Rodjun Cruz sa bagong panganak na misis na si Dianne Medina: “So proud of you wife wife! Ang tapang mo.”

Si Dianne nakaranas ng gestational diabetes at hypertension ng buntis. Kinailangan niya ring ma-CS sa kaniyang second baby.

Rodjun Cruz may sweet na mensahe sa bagong panganak na misis na si Dianne Medina.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Mensahe ni Rodjun Cruz sa misis na si Dianne Medina.
  • Panganganak ni Dianne Medina.

Mensahe ni Rodjun Cruz sa misis na si Dianne Medina

rodjun cruz with baby isabella

Larawan mula sa Instagram

Nanganak na ang host na si Dianne Medina sa baby girl nila ng mister na si Rodjun Cruz. Ang magandang balita masaya nilang ibinahagi sa Instagram.

“Welcome to the world our Answered prayer /Princess @isabella_ilustre !✨😍💖 We love you so much! God bless you always !☝🏻#MariaIsabellaElizabeth #7232024 #BabyIsabellaILustre.”

Ito ang caption ng post in Rodjun kalakip ang mga larawan nila kasama ang kanilang newborn baby girl na si Isabella.

Sa isa sa mga latest post ni Dianne ay ibinahagi niya naman kung ano ang napagdaanan niya sa pagbubuntis at panganganak sa kaniyang second baby. Ayon sa kaniya, siya ay nakaranas ng gestational hypertension, gestational diabetes, cardiac arrythmia at polyhydramnios habang buntis. Siya rin ay na-cesarean ng manganak.

Dahil sa naging karanasan ni Dianne sa pagbubuntis at panganganak sa second baby nila ni Rodjun, ang aktor sobrang proud sa kaniyang misis. Sa nasaksihan sa nga sa napagdaanan ng asawa para sa bagong blessing sa kanilang pamilya ay mas lalo niya daw minahal ito ngayon.

dianne medina and baby isabella

Larawan mula sa Instagram

Panganganak ni Dianne Medina

“17 years na tayo today simula nung sinagot mo ako wife wife @dianne_medina. The best na regalo ang binigay satın ni Lord ngayon.!💘💯☝🏻 Grabe! Ang ating second baby. Our princess @isabella_ilustre . So proud of you wife wife! Ang tapang mo . Sa Nasaksihan ko kanina mas lalo pang tumindi ang pagmamahal ko sayo. saludo ako sayo!😘 I love you so much.”

Ito ang mensahe pa ni Rodjun Cruz sa misis niyang si Dianne Medina.

rodjun cruz dianne medina family

Larawan mula sa Instagram

Si Dianne ngayon ay nagpapagaling parin sa ospital. Siya nga ay nagpa-haircut na kahit ang paniniwala ng iba na nakakabinat daw ito. Ito ang sagot niya sa ilang concerned netizens.

“People are commenting nakakabinat daw— but my doctors told me that I need to stand and walk by day # 2 after my CS Operation to avoid embolism and mas mabilis gagaling ang wound.”

Ito ang sabi pa ni Dianne.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!