5 dahilan kung bakit nagkakaroon ng PCOS ang isang babae

lead image

Alamin ang mga dahilan o paraan kung paano nagkakaroon ng PCOS ang isang babae para ito ay agad na maiwasan o maagapan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saan nakukuha ang PCOS? Narito ang mga sagot ng ekspeto at pag-aaral.

Mababasa dito ang sumusunod:

Ano ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)

Ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ay isang karaniwang hormonal disorder na nakakaapekto sa mga kababaihan sa edad ng kanilang reproductive years. Ito ay nagdudulot ng iba’t ibang sintomas dahil sa kawalan ng balanse sa hormones na maaaring makaapekto sa obaryo at pangkalahatang kalusugan.

Ilan sa sintomas ng PCOS na mararanasan ng babaeng nagtataglay ng kondisyon ay ang sumusunod:

  • Hindi regular na regla.
  • Mataas na antas ng androgen na nagdudulot ng labis na pagtubo ng buhok sa mukha at katawan.
  • Malalang acne.
  • Pagnipis ng buhok sa anit.
  • Mabilis na paglaki ng timbang.
  • Hirap sa pagbubuntis.

Dahil ang sakit ay nagiging hadlang sa kagustuhan ng isang babae na magkaanak, mabuting malaman kung saan nakukuha ang PCOS. Ang mga sumusunod ang dahilan ng PCOS na maaring maiwasan o di kaya ay maagapan ng mga kababaihan.

Saan nakukuha ang PCOS?

  1. Namamana (Genetics)

Sa isang pag-aaral na inilathala sa International Journal of Environmental Research and Public Health, natuklasan na ang mga pangunahing panganib na salik na nauugnay sa PCOS ay kinabibilangan ng family history. Kung may PCOS ang iyong ina, kapatid, o ibang babaeng kaanak, mas mataas ang posibilidad mong magkaroon nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Insulin resistance at mataas na antas ng insulin

Ang mataas na insulin ay nagpapadami ng androgens (male hormones) na nagiging sanhi ng hindi regular na regla, acne, at labis na pagdami ng buhok sa katawan. Pinipigilan nito ang regular na paglabas ng itlog (ovulation), kaya nagiging mahirap ang pagbubuntis.

  1. Hindi balanseng hormones

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Frontiers in Endocrinology, natuklasan na sa isang grupo ng 800 kababaihan, ang mga may PCOS ay may mas mataas na antas ng thyroid-stimulating hormone (TSH). Ito ay nauugnay sa hyperandrogenism o labis na produksyon ng androgens. Ipinapakita nito na ang hormonal imbalance, partikular ang mataas na TSH, ay maaaring mag-ambag sa pagtaas ng androgens sa mga kababaihang may PCOS.

Maliban sa hormone na androgen, ang iba pang hormones na nakitang may abnormal na level sa katawan ng isang babae na may PCOS ay ang sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Luteinizing Hormone (LH) – Masyadong mataas sa ilang babaeng may PCOS, kaya hindi regular ang ovulation.
  • Follicle-Stimulating Hormone (FSH) – Kapag hindi sapat, hindi ganap na nade-develop ang itlog sa obaryo.
  • Progesterone – Kulang sa progesterone kaya hindi regular ang buwanang dalaw at mas mataas ang posibilidad ng miscarriage.

  1. Nakakaranas ng chronic inflammation sa katawan

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Middle East Fertility Society Journal, kadalasang may chronic inflammation sa katawan ang isang babaeng may PCOS. Ito ay ang nagdudulot ng hormonal imbalance at insulin resistance na mahalagang salik sa pagkakaroon ng sakit.

Masasabing may chronic inflammation ang isang babae kung siya ay nakakaranas ng sumusunod:

  • Pagkapagod at pananakit ng kasu-kasuan
  • Madalas na pagkakaroon ng acne o madilim na mga batik sa balat (acanthosis nigricans)
  • Pagtaas ng timbang lalo na sa tiyan

Mga sanhi ng chronic inflammation

  • Maling pagkain (mataas sa asukal, processed food, at trans fats)
  • Kawalan ng ehersisyo
  • Matinding stress
  • Exposure sa toxins at polusyon
  1. Pagiging overweight o pagkakaroon ng unhealthy habits

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa mga pag-aaral, hindi lahat ng babaeng may Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ay overweight o obese. Sa katunayan, tinatayang nasa 20% ng mga babaeng may PCOS ay may normal na timbang.

Gayunpaman, ang pagiging overweight o obese ay sinasabing nagpapalala ng mga sintomas ng PCOS. Ipinapakita ng mga pananaliksik na ang mga babaeng may PCOS na may labis na timbang ay mas mataas ang posibilidad na makaranas ng insulin resistance, type 2 diabetes, at metabolic syndrome. Ganoon rin ang pagkakaroon ng mataas na level ng leptin hormone, na maaaring makaapekto sa fertility at regla.

Mga unhealthy habits na maaring maging daan sa pagiging overweight

  • Hindi balanseng diyeta (mataas sa sugar, fast food, at soft drinks)
  • Kawalan ng ehersisyo
  • Madalas na pagpupuyat o kulang sa tulog
  • Palaging nai-stress

Ang PCOS ay isang kondisyon na may maraming sanhi, ngunit may mga paraan upang maiwasan o mapagaan ito. Ang tamang pagkain, regular na ehersisyo, sapat na tulog, at stress management ay makakatulong sa pagpapabuti ng hormonal balance at pagbawas ng panganib ng PCOS.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement