Ryan Kaji YouTube salary umabot ng $26 million o P1.3 billion ngayong 2019.
Ryan Kaji Youtube salary
Isang batang 8-taong gulang ang hinahangaan hindi lang sa internet world kung hindi pati narin sa pagiging entrepreneur ngayong taon. Dahil maliban sa pagiging sikat sa mga bata sa YouTube ay siya rin ang may pinaka-malaking kinita gamit ang video channel ngayong 2019.
Ayon sa Forbes, ang Ryan Kaji Youtube salary ngayong taon ay umabot ng $26 million na kung i-coconvert sa Philippine peso ay mahigit P1.3 billion. Ngunit sino nga ba si Ryan at paano niya nagawa ito?
Ryan Kaji profile
Si Ryan Kaji o Ryan Haruto Guan sa kaniyang buong pangalan ay isang 8-anyos na bata na anak nina Shion Guan, 31, at Loan Guan, 35. Sila ay mga Japanese at Vietnamese immigrants na ngayon ay kasalukuyang nakatira sa Texas, USA kasama si Ryan at ang kambal na kapatid nito na sina Emma at Kate.
Nagsimula si Ryan na bumida sa mga YouTube videos ng siya ay 3-years-old palang.
Ang kaniyang YouTube channel ay unang nakilala bilang Ryan Toy Reviews na kung saan ang most watched ay ang HUGE EGGS Surprise Toys Challenge na may inflatable water slide. Ito ay nai-released noong 2017 na mayroon ng 1.9 billion views.
Dahil sa pagiging patok ng kaniyang toy reviews lalo na sa mga kabataan ay nakahiligan na itong panoorin hindi lang ng mga bata. Kung hindi pati narin ng mga magulang na naghahanap ng pinakamagandang laruan para sa anak nila.
Ngunit ito ay hindi magiging possible kung wala ang tulong at gabay ng mga magulang ni Ryan. Ayon nga sa mga report, ang nakaisip na gumawa ng Youtube channel at mag-post ng toy reviews si Ryan ay ang ina niyang si Loan Guan. At para nga matutukan ang anak sa kaniyang YouTube channel ay nagresign si Loan sa pagiging highschool chemistry teacher.
Ryan ToysReview
Mula noong magsimula ang YouTube channel ni Ryan noong March 2015 ay agad na itong nagkaroon ng 4 million subscribers noong September 2016. Habang ang kaniyang mga videos ay napanood na ng halos 6.5 billion na beses.
Ayon parin sa Forbes, noong taong 2016 ay nasa pang-walong pwesto si Ryan sa mga highest YouTube entrepreneur. Ang Ryan Kaji YouTube salary noong 2016 ay umabot ng $11 million o P5.6 billion.
Nagpatuloy ang tagumpay ni Ryan sa YouTube world na kung saan noong nangkaraang taon naitalang kumita siya ng $22 million o P1.1 billion. Habang ngayong taon nga ay nasa $26 million naman o P1.3 billion ang kinita niya mula June 2018 to June 2019.
Ito ay dahil ang YouTube ay nagbabayad sa isang channel ng $7 o P350 sa kada 1,000 clicks ng subscribers o nanonood ng featured video nito.
Ryan’s World
Mula sa pangalang Ryan ToysReview, ngayon ay kilala na ang YouTube channel ni Ryan na Ryan’s World. At mula nga sa pagbibigay ng kaniyang honest comments sa mga binubuksang laruan, si Ryan ngayon ay may sariling line of products narin na ibinebenta sa Walmart sa USA.
Ilan nga sa produktong ibinebenta alinsunod sa pangalan ni Ryan ay ang Ryan’s World Kids Oral Care’ products, Ryan’s World Pajamas, Ryan’s World Cushion at Ryan’s World’ mandarin oranges.
May isang fast food chain din sa US ang nagbebenta ng Ryan’s Star Pal Kid’s Meal Toys. Habang kamakailan lang ay nai-released narin ng Xbox One at Nintendo ang “Race With Ryan” na kart racing video game.
Mayroon naring libro at magazine na ipinangalan kay Ryan. Ito ay ang Ryan’s World Magazine, Ryan’s World Amazing Sticker Scenes at Ryan’s World Ultimate Guide.
Maliban rito ay nakipag-partner narin siya sa mga entertainment studio tulad ng Pocket.watch noong 2017. Habang nito lamang April 2019 ay ini-released ang Ryan;s Mystery Playdate sa Nick Jr. Dito ay makikita naman si Ryan at kaniyang mga magulang na nag-peperform ng mga challenges tulad ng pagsagot ng mga puzzles at iba pa.
Ryan’s World Channels
Mula nga sa isang YouTube channel ay nagkaroon pa ng iba pang channels ang Ryan’s World na sinusubaybayan rin ng mga netizen. Ito ay ang sumusunod:
Ryan ToysReview (21.4 million subscribers)
Ryan’s Family Review (4.6 million subscribers)
The Studio Space (1.24 million subscribers)
Combo Panda (1.09 million subscribers)
VTubers (877,000 subscribers)
Gus the Gummy Gator (827,000 subscribers)
EK Doodles (250,000 subscribers)
Ang tagumpay na ito ni Ryan ay hindi niya magagawa kung hindi sa tulong at gabay ng kaniyang mga magulang na super proud rin sa naabot ng kanilang anak.
Samantala, maliban kay Ryan ay may isang bata rin mula sa Russia na si Anastasia Radzinskaya, 5-anyos ang nasa pangatlong pwesto sa listahan ng highest YouTube earner nitong 2019. Siya ay kumita ng $18 million o P915 million. Tulad ni Ryan si Anastasia ay nag-fefeature rin ng mga laruan sa kaniyang channel habang naglalaro kasama ang kaniyang ama.
Source: Channel News Asia, The Star, DailyMail UK, Forbes
Basahin: Subukan ang trick na ito sa iyong anak sa tuwing siya ay nagpapabili ng laruan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!