


msleasalonga
Oh my God, Robi!!! Congratulations!!!!!!!

chinitaprincess Awww!!!! CONGRATULATIONS ROBI D!!❤❤❤❤❤❤❤❤❤ and the ever sweetest maiquie!!!!!

annecurtissmith Congratulations Robbie!!!! ❤❤❤

cathygonzaga Yay!!!!! Congrats pards and mare!❤

Ito ang ilan sa pagbati ng mga celebrities sa engagement nina Robi at Maiqui.

Relasyon ni Robi Domingo at Maiqui Pineda

Apat na taon ng magkasintahan sina Robi at non-showbiz girlfriend niyang si Maiqui. Ayon sa isang panayam sa aktor ay ikinuwento niyang batchmates sila ni Maiqui sa college noon.

Pero ang love story nila nagsimula ng minsang magkasalubong sila sa isang party na hindi dapat pupuntahan ni Robi. Sa hindi niya inaakala ay doon niya na pala makikilala ang kaniyang love of his life sa katauhan ni Maiqui.

“Unexpected kasi no’ng time na hindi ko naman hinahanap, biglang dumating. At saka, matagal na kaming magkakilala. Batchmates no’ng college.”

Ito ang sabi noon ni Robi sa kung paano nagsimula ang love story nila ni Maiqui.

Pagdating nga sa paglalarawan sa kaniyang fiancée na ngayong si Maiqui, ayon kay Robi bagama't magkaiba ang hilig at line of work nila ay super proud siya sa kaniyang girlfriend na kabilang sa finance industry at mahilig sa arts.

“She’s independent and she’s different. She fights for local right now. Kasi she’s into art and she supports local. So medyo different from my world. And at the same time malayo ‘yon sa trabaho ko. She works in the finance industry.”

Ito ang kuwento pa ni Robi noon tungkol sa kaniyang long-time gf na si Maiqui.

robi domingo engagement to maiqui pineda Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Robi sinabing sure at ready na siyang bumuo ng pamilya kasama ni Maiqui

Sabi pa niya, maganda raw ang impluwensiya sa kaniya ni Maiqui at sa piling daw nito ay natupad ang mga pangarap niya sa buhay.

“There's another world na nakikita ko sa kanya. And also, she puts my feet down. 'Yon yung pinakamasarap na pakiramdam kapag kasama ko si Maiqui. Okay, everything's real, pero lahat ng pangarap ko parang natupad ko sa kanya."

Minsan na ring sinabi ni Robi na nasa plano niya naman na talagang pakasalan ang girlfriend na si Maiqui. Bagamat magaganap nga lang daw ang proposal na ito sa oras na financially ready na siya.

“Kung mahal mo siya, mamahalin mo rin ang magiging future niyong dalawa. 'yon para sa akin ang tunay na pagmamahal. 'Pag kaya kong buhayin siya at ilagay siya sa magandang environment at safe ako at guarded ako pati ang pamilya ko okay na rin, then I’m ready to bend the knee.”

Ito ang sabi noon ni Robi.

robi domingo engagement to maiqui pineda Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Sa isang panayam niya kamakailan lang ay sinabi nga ni Robi na sure at ready na siyang lumagay sa tahimik kasama si Maiqui.

“I think I’m ready to have that certain level up in our relationship. So, yes, napag-uusapan siya. Kasi nasabi ko rin sa kanya ‘to, like a couple of weeks before na wala man akong market, may forever naman ako.”

Ito ang pabirong sabi ni Robi.

Ayon pa sa mga nakalipas ng panayam ni Robi sa New York City niya daw orihinal na planong mag-propose kay Maiqui. Pero dahil sa conflicts sa schedule nila at iba pang dahilan ay hindi ito natuloy.

Samantala, sa isa sa mga IG post ni Maiqui ay ibinahagi niya kung paano naman nabibigyan ng kulay ng boyfriend na si Robi ang buhay niya. Dagdag niya lagi lang itong nakasuporta sa TV host at nagpapaalala kung paano nito dapat i-enjoy ang buhay kasama siya.

“I’ll always be here to support you but also to remind you to slow down and enjoy life too. Thanks for making me laugh (even with your corny jokes) and for keeping me sane and happy. Grateful we had this time together. Ily.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Maiqui sa naging kaarawan ni Robi Domingo nitong Setyembre.

 

ABS-CBN, Manila Bulletin

Partner Stories
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Robi Domingo sa engagement niya sa non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda: “Officially off the market. ?”
Share:
  • Vina Morales sobrang proud sa achievement ng anak na first honor

    Vina Morales sobrang proud sa achievement ng anak na first honor

  • Arjo Atayde, top priority si Maine Mendoza kapag sila'y kinasal na

    Arjo Atayde, top priority si Maine Mendoza kapag sila'y kinasal na

  • 6 steps para sa pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card

    6 steps para sa pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card

  • Vina Morales sobrang proud sa achievement ng anak na first honor

    Vina Morales sobrang proud sa achievement ng anak na first honor

  • Arjo Atayde, top priority si Maine Mendoza kapag sila'y kinasal na

    Arjo Atayde, top priority si Maine Mendoza kapag sila'y kinasal na

  • 6 steps para sa pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card

    6 steps para sa pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.