Imbes na magalit, Saab Magalona kinilig sa note na ginawa ng anak kahit na namantsahan ng tinta ang bedsheet niya

Si Saab Magalona pinatunayang mas maganda parin talagang maging relax kahit na may kakulitan at kapilyuhan ang iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Celebrity mom na si Saab Magalona pinakilig ng anak na si Vito sa small gesture nito. Kung ganito ba naman ang note na ibibigay sayo ng anak mo, magagalit ka ba? Kahit namantsahan niya ang paborito mong kobre kama?

Mababasa ditto ang sumusunod:

  • Saab Magalona nakatanggap ng sweet note sa anak na si Vito.
  • Reaksyon ni Saab.

Saab Magalona nakatanggap ng sweet note sa anak na si Vito

Larawan mula sa Instagram ni Saab Magalona

Sa Instagram ay ibinahagi ni Saab Magalona ang sweet note na natanggap niya sa 4-anyos niyang anak na si Vito. Pagkukuwento ni Saab, noong una ay magwiwild dapat siya ng makita na humawak ng ballpen ang anak at nagsulat sa papel sa ibabaw ng puti niyang bed sheet. Pero buti nalang at nakapagpigil siya. At mahinahong kinausap ang anak na baka gusto nitong magsulat sa desk sa tabi ng kama niya.

“I saw my 4YO remove the cap of a black pen and my heart skipped as he brought the felt tip close to a small piece of paper against my sheets.”

“My knee-jerk reaction would have been to shout for him to stop. Thank goodness for all my self-work lol, I calmly asked him if he wanted to “maybe do that on the desk 3 steps away?”

Ito ang pagbabahagi ni Saab.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Saab Magalona

Reaksyon ni Saab

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi akalain ni Saab na ang pagiging kalmado niya ay susundan ng feeling of kilig ng makita niya ang sinulat ng anak niyang si Vito sa maliit na papel. Ito ay ang salitang “I love you”. Kaya naman sabi ni Saab, kahit na mapuno ng ink ang bed sheet niya, wala siyang pakialam kung ganito sweet note na ginawa ng anak na si Vito ang makikita niya.

“Even if he had gotten ink all over my sheets, with a note like this, I really wouldn’t have cared 💖.”

Ito ang sabi pa ni Saab.

Maliban kay Vito, si Saab ay may isa pang anak na lalaki na si Pancho. Siya ay may cerebral palsy dahil sa kumplikasyon noong siya ay pinagbubuntis palang. Si Pancho ay anim na taong gulang na ngayon.

Larawan mula sa Instagram ni Saab Magalona

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement