Mahigit isang milyong kababaihan ang nakakainom ng gamot sa kada taon ngunit nakakagulat na kakaunti lamang ang nalalaman natin sa epekto nito sa gatas na pagpapasuso at mga sanggol. Apat at isang taong gulang lamang ang aking mga anak nang lumipat kami ng tirahan para sa aming trabaho at sa kalagitnaan ng paghahanap ng matitirahan at ng daycare ay nakahanap ako ng bagong ob-gyn doctor at humingi ng epektibong kontraseptibo.
Sa mga panahon na ‘yon ay nagpapasuso pa ako sa aking bunsong anak at hindi ako sigurado kung makakaapekto ba ito sa kanya at sa aking pagpapasuso. Sinabi ng aking doktor na sigurado sya na walang epekto ito ngunit hindi pa namin sya kilala ng husto kaya’t hindi kami nagtiwala agad at bilang isang health journalist ay nakababasa rin ako ng mga maling impormasyon. Kumuha pa rin ako ng preskripsyon pero hindi muna nagsimulang gumamit ng kontraseptibo habang nagpapasuso. Sa pansamantala ay gumamit kami ng ibang paraan ng birth control na sa huli ay hindi rin nakatulong ng husto at pagkalipas ng siyam na buwan ay dumating ang aming pangatlong anak .
Sa pagbubuntis o kaya’y sa pagpapasuso sa nakarang mga dalawa o tatlong taon, mapapaisip ka kung ayos na nga ba ang pag-inom ng mga preskriptong gamut. Apat sa limang mga bagong ina sa United States ang nagpapasuso sa kanilang mga sanggol ayon sa Centers for Disease Control and Prevention at kalahati sa lahat ng mga nagpapasusong ina, umaabot sa 1.5 milyon ang umiinom ng gamot.
Subalit sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga kababaihang nagpapasuso sa bawat taon ay nakakagulat na kakaunti lamang ang ebidensya na nagpapatunay kung gaano karami sa mga iniinom na gamot ang nakakaapekto sa gatas ng ina at sa kanilang mga sanggol ayon kay Dr. Catherine Spong, M.D., na chief sa dibisyon ng Maternel-Fetal Medicine sa University of Texas Southwestern Medical Center. Ayon kay Dr. Spong ay hindi isinasama ang mga buntis o nagpapasusong mga kababaihan sa mga clinical drug studies sa takot sa posibleng kapahamakang idulot nito.
Dahil rito, napunta tayo sa nakakalitong sitwasyon na kung saan ang mga taong sya mismong nangangailangan ng kasagutan ang syang walang sagot na makuha mula sa mga pag-aaral na dapat sanang makakasagot sa kanila.
“Ang resulta ng sitwasyon ay humihinto sa pagpapasuso o kaya nama’y hindi na lang umiinom ng kinakailangang gamot ang mga ilang kababaihan”, sabi ni Dr. Christina Chambers,PhD, isang pediatrics professor sa University of California, San Diego at Presidente ng Organization of Teratology Information Specialists, isang propesyonal na grupo na nagbibigay ng payo sa mga nagbubuntis at nagpapasuso. “Marami kaming naririnig na mga ganitong kwento”.
Kakulangan sa Impormasyon
Matapos ipanganak ng mula sa Austin Texas na si Jessica Komberg-Wall ang kanyang premature na anak, wala ni isa sa kanyang mga doctor ang makapagsabi sa kanya ng may kasiguraduhan kung alin man sa kanyang tatlong gamot na iniinom — serotonin – norepinephrine reuptake inhibitor antidepressant, blood pressure drug at thyroid medication — ang dahilan upang maging hindi ligtas ang pagpapasuso nya sa kanyang anak. “3 pounds lamang sya at hindi man lang makahinga ng kanyang sarili” sabi ni Kornberg-Wall patungkol sa kanyang sanggol. “Sabi ko sa sarili ko, may nailalagay ba ako sa katawan nya? Walang makapagbigay sa akin ng sagot. Kakaibang sitwayon sya. Nakakafrustrate.”
Isa pang ina si Jamie Erwin, ina ng dalawa, mula sa Mariette, Ga., ang “frustrated” ng sabihin ng kanyang mga doktor na kailangan nyang tumigil sa pagpapasuso para kanyang magamot ang urinary tract infection sa pamamagitan ng 60-day course ng antibiotic doxycycline. “Walang sapat na pag-aaral tungkol rito para masabi nilang O.K” sabi Erwin. Kung sya ay iinom ng antibiotic, sinabi ng kanyang mga doktor na kailangang magbottle-feed ang kanyang 6 na buwang sanggol gamit ang milk formula at magbomba ng suso upang mapanatili ang supply ng kanyang gatas habang inaalagaan ang kanyang dalawang taong gulang na anak. “Hindi ko lang alam magagawa ko ‘yon… Nakakapanghina ng loob”, dagdag nya pa.
Noong 2017, pinamunuan ni Dr. Spong ang isang task force para sa research na syang magsusuri sa mga magagamit na gamot sa pagbubuntis at pagpapasuso. Sa resultang lumabas at nailathala noong 2018, lumabas na kakaunti lamang ang impormasyon na nalaman para sa medikasyon at pagbubuntis. At mas kakaunti ang resulta para sa pagpapasuso ayon kay Dr. Spong. Mula sa 575 na preskripsyon ng mga gamot at biological products ng Food and Drug Administration na naaprubahan sa pagitan ng 2015 at 2017 ay 15 percent lamang ang may nakasamang impormasyon patungkol sa pagpapasuso. “ Kapansin-pansin sa aming lahat na kasapi sa task force ang kakulangan ng impormasyon para sa mga nagpapasusong kababaihan” ani ni Spong.
Parehong sinabi ni Dr. Chamber at Dr. Spong na hindi mahirap o mahal ang pag-aralan ang mga kababaihan na umiinom na ng gamot ngunit ang ganitong klase ng pag-aaral ay talagang hindi lamang prayoridad. “Ang hindi magandang katotohanan ay ito’y walang tiyak na kasagutan”, saad ni Dr. Chambers.
Noong Abril ng 2019, inilathala ni Dr. Spong at ng kanyang mga kasamahan ang isang editorial sa The New England Journal of Medicine na syang nagtuturo sa parte ng problema. Nagsisimula ito sa kakulangan sa pagpopondo sa pag-aaral. Halimbawa noong 2017, nag-aloka ang national Institutes of Health ng $92 million o 0.3 percent ng kanilang budget para sa pag-aaral patungkol sa breastfeeding ngunit kung ikukupara, nag-aloka ng halos $6 billion para sa pag-aaral sa cancer at $1.1 billion naman sa diabetes sa kaparehas na taon.
Sa kabila ng katunayan na ang pag-aaral sa cancer at diabetes ay importante (sa kadahilanang sila ang pangalawa at pang-pitong nangungunang dahilan ng kamatayan at sakit sa United States) — ang mahigit na 3 milyong Amerikanong kababaihan na nagpapasuso sa kada taon ay nangangailangan din ng pansin para sa mas maiging pananaliksik, saad ni Dr. Spong. “Ang pagbubuntis at pagpapasuso ay daan rin para sa malusog na buhay sa pangmatagalan para sa ina at sa anak,” sabi nya. “Yun ang ating hinaharap.”
Ano ang ligtas?
Sa pag-aaral ng mga gamot, iniisip ng mga mananaliksik ang katawan ng isang tao bilang kompartimento: isa para sa utak, isa para sa atay at iba pa, ayon kay Dr. Thomas Hale, PhD, isang pediatrics professor saTexas Tech University Health Sciences Center at co-director sa InfantRisk Center, isa sa nangungunang research facility para sa mga ligtas na gamot at medikasyon sa pagbubuntis at pagpapasuso. “Naisipan talaga ng nature kung papaanong mapapanatiling ligtas ang kompartimento ng breast milk — nakahiwalay sa ibang parte ng katawan — na ang pinaka-intensyon ay pangalagaan at gawing ligtas ang bata” sabi ni Dr. Hale.
Habang nasa bababa pa sa 400 ang nasuri ng mga eksperto sa mga daan-daang mga medikasyong na nabibili sa merkado para sa ligtas na pagpapasuso, sapat na ang nalalaman nila kung papaano nagpoproseso ng katawan para malaman kung gaano karaming gamot ang napupunta sa gatas ng ina na syang maaaring makaapekto sa mga sanggol. Sa karamihan ng mga gamot, ayon sa isang research, kulang pa sa 3 percent ng iniinom na gamot ng ina ang maaaring mapunta sa gatas na pinapasuso nya sa kanyang anak. “Karamihan sa mga gamot na iniinom ay ng mga kababaihan ay mabuti naming gamitin para sa pagpapasuso basta’t nasa moderate dose,” sabi pa ni Dr. Hale.
Subalit ang ibang mga gamot ay nangangailangan pa ng mas ibayong pag-iingat sa paggamit kumpara sa iba.
Sa karamihan, ang mga medikasyon na napatunayan ng ligtas para sa mga sanggol — tulad ng acetaminophen (Tylenol), ibuprofen (Advil) o ibang mga antibiotics tulad ng amoxicillin — ay ligtas inumin habang nagpapasuso. Ganundin sa iba pang mga topical medication saad ni Dr. Hale, tulad ng benzoyl peroxide para sa paggmot ng tigyawat o steroid cream para sa pagtangggal ng mga rash. Wala sa mga gamot na iyon ang napupunta sa daluyan ng dugo kaya’t hindi ito malilipat sa gatas ng suso.
May mga iilang gamot na hindi ligtas at ilan sa mga nakakabahalang ilan ayon kay Dr. Hale ay iyong may mga seryosong side effects at may mga dosage kagaya ng chemotherapy o mga radioactive na gamot.
Sa mga gamot pampakalma — tulad ng anti-anxiety drugs alprazolam (Xanax) o diazepam (Valium); anti0nausea drug promethazine (Phenergan) at prescription sleep aids — ay nararapat na gamitin ng may pag-iingat sapagkat ito ay maaaring magdulot ng pagkaantok at problema sa paghinga sa mga bata. Kung ang iyong sanggol ay mabilis kapitan ng apnea (kung saan may oras na titigil ang kanyang paghinga) iwasan ag mga gamot na pangpakalma, saad ni Dr. Hale.
Habang ang mga may matataas na dosage ng opiods ay nakapagpapakalma at may mga panganib na dala sa mga sanggol, karamihan sa mga kababaihan ay ligtas na uminim nito sa mababang dosage sa loob ng tatlong araw kung kinakailangan para sa sakit na dulot ng panganganak, ani ni Dr. Hale.
Magandang ideya rin ng pag-iwas sa mga over-the-counter na gamot tulad ng allergy,cold at sleep medications na naglalaman ng antihistamines na kakasanhi ng antok — tulad ng chlorpheniramine (Advil Allergy Sinus), diphenhydramine (Benadryl Allergy and Vick’s ZzzQuil) at doxylamine (Unisom). Kung kailangan ng gamot para sa allergy, ang non-sedating antihistamines cetirizine (Zyrtec), Ioratadine (Claritin) at fexofenadine (Allegra) ang mas magandang pagpipilian.
Para naman sa mga birth control, sinabi ng American Academy of Pediatrics na ang mga hormonal contraceptives ay ligtas para sa mga sanggol. Gayunpaman, sa mga naglalaman ng estrogen — tulad ng kombinasyon ng birth control pills (Loestrin, Seasoniques o Yaz), vaginal rings (NuvaRing) o birth control patches (Xulane) — ay maaaring makabawas sa milk supply. Progestin-only birth control pills (o ntinatawag ding “mini-pills” katulad ng Camila o Micronor) ay ang may maliit na tyansya ng epekto sa pagpapasuso. Ang A.A.P. ay nag-aabiso sa mga nagpapasusong kababaihan na gustonggumamit ng kahit na anong uri ng hormonal contraceptive ay dapat na maghinay hanggang ang pagpapasuso ay umabot na sa ika-anim na linggo.
Sa huli, nagbigay payo si Dr. Spong laban sa paggamit ng mga herbal products na ibinebenta para maimprove ang milk supply ng kababaihan tulad ng fenugreek, milk thistle at iba pa. “ Walang magandang patunay na gumagana ang mga ito,” sabi nya. At dahil nga sa hindi ito kontrol ng F.D.A. katulad ng iban mga medikasyon ay hindi mo maaasahang nilalaman nga ng nasa tatak.
Bihira lamang ang mga reaksyon sa gamot, ngunit tawagan ang inyong mga doktor sa oras na may makitang mga senyales na nakakaapekto sa iyong anak, tulad ng sobrang pagtulog, di matigil na pag-iyak, pagtatae o rashes.
Pagpuna sa mga Pagkukulang
Pagkatapos makatanggap ng mga nakakalitong payo ni Kornberg-Wall mula sa mga healthcare providers ay gumawa sya ng sarili nyang pag-aaral sa iang library. “Kailangan nming gumawa ng sarili naming desisyon — ako at ang aking asawa bilang unang beses na maging magulang— dahil sa hindi namin alam ang ginagawa naming.” Saad nya.
Sa kabilang banda, si Erwin naman ay nagtungo sa online forum na Reddit dahil sa desperayon, nagbabakasakaling may sumuporta man lang sa kanya sa para sa transition ng kanyang anak sa formula habang ginagamot ang kanyang U.T.I. Ngunit nakakagulat na nakakha sya ng isang magandang payo dahil isang Redditor ang nagpayo sa kanya ng isang 6-day course ng antibiotic azithromycin na maaaring pwedeng pamalit sa dalawang buwan ng doxycycline na ipinayo ng kanyang doktor. Ang urologist nya ay sumang-ayon ngunit inabisuhan lamang syang huwag munang magpasuso habang iniinom ang gamot. Sa kabilang banda, ang kanyang pediatrician ay pumayag na sa kadahilanang pinapayagan ring uminom ng nasabing gamot ang mga sanggol.
“Ang buong pangyayari ay nakakagulat,” sabi ni Erwin. “Wala akong medical degree o pharmacology degree, pero kinakailangan kong gumawa ng sarili kong pag-aaral.”
“Sa kasamaang palad, maraming physicians — kahit na mga obstetricians at pediatricians — ang kakaunti lang rin ang alam patungkol sa paggamit ng gamot sa pagpapasuso,” ani ni Dr. Hale.
Sa kabila nito, may mga ilang onlineresources pa rin ang makakatulong. MotherToBaby.org, ay sponsored ng isang nonprofit Organization of Teratology Information Specialist, at InfantRisk.com na pinangangalagaan ng Texas Tech University Health Sciences Center, parehas ang dalawa na may toll-free hotlines na nagbibigay ng payo mula sa mga eksperto. Ang Texas Tech research team ay gumawa rin ng mobile app na nagbibigay ng impormasyon sa mga nilalama ng mga gamot at kaligtasan habang nagbubuntis at nagpapasuso. Ang N.I.H naman angnangangasiwa sa website at free mobile app na kung saan nakalahad ang mga epekto ng mga gamot na ginagamitng mag nagbubuntis at nagpapasuso.
Para naman sa mga pumupuna sa pagkukulang sa mga pananaliksik, “I feel encouraged,” saad ni Dr. Chambers. U.C.S.D., kung saan sya ang direktor ng Human Milk Research Biorepository, ay kasamasa isang multi-centre plot study na syang nagsusuri kung gaano kaligtas ang sampong lumang mga gamot —tulad ng ilang antibiotics, antidepressants at gamot para sa blood pressure— habang nagpapasuso.
Sa kabilang banda, si Dr. Chambers at Dr. Hale ay nagsasagawa ng pag-aaral na nag-aalisa sa mga gatas ng mga nagpapasusong ina na umiinom ng mga spesipikong gamot para makita kung gaano karaming porsyento ng gamot ang napupunta sa gatas. (Kung ikaw ay isang nagpapasusong ina na guston makatulong sa pag-aaral na ito, bisitahin ang Mommy’s Milk o ang InfantRisk Center para karagdagang impormasyon upang makalahok.)
Sa dulo, sa kabila ng mga hindi katiyakan, si Erwin at Kornberg-Wall ay pumiling ituloy ang pagpapasuso habang umiinom ng kanilang mga gamot. Sinabi ni Kornberg-Wall na sya at ang kanyang asawa ay nagdesisyon na ang mga magandang dulot ng pagpapasuso sa kanilang anak na babae ay mas nakatitimbang kumpara sa maaaring panganib na dulot ng pag-inom ng gamot.
“Ginawa ko ang pinakamagandang desisyon na makakaya kong gawin sa oras na iyon sa pamamagitan ng mga impormasyon na mahahanap ko, at sa ngayon maganda naman ang lagay nya.” Sabi ni Kornberg-Wall.
This story was originally published on 26 March 2020 in NYT Parenting.
Isinalin sa wikang Filipino ni Charlen Mae Isip
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!