Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

Ayon kay Ryssi, noong lumalaban siya sa Idol Philippines nitong nakaraang taon ay kakapanganak lang niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ryssi Avila baby proud na ipinakilala ng singer sa publiko.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Ryssi Avila baby.
  • Pagbabago sa buhay ni Ryssi ng siya ay maging isang ina na.

Ryssi Avila baby

Sa kaniyang vlog ay proud na ipinakilala ng singer na si Ryssi Avila ang kaniyang baby boy.

“May anak na po ako at 5 months na po yung anak ko. Sobrang excited po ako na ipakilala siya sa inyo kasi gusto ko rin na maging partner kayo na kung anumang ganap ko sa buhay.”

Ito ang pagbabahagi ni Ryssi sa kaniyang vlog tungkol sa kaniyang baby boy.

Si Ryssi ay unang nakilala sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime noong 2016. Sumikat siya sa paggawa ng mga cover songs kasama ang ex-boyfriend niyang si Concon Felix. Tinawag ang tambalan nila noon na "Rycon."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nitong 2022, ay sumali naman si Ryssi sa talent search na Idol Philippines na kung saan naging finalist siya ng singing competition. Kuwento ni Ryssi sa kaniyang vlog bago pa man siya sumalang sa mga live performances sa talent search ay kakapanganak niya lang sa kaniyang baby. Pero sa kabila noon ay sinikap niyang lumaban at ibigay ang kaniyang best sa kompetisyon. Dahil iyon daw ay kaniyang naging second chance na kung saan nais niya ng gawing maayos at tama ang buhay niya.

Larawan mula sa Faceboook account ni Ryssi Avila

Pagpapaliwanag pa ni Ryssi, bagamat ngayon niya palang naipaalam sa publiko na siya ay isa ng ina hindi niya daw intensyon na itago ang kaniyang anak. Pero pag-amin ni Ryssi ay inihanda niya ang sarili sa pagseshare sa publiko ng pribadong bahagi na ito ng buhay niya.

“Hinanda ko yung sarili ko para i-share sa inyo yung pinaka-magandang regalo na natanggap ko. Actually hindi ko naman talaga to tinago, may mga nakakita naman sa akin. Sinigurado ko lang noong pinagdadaanan ko ito, kung sino lang talaga yung malalapit at pinagkakatiwalaan ko ng sobra at yung mga tumulong sa akin na malampasan ko yung phase ng buhay ko na yun, at yun po ay ang pagbubuntis.”

Ito ang sabi pa ni Ryssi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa niya, naging maselan din daw ang kaniyang pagbubuntis. Kaya naman para maiiwas siya sa stress ng social media ay pinili niyang hindi na muna isapubliko noon ang naging pagbubuntis.

Matatandaang nakaladkad ang pangalan ni Ryssi noon sa isyu sa pagitan ng ex-partners na si Skusta Clee at Zeinab Harake noong 2020. Si Ryssi ay napabalita noon na babae daw ng Ex-battalion member. Naging mainit noon ang palitan ng mga salita sa social media nina Ryssi, Skusta at Zeinab. Naging trending noon ang pagtira daw ni Ryssi sa condo ni Skusta at paggamit pa ng pajama na pagmamay-ari ni Zeinab. Na-depress daw si Ryssi sa pinagdaanang isyu at piniling tumigil sa pagkanta sa loob ng isang taon.

Pagbabago sa buhay ni Ryssi ng siya ay maging isang ina na

Larawan mula sa Faceboook account ni Ryssi Avila

Sa pagdating ng anak ay muling nabuhayan ng loob si Ryssi. Ito ang nagtulak sa kaniya na bumalik sa pagkanta at ipagpatuloy ang naudlot na pangarap niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi pa ni Ryssi, boy talaga ang hiniling niya na kaniyang maging first baby. Laking tuwa nga niya ng matupad ito at ngayon ay mayroon na siyang isang baby boy na pinangalanan niyang Anghel. Si Ryssi ito umano ang pangalan na naisip ibigay sa anak dahil sa pagbabagong dinala nito sa buhay niya.

“Noong una ko siyang makita undecided pa talaga ako kung anong ipapangalan ko sa kaniya. Pero ayun siya talaga ang angel ng buhay ko. Siya yung nagbigay sa akin ng lakas at sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob tinitingnan ko lang siya. Kapag umuuwi ako galing trabaho, tinitingnan ko lang siya nawawala na ang pagod ko.”

Larawan mula sa Faceboook account ni Ryssi Avila

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy pa ng singer, napakalaking pagbabago ang dinala ng anak sa kaniya. Sa ngayon daw ay may direksyon na siya at nagkaroon ng purpose sa kaniyang buhay.

“Siya na yung nagbigay ng direksyon sa buhay ko. Siya na yung purpose ko.”

“Ngayong nanay na ako laking pagbabago ko sa sarili. Hindi na ako ganoong nag-iinom. Noong pinagbubuntis ko siya lahat ng bisyo ko noong kadalagahan ko talagang tinanggal kasi gusto ko healthy siya.”

Hindi ibinahagi ni Ryssi kung sino ang ama ng kaniyang anak. Pero sa mga salitang binitawan niya para dito ay makikitang very proud siya na maging isang ina sa napaka-pogi niyang anak na si Anghel. Si Ryssi ito ang mensahe sa anak na alam niyang mapapanood nito pagdating ng panahon.

“Maraming-maraming salamat kasi dumating ka sa buhay ko. Sobrang binago niya ako na inayos niya yung buhay ko. Sobrang sarap sa pakiramdam ng magkaanak.”

Ito ang sabi pa ng singer na ngayon ay isa ng ganap na ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement