Mahilig mag-travel ang mag-asawang si Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ng sila lang o kahit kasama ang kanilang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.
Ayon sa panayam ng The Asian Parent sa mag-asawa noong nakaraang Klook Travel Fest, naikuwento ni Ryan at Juday na maingat sila sa pagplaplano ng kanilang mga trips.
Marami rin silang kino-konsider kapag lumalabas sila ng Pilipinas katulad ng kanilang itinerary at mga dapat dalhin o impake lalo na kapag kasama ang kanilang mga anak. Mabusisi nga raw silang mag-asawa lalo na si Juday kapag nagta-travel.
View this post on Instagram
“Make sure that kids won’t take things for granted”
Kapag ang mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo lang ang nag-a-abroad, may napansin daw silang lagi nilang nasasambit at maingat nga din daw sila sa pagpa-plano kapag kasama naman ang mga anak.
Ani Ryan, “One of the things we noticed we say a lot during trips is, ‘Oh si Lucho will like it here, oh ate will like it here, oh Luna will like it here,’ and then you know, I mean it’s those little things that you take note of. Pero kasi maingat din kami.”
Paliwanag niya na noong bata pa silang dalawa ni Juday, hindi sila nakakapag-travel madalas. Nakakapag-travel na lang sila nang sila ay nagtratrabaho na bilang artista.
“We got to travel because of work you know. It’s not as if noong unang panahon, nung mga bata kami, we only have a big trip every few years, gano’n.”
Dagdag niya, “Ngayon lang naman nauso ‘yong mga family going out in trips. Dati, you know, mag-a-America kayo effort talaga. Luxury talaga. Pag-iipunan mo talaga, you know.”
Kaya’t kahit na gusto man nilang ipakita sa kanilang mga anak ang iba’t ibang parte ng mundo, maingat sila sa pagbibigay ng ganitong klaseng luho sa mga anak nila.
Paliwanag ni Ryan: “Like for example, we enjoy going to Amanpulo, but we don’t wanna bring the kids yet there. Kasi kami when we were able to go to Amanpulo it was on our own coin and ‘yong talagang excited ka.”
(Ang Amanpulo ay isang luxury resort sa Palawan. Ang isang gabi sa resort ay nagkakahalaga ng mahigit kumulang P50,000, maliban pa sa gastos ng airfare at pagkain.)
Gusto ni Ryan at Juday na kapag na-experience ng kanilang mga anak ang mga ultra luxury destinations na ito, ‘yon ay dahil pinaghirapan ng mga anak nila ang pera na ginamit nila na pang-travel.
“Kasi pagni-raise mo na yung level nila at this age—standards nila baka mamaya kapag nakakita ng ibang beach na mabato ‘yan, sabihin ‘yon ‘Yuck!’ di ba?” natatawang sambit ni Ryan.
Aniya, “We take care of those things also. You wanna make sure your kids don’t take things for granted, so we do take trips, but pinipili rin namin.”
View this post on Instagram
“They just get more responsible abroad”
Kaya’t ngayon na bata pa ang kanilang mga anak, mas pinipili ng mag-asawa ang mga lugar na kid-friendly at pasok sa kanilang budget. Ayon sa mag-asawang Juday at Ryan Agoncillo, madaming positibong bagay ang naidudulot ng paglalakbay sa mga bata.
Anila ang mga totoong personalidad daw ng mga bata ay lumalabas di-umano kapag nagta-travel at napansin nga ito ng mag-asawa sa kanilang mga anak.
Ani Juday, “With Lucho and Yohan responsible kids naman na sila to begin with. They just get more responsible abroad, kasi alam nilang walang yaya. So when you tell them na, ‘Oh when you wake up tomorrow, you brush your teeth, fix your bed, and ganyan.'”
Dagdag ng Kapamilya actress, “So when we were in Las Vegas last Christmas, pagnasa-grocery ako, si daddy and the kids will clean the house, they’ll fix the bed—kumbaga it’s a training for them when we’re abroad and the responsibility levels up. Kasi nga alam nilang sila-sila lang, e.”
“E, kung ano ‘yong ihain mo ‘yon ‘yong kakainin nila at saka ano naman sila, hindi sila mahirap paliwanagan, e. Hindi sila ‘yong mga bratinella na mga bata na mapilit na pagka-gusto, gusto,” masayang pahayag ni Juday.
Basahin: Juday at Ryan: Tips sa pag-travel kasama ang mga bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!