Ryan Agoncillo muling pinakilig ang mga netizens sa isang Instagram post tungkol sa kuwento ng pag-iibigan nila ng asawang si Judy Ann Santos.
Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos love story
Sa pinaka-latest na Instagram post ay makikita ang isang larawan ng pinakapaboritong subject ni Ryan Agoncillo sa kaniyang mga litrato. Walang iba kung hindi ang asawa at beteranang aktres na si Judy Ann Santos.
Kalakip ng larawan ay isang mensaheng naka-address para sa nag-iisang anak na lalaki nila ni Juday na si Lucho. Ang mensahe ay tungkol sa kuwento kung paano nagsimula ang pagmamahalan nila ni Juday at kung kailan niya nalaman na si Juday na ang babaeng kaniyang papakasalan.
www.instagram.com/p/ByIDnBjpSYp/
Sinimulan ni Ryan ang kaniyang pagkukwento noong sila ni Juday ay nasa getting to know each other stage palang.
Inaalala niya noon ng minsang sunduin niya si Juday sa isa sa mga taping ng pinagbibidahang pelikula. Gamit ang kaniyang motorsiklo ay namasyal at nag-join ride sila kahit umuulan. Isang bagay na alam ni Ryan na hindi magugustuhan ng ibang babae. Ngunit, ayun si Juday at tila nag-eenjoy pa sa nangyayari.
Ibinahagi niya rin kung paano siya tinutulungan ni Juday noon sa club na pagmamay-ari niya. Sa pamamagitan ng pagmi-mix at pagse-serve ng inumin para sa mga customers niya.
Hindi niya rin makakalimutan ang araw na minsang tinulungan siya ni Juday sa isa sa mga photo shoots niya.
Ito daw mismo ang nag-ayos ng mga lights sa set-up na ikinagulat ng editor niyang ilang buwan ng ibinu-book si Juday para sa isang cover shoot.
“She is the one moment.”
Ngunit ang natatanging pagkakataon na kung saan na-realize niya na si Juday na ang babaeng kaniyang papakasalan ay nang minsang dalhin niya ito sa bahay ng kaniyang mga magulang.
Kuwento ni Ryan ay dumadaan noon sa isang napakahirap na sitwasyon si Juday na gusto lang mag-relax at mapag-isa.
Kasama ang kaniyang pinsan ay nag-stay sa kuwarto na tinutulugan niya si Juday noong siya ay bata. Walang kahit anong magagandang gamit, tanging kama, maingay na aircon at CD player na kailangan mo munang hampasin bago tumugtog.
Sa pangalawang hapon ng kanilang bakasyon habang nagkakape ay naisip niyang tanungin si Juday kung ayos lang ba sa kaniya ang tahimik at boring na buhay na nakasanayan ni Ryan.
Isang ngiti lang daw ang ‘sinukli ni Juday at doon niya daw nalaman na si Juday na ang “the one,” ang babaeng para sa kaniya.
Nito lamang Abril ay nag-celebrate ng 10th year anniversary bilang mag-asawa sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.
Mayroon silang tatlong anak na sila Yohan, Lucho at Luna.
Narito ang kabuoan ng kaniyang post:
I was maybe 26, Mom and I were only really starting to get to know each other.
I’d pick her up from 1 of her movie sets, we’d ride a motorcycle thru fog and a thunderstorm just to hang.
Not every girl would’ve liked it, Mom just giggled thru shivers, while we were sipping gas station coffees, soaked to the socks in the middle of nowhere.
Sometimes, Mom would drop in on me at the rock and roll club I used to own with your Ninong Ramdy. She’d offer to mix drinks and serve beer at the bar for guests along with her other beautiful friends, I don’t think we ever refused.
There was also this time, she pitched to help set up at one of my photo shoots.
While in the studio hallway talking shop with the fashion editor, Mom comes out, wearing mechanics gloves, all sweaty from adjusting the lights, telling me the set up was ready.
I turned to face my editor, her mouth was just wide open, her jaw, we had to scrape off the floor. Apparently, her team had been trying to book her for a cover shoot for months already, and there she was, on a random morning fixing lights for the part time photographer.
By this time though, I’ve had my heart broken enough times to know that exciting times fade, I knew it was a must to also be comfortable in silences.
Mom hit a very rough patch and wanted to disappear, even just a few days, to breathe.
I took her to Lolo and Lola’s and they agreed that it was the best place for her to relax, undisturbed.
She stayed, with one of her cousins, in my bedroom since I was 8. There wasnt much, just a big mattress on the floor, a noisy A/C and a wonky CD player you had to whack to get thru old DMB records. I slept in my parents room, as I usually do when I’m home for the weekends.
Probably the 2nd afternoon though, I was on the parquet floor, reading a paperback, your aunt had just quietly come in with 3 Frappuccinos, and Mom gets up from under the blankets and pillows. There wasn’t much talk, but I do remember asking her with a sideways glance, “you cool with this?” she said “with what?” “this. this is how quiet and boring it gets with me too.”
She just sipped the frap, smiled, and went back to her nap. That’s when I knew Bud. #storiesforlucho
Photos: Judy Ann and Ryan Agoncillo’s Instagram accounts
Basahin: Ryan Agoncillo: Hindi lahat ng luxury, kailangan ipa-experience sa mga bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!