Isa ng ganap na mommy ang celebrity-model na si Ryza Cenon. Niton gabi ng October 31, ipinanganak niya ang kaniyang first baby!
Meet Ryza Cenon’s first baby
Noong April 9, dito inanunsyo ng The General’s Daughter star na si Ryza Cenon na siya ay 5 months pregnant ito sa kaniyang first baby sa nobyong si Miguel Cruz na isang kilalang cinematographer.
Ngayong umaga ng November 1, masayang inanusiyo ng aktres ang kaniyang successful delivery sa kaniyang first baby! Ito ay may caption na,
“Napakahirap pero lahat worth it! Welcome Baby Night!!!”
-Ryza Cenon
Makikita rito ang maliliit na daliri ng kaniyang baby, habang hawak-hawak ng aktres.
Sa aming naging interview sa kaniya, ibinahagi nito ang kaniyang naging pregnancy journey bilang new mom lalo na sa gitna ng nararanasang pandemic ngayon.
Just like other moms, nakaranas din ang aktres ng mga pregnancy norms katulad ng morning sickness o pagbabago sa kaniyang katawan. Bukod dito, nagiging emosyonal siya at madaling umiyak sa maliliit na bagay. Hirap pa siyang makatulog sa gabi dahil sa pananakit ng kaniyang tummy.
Hindi niya nakakalimutang mag-dasal para sa kaniyang healthy pregnancy at pati na rin sa paglabas ni baby.
“Well, yes, I cannot avoid being afraid because of the pandemic. Of course, in the hospital, me and the baby will be exposed. Next is that he might have complications, but I always pray everyday that the baby will be all healthy and normal, and that there will be no complications.”
On the bright side, pabiro pang sinabi ni Ryza na nagiging spoiled siya ngayong pregnant ito.
Ibinahagi ng aktres na masaya siya sa kaniyang pagbubuntis noon.
Ayon kay Ryza, ready na siyang maging isang ‘ina’. Kaya naman sobra-sobra ang kasiyahan niya ng malamang pregnant siya sa kabila ng kaniyang problema sa uterus. Kaya naman ‘blessing’ kung ituring ni Ryza ang kanyang baby!
“At first, I was expecting not to be a mom in the future because my uterus is inverted. So I kind of accepted it. Then this happened, I got pregnant. So I was shocked that I can be a mom too. That’s why, it’s very fulfilling that the one thing that I have been dreaming before was just given to me now. So I’m really very grateful for this.”
Nakilala is Ryza Cenon sa una nitong naging network na GMA. Siya ay tinaguring Ultimate Female Survivor sa Season ng survival show ng GMA 7 na Starstruck. Pagkatapos nito, ang pagkapanalo niya ang nagbigay sa kaniya ng big break sa showbiz industry. Tuloy-tuloy na rin ang paglabas niya sa mga TV shows katulad ng pinagbidahan nitong “Now and Forever”. Naging kontrabida rin si Ryza Cenon sa 2005 Darna at ginapanan ang role ni Louella.
Ryza Cenon and her boyfriend, Miguel
Hindi masyadong exposed sa public ang relationship ni Ryza Cenon at ang kaniyang boyfriend na cinematographer na si Miguel Cruz. Ito ay dahil sa private na tao ang kaniyang boyfriend.
Naging masaya at excited rin si Miguel nang malaman nitong buntis si Ryza.
Sa usapang pagpapakasal naman, aminado ang aktres na handa nang pakasalan siya ni Miguel pero siya ay hindi pa. Sa pagkakataong ito, mas pinili nilang mag focus muna sa kanilang baby at sa future nito.
Nagkakilala si Ryza at Miguel sa pamamagitan ng isang kaibigan noon nakaraang taon. Tumagal ng 7 months ang panliligaw nito at nagdesisyon silang gawing private muna ang kanilang relasyon.
Again, Congrats Mommy Ryza Cenon!
BASAHIN:
Ryza Cenon, who is 5 months pregnant, says she is not yet ready to get married
Homebirth at water birth, mas safe nga bang option ngayong may pandemic?
Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari