Saab Magalona: Kung may kilala kayong yaya-less moms, ito ang mga puwede niyong itulong

lead image

Alamin kung paano nga bang sinaluduhan ni Saab Magalona ang mga nanay na nagbubuntis rin ngunit nag-aalaga pa ng iba nilang anak na walang katulong.

Nasa panghuling trimester na nga sa kaniyang pagbubuntis si Saab Magalona sa kaniyang pangalawang baby.

Naibahagi nga ng celebrity mom na sa pangalawang pagbubuntis niya ay mas smooth naman di-umano ang kaniyang naging journey sapagkat single pregnancy na siya hindi katulad ng huli niyang pagbubuntis na nagbubuntis siya ng kambal—si Pancho at Luna.

Sa kasamaang palad, pumanaw si Luna ilang araw matapos itong isilang ni Saab. Blessing in disguise nga di-umano ang pangalawang pagbubuntis nito sapagkat naniniwala sila na bumalik ang kanilang nawalang baby.

Saab Magalona: Pagsaludo sa mga nagbubuntis rin na may iba pang anak

Ang soon-to-be mother of two ay sinaluduhan nga ang mga inang nagbubuntis rin ngayon na tulad niya na mayroon ding iba pang anak at walang katulong sa pag-aalaga sa mga ito.

Ayon sa kaniyang Instagram post kahapon, July 16, sinimulan niya ito ng, "A photo from last November 2018. Some people have asked me how this second pregnancy is treating me. If we’re talking about just the pregnancy itself, it’s been such a smooth one especially since this time it’s a single pregnancy compared to last time’s twin pregnancy."

Pagpapatuloy niya, "The hard part abt this one is being told by my doctor to take things slow, rest as much as I can, and to stop carrying Pancho. It was very hard at first. I felt so guilty for having less energy and asking Jim, Pancho’s yaya, or our parents to take over."

"Then I thought about all the mothers who had no help in raising a baby, especially while pregnant!! You are amazing and I don’t know how you’re able to manage!!! Rockstars," pagsasaludo niya.

Aniya pa, "If you know any overwhelmed parent, offer to take over for a few hours so they can take a much-deserved nap. If you’re not qualified to handle a baby, wash the dishes, do their laundry or bring them some food to lessen their workload."

"Hindi ko alam kung ano ba talagang point ng post kong ito haha! Anyway, just a few more weeks for me — kayang kaya ko ‘to," natatawa pang sambit ni Saab Magalona sa huli.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona) on

 

Source: Saab Magalona

Basahin: Saab Magalona ibinalita sa kanyang Instagram na magiging kuya na si Pancho

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner