Sa Instagram post ni Ryza Cenon, ikinuwento nito ang pag-atake ng tantrums ng kaniyang son na si Night. Nagbigay din ito ng tips sa mga magulang kung paano dapat harapin ang tantrums ng anak.
Mababasa sa article na ito:
- Ryza Cenon on her son’s tantrums: Hayaan muna, bigyan ng space
- Paano i-handle ang tantrums ng bata?
Ryza Cenon on her son’s tantrums: Hayaan muna, bigyan ng space
Ikinuwento ni Ryza Cenon sa Instagram post nito ang pag-atake ng tantrums ng anak noong madaling araw. Aniya, bigla na lang daw itong iyak nang iyak at ayaw magpahawak. Saad ni Ryza Cenon, marahil ay hindi mahanap ng kaniyang son na si Night ang komportableng posisyon sa pagtulog.
Madalas umanong niyayakap ni Ryza Cenon ang kaniyang son kapag nagta-tantrums ito. Pero nang oras na iyon ay tila ayaw nito ng yakap ng ina. Iyak lang daw nang iyak ang bata at kinausap ito nang mahinahon ng aktres.
“Niyakap ko tapos tinanong ko siya anong problema? Habang hinihimas ko ‘yong likod nya. Iyak lang nang iyak hanggang sa kumakalma na siya, tapos sabi hug lang mommy kapag ganyan nararamdaman mo.”
Larawan mula sa Instagram ni Ryza Cenon
Dagdag pa nito, nagpatugtog din siya ng classical music para kumalma ang anak. Bahagi rin ng nasabing Instagram post ang tips ni Ryza Cenon para sa kapwa niya mga magulang.
Pahayag ng aktres, kapag nag-tantrums ang bata ay dapat na hayaan muna ito at bigyan ng space. Huwag umano itong sasabayan, pagagalitan, o sisigawan. Hindi umano ito makatutulong para tumahan ang bata dahil hindi pa naiintindihan ng mga bata ang kanilang nararamdaman. Mahalaga raw na kausapin nang mahinahon ang anak at tanungin kung ano ang kailangan at problema nito.
Paliwanag ni Ryza Cenon, importante ito para sa pagtanda ng bata ay madadala nila ang kaugaliang paglapit sa magulang kapag may nararamdamang negatibo.
“Minsan kasi kaya nagtatago ng nararamdaman yung mga anak natin dahil natatakot sila na mapagalitan. Kaya matuto tayo maging mahinahon sa bawat sitwasyon pagdating sa mga anak natin.”
BASAHIN:
Hindi mapatahan ang anak? 5 importanteng kaalaman tungkol sa tantrums ng bata
Ryza Cenon kinabahan sa first amusement park ride ni Baby Night: “Grabe ‘yong takot niya.”
LOOK: Candy Pangilinan proud kay Quentin na naka-graduate with awards!
Mga dapat malaman tungkol sa tantrums ng bata at kung paano ito i-handle
Larawan mula sa Instagram ni Ryza Cenon
Ang tantrums ay uri ng expression ng bata kapag siya ay nakadarama ng frustration sa mga bagay na gusto niyang gawin pero hindi niya magawa. Pwede rin itong maramdaman ng iyong anak kung nahihirapan siyang i-express nang maayos ang kaniyang emosyon. Normal ito para sa mga baby at toddler. Kapag napapagod, nagugutom, o masama ang pakiramdam ng bata ay maaari din itong mag-tantrum.
Mayroong mga paraan para ma-encourage ang good behavior ng iyong anak at maiwasan ang pagta-tantrums nito.
- Maging consistent. Gumawa ng daily routine para ma-set ang expectation ng iyong anak sa mga mangyayari sa loob ng isang araw. Panindigan ang routine na ito kasama na ang nap time at bedtime ng kids.
- Kung may gagawin sa labas kasama ang anak at inaasahan na pipila o maghihintay nang may katagalan, magdala ng maliit na laruan o snack para hindi mainip ang iyong anak.
- Iwasang humindi sa lahat ng gusto ng iyong anak. Para maturuan ang iyong anak ng sense of control, hayaan siyang pumili para sa sarili. Halimbawa ay kung anong gusto nitong suotin o kulay ng damit.
- Purihin ito sa magagandang behavior na pinapakita. Yakapin siya o sabihin na proud ka sa kaniya tuwing sumusunod siya sa direksyon o tuwing may ginagawang maganda.
- Iwasan ang mga bagay o sitwasyon na makaka-trigger sa tantrums ng bata. Halimbawa nito ay ang pagbibigay sa kaniya ng laruan na masyadong advance para sa kaniyang edad. Maaari itong magdulot ng frustration na magiging sanhi ng tantrums.
Ang pinakamabisang paraan sa pag-handle ng tantrums ng iyong anak ay manatiling kalmado. Kung ang tugon mo sa tantrums ng bata ay pagsigaw at galit ay maaaring magaya ng iyong anak ang behavior na ito. Kung sisigawan ang anak para mapatahimik ito, maaaring mas lumala ang sitwasyon at tantrums nito.
Sa kasagsagan ng kaniyang tantrums, maaaring gawin ang mga sumusunod para mapatahan ang bata:
Dumadalang ang pagkakaroon ng tantrums kapag natuto na ng self-control ang bata. Madalas na kaunti na lang ang pagkakataon na nag-tatantrums ang bata kapag nasa edad na tatlo’t kalahating tao na siya.
Maaaring kumonsulta sa inyong doktor kung:
- Sinasaktan ng bata ang kaniyang sarili at kapwa
- Pinipigilan ng bata ang kaniyang paghinga tuwing nagta-tantrums hanggang sa punto ng pagkahimatay
- Mas tumindi ang tantrums ng bata sa edad na apat na taon
Pwedeng ikonsidera ng doktor ang physical o psychological issues na maaaring sanhi ng paglala ng tantrums ng bata. Makabubuting kausapin ang inyong doktor kapag nahihirapan sa sitwasyon ng tantrums ng iyong anak. Makatutulong ang kanilang rekomendasyon para bumuti ang kalagayan ng bata.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!