Ryan Agoncillo: “Kids are unique”
Sa isang exclusive interview ng TheAsianParent Philippines sa celebrity couple na sina Judy Ann at Ryan Agoncillo, tinanong namin sila kung ano ang kanilang natutunan bilang parents lalo na’t ngayon ay mayroon na silang 3 kids.
Ryan Agoncillo kids
Screenshot from @officialjuday’s Instagram
Sa kasalukuyan ay mayroong tatlong anak sina Ryan at Judy Ann. Ang kanilang panganay na si Yohan, ang 8-year old na si Lucho at ang kanilang bunso na si Luna.
Tinanong namin ang dalawa kung ano ang kanilang top 3 na natutunan mula sa kanilang mga anak. Ito ang kanilang naging sagot:
“Patience is a virtue.”
Screenshot from @ryan_agoncillo’s Instagram
Ayon kay Juday, importante ang patience sa parenting. Hindi naman kasi natin maiiwasan ang mga pagkakataong ma-cha-challenge ka sa iyong mga anak. Kaya naman advice ni mommy Juday, be patient.
“Every kid is unique.”
Ayon naman kay Ryan, ang bawat bata ay unique. Hindi mo puwedeng i-kumpara ang isa sa isa. Maaari mong gawing guide ang iyong mga experience sa isa pero hindi mo dapat asahan na magiging pareho ang epekto sa kanila. Hindi rin pare-pareho ang skill set ng iyong mga anak kaya naman bigyan sila ng room to improve at chance para maipakita at mahasa ito.
“Spending time is better than spending money.”
Ayon pa rin kay daddy Ryan, mas mahalaga ang quality time. Kahit pa busy ang schedule ng dalawa, importante sa kanila na maging present pagdating sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Magkaiba ang pagbibigay lamang ng kahit anong gustuhin nila sa pagbibigay ng oras at atensyon mo. Mas maigi kung balanse ito.
“You need to have an open mind with your children…”
Sa panahon ngayon, napakaraming bagay na ang maaring pagkuhanan ng impormasyon ng mga bata. Sila rin ay curious tungkol sa maraming bagay. Ayon kay mommy Juday, natuto siyang maging good listener dahil sa kanyang mga anak. Natuto raw siyang mag-pay attention at intindihin kung ano ang saloobin ng kanyang mga anak without judging them.
Screenshot from @officialjuday’s Instagram
“They’ll never take your advice…”
Mas tinitignan daw ng inyong mga anak ang kilos niyo kaysa sa sinasabi. Dapat na maging mabuting ehemplo sa kanila dahil susundan lamang nila kung ano ang kanilang nakikita.
Ito lang ang ilan sa mga parenting tips nila Ryan at Juday. Para naman sa inyo, ano ang pinakamahalagang parenting advice na narinig niyo dati na nais mong ibahagi?
Ang dalagang anak nila Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan Agoncillo ay walang kahit anong social media account, na hindi pangkaraniwan sa isang teenager.
Paliwanag ni Juday
Para kay Judy Ann Santos, importante na pumasok ang anak sa social media sa tamang panahon at edad. Aniya nga, “We don’t allow her, I told her kasi na we have to follow the rules of what’s in Facebook. If you’re 18, that’s the only time that you can have your Facebook account or any social media account, because yun yung nakalagay na rule or agreement. We don’t want to lie about your age.”
Dagdag pa ng aktres, “There are specific reasons why you have to be of age. You have to be responsible. There are content in this social media thing na baka ikakagulat mo, ‘tapos hindi ka pa ready for your age. So, don’t feel bad kung lahat ng kaibigan mo may social media account. Iba lang yung paniniwala nila diyan, but ako naniniwala ako na it’s not yet time.”
Mariing pagsaad niya pa sa kanyang anak, “We have to be responsible already to have your own account.”
Pagiging celebrity kids
Kahit hindi pa masyadong aware ang mga anak ni Judy Ann at Ryan na mapasama o mabansagan na bilang “celebrity family,” ipinaliwanag ni Juday sa kanyang tatlong chikiting na sina Yohan, Lucho, at Luna ang responsibilidad na kaabit sa kanilang pagiging “celebrity kids.”
“Sabi ko, ‘Whatever you do is magnified. Whatever you say, there’s a responsibility behind that. And, at the same time, since you’re considered a celebrity also, you have to think of the things you’re going to put that will inspire people,’ paliwanag ng aktres sa kanyang tatlong anak.
Alam ni Juday pagdating ng isang araw, magiging parte ng social media ang kanyang tatlong anak at maaari ring gustuhing maging celebrity tulad ng kanilang mga magulang kung sakali.
Batid nga niya, “Kasi yun na yun, e. It’s inevitable, e. At one time or another, magiging celebrities sila or yun yung gagawin nila. But early on pa lang, you have teach them na the responsibilities of being a celebrity… Parang if you don’t tell it to them, mahirap.”
BASAHIN: Judy Ann Santos shares that Ryan Agoncillo makes her truly feel loved