Safe manganak sa edad na 50 kaysa edad na 40, ito ay ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng mga researchers mula sa Soroka University Medical Center sa bansang Israel.
Posible pa rin para sa mga kababaihan na may edad na 40 na magdalantao sa natural na paraan ngunit bihira ito para sa mga nasa edad 50. Sa pagkakaroon ng mga makabagong medical technologies, napapadali na ang proseso ng pagdadalantao sa anumang edad na nais ng bawat pamilya.
Lumabas sa pag-aaral na mas mababa ang pagkakaroon ng mga panganib sa panganganak ng mga kababaihan sa edad na 50 kumpara sa edad na 40.
Bakit mas safe manganak sa edad na 50
Kinalap ng mga researchers ang 242,771 datos ng mga nanganak sa Soroka University Medical Center sa lungsod ng Be’er Sheva sa bansang Israel.
“It turns out that 50 is the new 40 when it comes to childbirth,” sabi ni Dr. Eyal Sheiner, director ng Department of Obstetrics and Gynecology at lead author ng pag-aaral sa Soroka University Medical Center.
‘There is no doubt that medical teams will need to handle increasing numbers of birth for women over age 50.’
Bagaman limitado ang isinagawang pag-aaral, naniniwala ang mga researchers na substantial ang resulta ng kanilang mga data.
Sa 242,771 datos, 96.7 porsiyento ng mga ina ay nasa edad 40 pababa. Tatlong porsiyento (7,321) ang 40-44 taong gulang. 0.2 porsiyento (558) ang 45-50 taong gulang at 0.03 porsiento naman (68) ang 50 taong gulang pataas.
Tinignan din ng mga researchers ang ilang major risk factors upang madetermina ang kaibahan nito sa bawat edad ng mga kababaihan gaya ng mga sumusunod: hypertensive disorders at gestational diabetes, rate ng perinatal mortality, Apgar scores ng mga bagong silang na sanggol (overall health score ng sanggol) at kung pre-term o via cesarian section nanganak ang isang ina.
Sa age bracket na 40-49, lumabas sa resulta na doble ang panganib ng pagdadalantao at panganganak ng mga ina. Nanatili naman o mas mababa pa ang bilang ng panganib at mas safe manganak sa edad na 50 ang mga ina.
Gayunpaman, mahalaga ang naging resulta na ito para sa mga researchers dahil malaki umano ang maitutulong nito sa pananaw ng mga obstetricians tungkol sa mga inang nagdadalantao sa edad na 50.
Kinakailangan pa rin ang lubos na pangangalaga sa kalusugan ng isang ina at healthy lifestyle upang maging mas safe manganak sa edad na 50.
Source: Daily Mail
Images: Shutterstock
BASAHIN: 50-taong gulang na Lola, nanganak pa rin kahit menopause na
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!