Ang mga sanggol ay ipinanganak na may iba’t ibang reflexes o involuntary movements. Isa sa mga ito ay ang rooting reflex na nadevelop noong siya ay nasa sinapupunan pa.
Ang rooting reflex ay nagsimulang madevelop noong siya ay nasa 28-30 weeks pa lamang. Kaya ang mga premature babies (ipinanganak bago mag-28 weeks) ay maaaring wala pang rooting reflex.
Ano ang rooting reflex sa mga babies?
Ang rooting reflex sa mga baby ay nangyayari kapag hinawakan ang pisngi o gilid ng bibig ni baby. Siya ay lilingon at ibibuka ang kaniyang bibig upang sundan ang direksyon ng paghagod.
Nakakatulong ang rooting reflex kay baby para hanapin ang dede o bote. Ang reflex na ito ay tumatagal ng apat na buwan.
Narito ang video kung ano itsura ng rooting reflex sa mga babies:
Ang iyong baby ay titingin muna sa magkabilang gilid para hanapin ang nipple. Sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo, ang iyong anak ay ibabaling na lamang ang kaniyang ulo at pupwesto para dumede.
Malaki ang tulong ng rooting reflex para dumededeng baby. Kaya kapag ikaw ay nagpapadede, ilapit ang iyong nipple sa pisngi o labi ng iyong anak. Kapag siya ay humarap na sa iyo at ibinuka ang kaniyang bibig, ipalatch mo siya sa iyong dede.
Ano ang pinagkaiba ng rooting reflex sa mga baby at sucking reflex?
Magka-ugnay ang rooting reflex at sucking reflex at parehong mahalaga sa pagdede ng iyong anak.
Nauunang mangyari ang rooting reflex para mahanap niya ang nipple ng dede o bote.
Ang sucking reflex naman ay natitrigger kapag ang “roof” ng bibig ni baby ay nalapatan ng daliri o nipple. Kapag nastimulate ito, magsisimulang magsuck o uminom si baby.
Kung ikaw ay concern sa reflexes ng iyong anak o napapansin mo na hindi siya naglalatch, nagroroot o nagsasuck, kumonsulta sa pediatrician o lactation consultant.
Retained rooting reflex
Ang rooting reflex sa mga baby ay nawawala matapos ang apat na buwan. Sa ibang pagkakataon, ito ay tumatagal. Kung hindi ito mawala agad, ito ay tinatawag na “retained” rooting reflex.
Ang retained neonatal reflex ay isang sign ng developmental delay. Kung magpatuloy ang reflex na ito hanggang sa maging toddler siya, maaari itong magdulot ng problema.
Halimbawa, maaaring magkaroon ng hypersensitivity sa labi at bibig. Ang dila ay maaaring laging nakaforward, na magreresulta sa speech at articulation problem, drooling, hirap na paglunok at pagnguya. Maaaring maging fussy eater o thumb sucker ang bata.
Mga social at learning problem na nauugnay sa retained rooting reflex:
- Hirap na pagkain ng solid foods
- Messy eaters at dribbling
- Poor articulation
- Poor manual dexterity
Basahin: 10 newborn reflexes every new mom needs to know about
(Source: Stanford Children’s Health, Healthline)