Si Amelia Sachiko ay dumating sa aming buhay na naiiba sa kaniyang mga kapatid na lalaki. Siya ang una kong pinanganak sa pamamagitan ng c-section.
Ang pagdating ni Sachiko sa aming buhay
Ninais ko mang pumunta habang naglalakad papunta sa delivery room sa unang pagkakataon ay tinanggap ko na hindi ko magagawa iyon. Nasa wheelchair ako at nagdadasal na maging maaayos at kumalma ang balisa kong puso habang nanginginig ang aking mga binti. Sa pagkakataong iyon alam ko na ang panganganak ko sa aking supling ay magiging epesyal, at siya’y magiging espesyal.
Ako at ang aking asawa na si Chips ay may pinapatakbong swimming school. Dalawang linggo bago ako manganak, nagpatingin kami sa isang developmental disabilities doctor na isa ring family friend para humingi ng payo.
Gawa ng tumaas ang bilang ng mga estudyante namin na may special needs. Bilang safety ng aming mga students ang aming prayoridad nais namin malaman kung paano ba sila ma-handle at ma-meet ang kanilang needs. Siguro isa na rin itong notice para sa amin.
Nang malaman namin ang kaniyang kundisyon
Makalipas ang dalawang linggo, sa aming 7th anniversary as couple, my daughter Sachiko arrived with an extra chromosome. Mahalaga na malaman kung ano ba ito. Naghintay kami ng matagal para malaman ang resulta ng blood test niya. Pero alam ko, sa unang tingin ko pa lang bilang ina niya, alam kong may iba.
Sobrang hirap at nakakatakot na malaman ito. Dahil wala kaming idea kung paano ba magkaroon ng isang anak na may Down Syndrome. At first, iyak kami ng iyak at iyong mga iyak na ‘yon ay galing sa isang place of fear na hindi namin maintindihan.
Hindi namin alam kung ano ang Down Syndrome, o kung ano ang mga implications nito. Hindi kami handa, pero ngayon looking back, we also know during those times that God was testing us to be more prepared for this journey.
Ang pagiging magulang kay Sachiko at pagiging anak at kapatid niya
Makalipas ang limang taon, narito na kami. Napakaraming himala na dapat ibahagi patungkol sa tungkol pagdating ni Sachiko sa ming buhay. Siya ay regalo ng Diyos sa amin na walang kapintasan. We are blessed to have her.
She is a bundle of joy and mischief. Siya rin ang naging comfort ng pamilya noong tumama ang COVID-19. Ang kaniyang presence ay nagbigay ng healing para sa amin. She loves freely and fully.
Palabati rin si Sachiko sa aming mga kapitbahay at mga guwardya ng aming komunidad, laging bumabati ng “Hi!” at nginingitian ang lahat ng makasalubong niya. Kahit simpleng bagay lang ito, ang kaniyang kindness ay nagbibigay ng ligaya.
Lagi kaming nagsi-swimming bilang isang pamilya. Sobrang saya kapag si Sachiko ay kasama namin, kaya niyang magbabad sa tubig ng sobrang tagal.
Ang aming pamilya
Bilang pamilya, sobrang close talaga namin sa isa’t isa. Napaka-blessed namin dahil mayroon kaming 3 loving and athletic children. Noah is 10 years old, Elijah is 8, and Sachiko is 4. The boys are passionate about soccer, while Sachiko loves swimming.
Tabi-tabi kami matulog at maraming stories ang napagkukuwentuhan namin tuwing gabi. Sa bahay tinatawag nila akong ‘bad cop’ o isang disciplinarian. Habang ang aking asawa naman na si Chips ay isang lovable big kid na nakikipaglaro ng soccer sa aming mga boys, zumba at kumakanta pa ng mga kantag pang-princesa kay Sachiko.
Noong mga panahon na alam naming kaya nang intindihin ng kaniyang mga kuya ang kalagayan ni Sachiko. Sinabi namin ito sa kanila. Alam na nila na mayroon siyang Down Syndrome at wala naman silang naging issue dito. Kapatid nila si Sachiko at iyon lang ang mahalaga.They help little by little like occasionally reminding Sachiko not to stick out her tongue.
Sila ay gaya lamang ng karaniwang mga batang lalaki, minsa’y nagiging masyadong pisikal sa kanilang pakikipaglalaro. Hindi iba ang kanilang pakikitungo kay Sachiko.
Sa katunayan, minsan pa nga napapaiyak si Elijiah ng kaniyang kapatid na si Sachiko dahil kinakagat niya ito minsan. Matalik na kaibigan ni Sachiko ang kanyang mga kuya, at sila rin ang nagsisilbing kanyang bestfriends. Tuwing nakikita ni Sachiko ang kaniyang mga kuya na umakyat sa kanilang bunk bed, agad na susunod si Sachiko .
Napakabuting mga kuya nila kay Sachiko kahit na ang tingin ko minsan ay si Sachiko ang nag-aastang boss sa kanilang tatlo. Masuwerte kami dahil hanggang ngayon, hindi kami nakatagpo ng anumang mahirap na mga sitwasyon. Lalo na tuwing isinasama namin sa labas si Sachiko o ‘di kaya ay tuwing ipinakilala namin siya sa ibang mga bata at pamilya.
Hamon sa pagpapalaki kay Sachiko
Minsan tinatanong ng mga tao kung anong mga hamon ang kinakaharap ko sa pagpapalaki kay Sachiko, at ang sagot ko ay hindi naman talaga nakakatakot ang karanasang ito.
Sa katunayan, nagdadala siya ng labis na saya at pagmamahal. Hindi dapat maliitin ang kanyang mga kakayahan. Hindi ko alam kung ano ang baon ng tadhana para sa kanyang kinabukasan ngunit determinado akong ibigay sa kanya ang mga oportunidad na mayroon din ang kanyang mga kuya.
Ang pagpapalaki sa bawat bata ay isang pakikipagsapalaran, espesyal man sila o hindi. Hindi dapat ito pinagkukumpara sa ibang mga karanasan upang mas mapahalagahan ang bawat sandali.
Mula nang pumasok si Sachiko sa aming buhay ay alam kong sa kalaunan ay mapagpaplanuhan namin ni Chips na tumulong sa mga kagayang bata na may special needs.
Noong tinanggap ko ang posisyon bilang Board Chair ng Special Olympics Pilipinas kamakailan lang, alam kong tama ang naging desisyon ko.
Bilang isang dating competitive na swimmer at Olympian, malaki ang naging ambag ng sports na ito sa aking buhay. Maraming mga oportunidad ang binuksan nito para sa akin, at dinala ako nito sa aking trabaho sa kasalukuyan bilang isang host pantelebisyon at lider ng isang samahang pang-sports. Ito ay isang pagsasama ng dalawang bagay na pinakamalapit sa aking puso.
Nais kong makita ang mas maraming mga atletang mayroong intelektwal na kapansanan sa kanilang pag-aabot sa kanilang mga pangarap sa linya ng sports at maging sa labas nito kasama ng kanilang mga kaibigan.
Nais kong makita ang mga iba’t ibang grupo, paaralan, organisasyon, at kumpanya na tuluyang tumatanggap sa lahat ng mga abilidad at tumalikod sa anumang maling paniniwala ang mayroon sila noon. Upang matuto ang lahat na tratuhin sila ng tama.
Ang mensahe ko sa mga magulang ng mga batang may kapansanan ay ibahagi niyo ang kagandahan ng inyong mga anak sa iba. Huwag natin silang itago. Huwag natin silang ikahiya. Ipakita nating sa kaunting tulong at pagsisikap nating mga magulang ay kakayanin ng ating mga anak na gumawa ng kahanga-hangang mga bagay. At mag- ambag ng kabutihan sa lahat ng tao. Narinig ko kamakailan lamang, na ang mga batang may intelektwal na kapansanan ay hindi isang obligasyon, kundi isang inspirasyon para sa lahat. Napakatotoo nito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!