Sa wakas, may gamot na para sa mga mommies na may postpartum depression

Alamin ang pinaka-unang gamot na naaprubahan partikular para sa mga mommies na dumaranas ng postpartum depression. Tuklasan kung ano nga ba ang epekto nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pinaka-unang gamot na naaprubahan partikular para sa mga mommies na dumaranas ng postpartum depression ay narito na sa wakas! Ang epekto nga daw ay gumagana ng mas mabilis kaysa sa tradisyonal na anti-depressants at ito nga ay malaking pagbabago para sa bagong nanay.

Bagong ina

Bagong panganak ka lang, hinahagkan mo ang iyong bagong silang na anak sa iyong mga braso, pero marahil hindi mo tinatamasa ang kasiyahan sa sandaling iyon na iyong pinapangarap ng siyam na buwan sapagkat parang nararamdaman mo na gumuguho ang mundo sa paligid mo.

Itong pakiramdam na ito ay ang postpartum depression, until recently nga ang only option ay kumuha ng standard na anti-depressants na gamot—na gumagana pa makaraan ang ilang linggo—at makaka-miss out ka ng mga kritikal na early bonding time kasama ang iyong bagong silang.

Ang pinakabagong preskripsyon

Sa wakas, dumating na ang kasagutan sa mga bagong ina—ang bagong preskripsyon na anti-depressant specifically para sa may mga postpartum depression. Ang Zulresso, generic name ay brexanolone—isang gamot na dinesenyo na maaaring gumana agad within a day.

Ang paliwanag nga ng MD, MPH, director ng perinatal psychiatry sa University of North Carolina School of Medicine sa Chapel Hill at ang lead author sa mga trials na naging tulay upang maaprubahan ang gamot na si Samantha Meltzer-Brody, “This approval is a big deal because brexanolone acts differently than all other antidepressants and it starts to work quickly.”

Ano nga ba ang Postpartum depression?

Ang postpartum depression ay ibang-iba nga raw sa baby blues na kung tawagin, ang PPD ay isang seryoso at potensyal na life-threatening na kondisyon na maaaring tumagal ng ilang linggo o buwan. Ang mga ilang sintomas ay matinding lungkot, debilitating na pagkabalisa, at kapaguran na maaaring maging balakid sa isang bagong ina na alagaan ang kanyang sarili at alagaan ang kanyang bagong silang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga hindi nagagamot na may postpartum depression maaaring makapigil sa abilidad ng isang bagong ina upang makipag-bond sa kanyang baby at maaari itong magkaroon ng walang hanggan na mga resulta. Iyon nga ang ilan sa mga dapat mong malaman tungkol sa postpartum depression na gugustuhin ng iyong OB/GYN na malaman mo.

Dineliver ng mga duktor ang bagong gamot via a 60-hour infusion at ang isang dosage di-umano nito ay pwedeng mag-last at least tatlumpung araw—sapat na panahon at oras na nga raw ito para sa mga bagong ina upang malampasan ang kritikal na period. Ang ibang anti-depressants ay tumatagal ng ilang linggo o buwan upang ito ay gumana at hindi nga ito gumagana  sa lahat paliwanag ni Dr. Meltzer-Brody.

Sa panahon ng early infusion, ang mga ina ay tinitingnan naman sa isang medically supervised setting—generally nga sa ospital kung saan sila nangank—at mino-monitor sa mga risks tulad ng pagkahilo o pagkahimatay. Habang ginagawa naman ang treatment, maaari namang dalawin siya ng kanyang sanggol sa ospital.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nga ba gumagana ang brexanolene?

Ano nga ba ang kaibahan ng brexanolene sa ibang mga anti-depressants? Habang nagbubuntis, ang lebel ng female sex hormones na estrogen at progesterone ay umaakyat ng “sky-high” nga raw at dramatically na babagsak pagkapanganak. Ito nga raw na striking hormonal shift ang nagtri-trigger ng sintomas ng postpartum depression sa mga vulnerable na mga kababaihan.

Ang tradisyonal na anti-depressants at tina-target ang mood chemical serotonin, habang ang brexanolene naman ay isang hormonal fix na nagboo-boost ng lebel ng key progesterone byproduct na naga-activate ng mood receptors ng utak. Pinapaliwanag nga nito kung bakit mabilis nito nare-reverse ang mood at ibang sintomas ng postpartum depression sa mga may postpartum na nanay.

Ang mga mananaliksik ay patuloy na pinag-aaralan nga kung ibibigay na nila ang brexanolone ng maaga sa mga babaeng susceptible sa PPD upang maiwasan na nga ito. Sa kasamaang palad, ang gamot ay hindi makukuha lahat ng mga kababaihan specifically ang mga bagong ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang report nga ng mga medya ay maaaring maghalaga ito ng mga average $34,000—hindi pa kasama rito ang halaga ng labor, delivery, at stay sa ospital—kung kaya’t ito ay sinasabi at maaaring maging bagong gamot na prime candidate sa pinakamahal na preskripsyon na gamot sa Amerika. Ang mga insurance company naman di-umano ay maaaring i-cover ang mga ibang gastos.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Reader’s Digest

Basahin: STUDY: Pagtaba ng buntis maaring sanhi ng depresyon matapos manganak