Robi Domingo sa engagement niya sa non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda: “Officially off the market. ?”

Robi minsan ng ibinahagi na dapat sa New York City siya magpropropose ng kasal kay Maiqui.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Robi Domingo nag-share ng photos sa naging engagement nila ng long-time girlfriend niyang si Maiqui Pineda sa Japan.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Robi Domingo and Maiqui Pineda engagement.
  • Relasyon ni Robi Domingo at Maiqui Pineda.

Robi Domingo and Maiqui Pineda engagement

Nitong Biyernes, November 4 ay exclusive na inanunsiyo ng showbiz reporter na si MJ Felipe na engaged na ang TV host na si Robi Domingo sa non-showbiz girlfriend niyang si Maiqui Pineda. Ang naging proposal naganap sa Shibuya Crossing sa Tokyo, Japan.

Ito ay nasaksihan ng mga celebrity friends nina Robi at Maiqui na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Zanjoe Marudo, Ria Atayde at Joshua Garcia. Ang mga ito kasama ng magkasintahan sa Japan para sa bakasyon at pagdiriwang doon ng nagdaang Halloween.

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Kahapon, November 6 ay opisyal na ngang inanunsyo ni Robi sa kaniyang Instagram account na engaged na sila ng fiancé niya na ngayong si Maiqui. Kalakip nga ang mga larawan sa kaniyang naging wedding proposal ay ito ang caption ng Instagram post ni Robi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Officially off the market. 💍”

Agad naman na nag-react ang mga celebrity friends ni Robi na masaya sa simula ng bagong yugto sa buhay nila ni Maiqui Pineda.


msleasalonga
Oh my God, Robi!!! Congratulations!!!!!!!

chinitaprincess Awww!!!! CONGRATULATIONS ROBI D!!❤❤❤❤❤❤❤❤❤ and the ever sweetest maiquie!!!!!

annecurtissmith Congratulations Robbie!!!! ❤❤❤

cathygonzaga Yay!!!!! Congrats pards and mare!❤

Ito ang ilan sa pagbati ng mga celebrities sa engagement nina Robi at Maiqui.

Relasyon ni Robi Domingo at Maiqui Pineda

Apat na taon ng magkasintahan sina Robi at non-showbiz girlfriend niyang si Maiqui. Ayon sa isang panayam sa aktor ay ikinuwento niyang batchmates sila ni Maiqui sa college noon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero ang love story nila nagsimula ng minsang magkasalubong sila sa isang party na hindi dapat pupuntahan ni Robi. Sa hindi niya inaakala ay doon niya na pala makikilala ang kaniyang love of his life sa katauhan ni Maiqui.

“Unexpected kasi no’ng time na hindi ko naman hinahanap, biglang dumating. At saka, matagal na kaming magkakilala. Batchmates no’ng college.”

Ito ang sabi noon ni Robi sa kung paano nagsimula ang love story nila ni Maiqui.

Pagdating nga sa paglalarawan sa kaniyang fiancée na ngayong si Maiqui, ayon kay Robi bagama’t magkaiba ang hilig at line of work nila ay super proud siya sa kaniyang girlfriend na kabilang sa finance industry at mahilig sa arts.

“She’s independent and she’s different. She fights for local right now. Kasi she’s into art and she supports local. So medyo different from my world. And at the same time malayo ‘yon sa trabaho ko. She works in the finance industry.”

Ito ang kuwento pa ni Robi noon tungkol sa kaniyang long-time gf na si Maiqui.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Robi sinabing sure at ready na siyang bumuo ng pamilya kasama ni Maiqui

Sabi pa niya, maganda raw ang impluwensiya sa kaniya ni Maiqui at sa piling daw nito ay natupad ang mga pangarap niya sa buhay.

“There’s another world na nakikita ko sa kanya. And also, she puts my feet down. ‘Yon yung pinakamasarap na pakiramdam kapag kasama ko si Maiqui. Okay, everything’s real, pero lahat ng pangarap ko parang natupad ko sa kanya.”

Minsan na ring sinabi ni Robi na nasa plano niya naman na talagang pakasalan ang girlfriend na si Maiqui. Bagamat magaganap nga lang daw ang proposal na ito sa oras na financially ready na siya.

“Kung mahal mo siya, mamahalin mo rin ang magiging future niyong dalawa. ‘yon para sa akin ang tunay na pagmamahal. ‘Pag kaya kong buhayin siya at ilagay siya sa magandang environment at safe ako at guarded ako pati ang pamilya ko okay na rin, then I’m ready to bend the knee.”

Ito ang sabi noon ni Robi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Sa isang panayam niya kamakailan lang ay sinabi nga ni Robi na sure at ready na siyang lumagay sa tahimik kasama si Maiqui.

“I think I’m ready to have that certain level up in our relationship. So, yes, napag-uusapan siya. Kasi nasabi ko rin sa kanya ‘to, like a couple of weeks before na wala man akong market, may forever naman ako.”

Ito ang pabirong sabi ni Robi.

Ayon pa sa mga nakalipas ng panayam ni Robi sa New York City niya daw orihinal na planong mag-propose kay Maiqui. Pero dahil sa conflicts sa schedule nila at iba pang dahilan ay hindi ito natuloy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, sa isa sa mga IG post ni Maiqui ay ibinahagi niya kung paano naman nabibigyan ng kulay ng boyfriend na si Robi ang buhay niya. Dagdag niya lagi lang itong nakasuporta sa TV host at nagpapaalala kung paano nito dapat i-enjoy ang buhay kasama siya.

“I’ll always be here to support you but also to remind you to slow down and enjoy life too. Thanks for making me laugh (even with your corny jokes) and for keeping me sane and happy. Grateful we had this time together. Ily.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Maiqui sa naging kaarawan ni Robi Domingo nitong Setyembre.