X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ruffa Gutierrez graduate na sa college sa edad na 48: "The journey continues!"

5 min read

Ruffa Gutierrez graduate na ng college at enrolled na ngayon para kumuha ng Master’s degree.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Ruffa Gutierrez graduate na sa college
  • Ano ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program?
  • Iba pang milestones sa buhay ni Ruffa Gutierrez ngayong taon

Ruffa Gutierrez graduate na sa college

ruffa gutierrez graduates college

Larawan mula sa Instagram account ni Ruffa Gutierrez

Graduate na si Ruffa Gutierrez sa kolehiyo. Ito ang balitang masayang ibinahagi ng dating beauty queen at aktres sa kaniyang Instagram account. Si Ruffa ay naka-graduate ng kursong Bachelor’s Degree in Communication Arts sa Philippine Women’s University.

Ito ay sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). Si Ruffa naka-schedule na umanong magmartsa sa kaniyang graduation rites sa susunod na linggo.

“I humbly want to share that I have graduated with a bachelor’s degree in Communication Arts from the Philippine Women’s University under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). I am now gearing up for PWU’s 99th Commencement Exercises at the Philippine International Convention Center (PICC) next week.”

Ito ang sabi ni Ruffa sa kaniyang Instagram account.

 
View this post on Instagram
  A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Sabi pa ni Ruffa, ang pagtatapos niyang ito ay naging possible sa pamamagitan ng gabay ng kaniyang school at suporta ng kaniyang mga mahal sa buhay.

Bunga rin daw ito ng kagustuhan niyang makapagtapos ng pag-aaral at higit sa lahat ang matupad ang mga pangarap niya. Kaya si Ruffa maliban sa naka-graduate na sa kolehiyo ay magpapatuloy sa pag-aaral upang kumuha naman ng Masters degree sa Communication Arts.

“Because of my enduring commitment to continuously seeking knowledge and equipping myself with new skills that will help me prosper and fulfill my dreams in the ever-changing global scene, I also proudly share with you that I am officially an MA-ComArts student at PWU.”

“The journey continues — unstoppable! To God be the glory!”

Ito ang sabi pa ni Ruffa sa kaniyang IG post.

Marami naman ang natuwa sa post na ito ni Ruffa. Kaya naman bumuhos rin ang pagbati sa kaniya.

Jackie Forster: So proud of you!

Raymond Gutierrez: So so so PROUD OF YOU!!! Showing everyone that you can achieve your dreams, be a mom, have a career and do it all! A true inspiration!

Sarah Lahbati: A TRUE QUEEN! Beauty and brains. So proud of you, ate!

Almira Muhlach: Congratulations!!!! So happy for you girl!! Let’s celebrate this soon!!!

Ito ang ilan sa pagbati ng malalapit na tao sa buhay ni Ruffa sa bagong milestone na ito sa buhay niya.

ruffa gutierrez graduates college

Larawan mula sa Instagram account ni Ruffa Gutierrez

Ano ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program?

Tulad ni Neri Naig-Miranda, si Ruffa Gutierrez ay naka-graduate sa kolehiyo sa pamamagitan ng ETEEAP o Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program. Ito ay isang alternative learning education na pinangungunahan ng CHED o Commission on Higher Education.

Sa ilalim ng programang ito ay binibigyan ng pagkakataon ang mga working professional na hindi nakapasok o hindi nakatapos sa kolehiyo na maka-graduate.

Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hindi bababa sa limang taon karanasan na may kaugnayan sa kursong kanilang napili. Ang kanilang naging kaalaman, karanasan, at achievement sa kanilang trabaho ay gagamitin at maaring i-convert to school credits na kailangan nila bago maka-graduate.

Maraming school institutions sa bansa ang nagpapatupad na ng programang ito. Isa na nga rito ang University of Baguio na kung saan nagtatapos si Neri Naig sa kursong Business Administration at Philippine Women’s University kung saan nakapagtapos si Ruffa Gutierrez.

Iba pang milestones sa buhay ni Ruffa ngayong taon

ruffa gutierrez husband

Larawan mula sa Instagram account ni Venice Bektas

Ang pag-graduate ni Ruffa sa college ay isa lamang sa magagandang bagay na nangyari sa kaniya ngayong taon. Ayon nga mismo sa aktres, isa sa pinaka-pinasasalamatan niyang special na nangyari sa kaniyang pamilya ay ang muling pagkikita ng mga anak niya at ama nitong si Yilmaz Bektas matapos ang 15 years.

“The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart.”

Ito ang sabi ni Ruffa sa isa niyang IG post.

Matatandaang taong 2007 nang umuwi si Ruffa Gutierrez sa Pilipinas kasama ang mga anak na sina Lorin at Venice. Ito ay matapos ang apat na taon ng maikasal sa kilalang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Sa naging pag-uwi ni Ruffa ay baon niya ang balitang tumakas at nakikipaghiwalay na siya sa asawa. Dahil si Ruffa nakaranas raw ng paulit-ulit na pang-aabuso sa kamay nito.

“Yes, I have many scars in my body and it came to a point where I would just put makeup on them, cover them up. When he would cut my hair, I would put hair extensions. It became like a normal situation.”

Ito ang sabi ni Ruffa sa isang panayam kung saan ibinahagi niya ang naranasang pang-aabuso.

Ngayon matapos ang 15 years ay nag-uusap ng muli si Ruffa at Yilmaz para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Instagram

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ruffa Gutierrez graduate na sa college sa edad na 48: "The journey continues!"
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.