Binigyan ni Yuni ang kanyang mga anak ng dalawang kutsaritang saging. Subalit kinabukasan, natagpuan niya na ang masmatanda sa kanyang kambal ay patay na.
Dinala ng mga magulang ang sanggol sa malapit na clinic sa Jakarta. Ang clinic ang tumawag sa mga pulis na kumwestiyon sa 27 taong gulang na ina.
Natukoy ng mga pulis na walang senyales ng foul play sa pagkamatay ng baby.
“Baka ito ang kanyang kapalaran?”
Nasabi ni Yuni sa mga pulis na hindi niya alam na hindi pa maaaring bigyan ng solid na pagkain ang mga wala pang 4 hanggang 6 buwang gulang. Hindi niya raw alam na sa edad na ito ay hindi pa developed ang kanilang digestive system.
“Okay naman ang kakambal niya ngunit ang panganay ay nabulunan. Baka ito ang kanyang kapalaran?” ani ng ina.
“Nagsimula ito ng nasa alas otso nang gabi. Nagbigay ang ina ng saging ang mga baby para mapag-wean sila bago matulog,” ayon sa police spokesperson na si Erick Sitepu.
“Binigyan ko lang sila ng tig-dalawang kutsara”
“Binigyan ko lang sila ng tig-dalawang kutsara, hindi ko sila pinilit ubusin ang buong saging,” Sabi ni Yuni.
Sa autopsy, may natagpuan na hiwa ng saging sa respiratory tract ng baby ayon sa mga ulat.
Ang kamatayan dahil sa kapabayaan ay isang criminal offense sa Indonesia. Ganunpaman, kasalukuyang nakikita ng mga pulis ang pagkamatay ng baby bilang aksidente lamang.