Saging latundan o saging lakatan for baby? Which type of banana is good for babies nga ba na hindi magdudulot ng constipation sa kaniya?
Saging for babies
Ang saging ang isa sa mga pagkaing inirerekumenda ng mga doktor na unang ipakain kay baby. Dahil una ito ay malambot at madaling durugin. Kaya naman makakasigurong hindi mabubulunan si baby sa pagkain nito. Pangalawa, ang lasa nito ay matamis na mai-enjoy kainin ng mga sanggol. At higit sa lahat, ito ay puno ng sustansya at bitamina na mas magpapalakas sa katawan niya.
Health benefits ng pagkain ng saging
Tulad ng vitamin A, B at C na nakakatulong sa good eyesight at cognitive development ni baby. Mayroon rin itong vitamin B6 na mas nagpapalakas ng kaniyang immune system.
Mayaman rin ito sa iron na nakakatulong para makaiwas si baby sa anemia. Rich in calcium rin ito na mahalaga upang magkaroon ng healthy at strong bones si baby. Ganoon rin ang potassium na nakakatulong para makaiwas siya sa pagkakaroon ng osteoporosis sa kaniyang pagtanda at ang nakakamatay na sakit na hyperkalemia. At upang makaiwas sa pagkakaroon ng kidney stones at urinary tract infections.
Mayroon rin itong folate na mahalaga sa brain development ni baby. Sa tulong nito ay mas tumatalas rin ang kaniyang memorya at napoprotektahan siya mula sa brain damage.
Higit sa lahat rich in fiber ito na nakakatulong sa bowel movements ni baby at para makaiwas siya sa constipation. Habang sinisigurado na siya ay busog at magkakaroon ng maayos na tulog.
Ilan lamang iyan sa benepisyong naibibigay ng saging sa mga sanggol.
Kailan puwedeng simulang pakainin ng saging si baby?
Payo nga ng mga doktor, maaring simulan ng pakainin ng saging si baby sa oras na kaniya niya ng kumain ng mga semi-solid foods. Ito ay kapag siya ay 6 na buwang gulang na.
Bagamat ito ay puno ng bitamina at sustansiya, ang pagpapakain ng saging kay baby ay dapat nasa moderasyon lang. Dahil ang sobrang pagpapakain nito sa kaniya ay maaring makasama rin sa kalusugan niya.
Ang saging ay dapat ring ipinapakain sa kaniya kapag ito ay dilaw at hinog na. Hindi kapag berde at hilaw pa. Dahil ito ay matigas pa na mahihirapang lunukin at tunawin ng mahina pang digestive system ni baby.
Mas mabuti ring pakainin si baby ng saging sa umaga. Ito ay dahil ang taglay na sugar at nutrients nito ay makakatulong para mas ma-energized siya sa kaniyang buong araw na paglalaro at paglaki. Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat pinapakain si baby bago ang oras ng pagtulog niya.
Saging latundan o saging lakatan for baby? Which type of banana is good for babies?
Pero maraming uri ng saging, at dalawa nga sa kilalang uri nito ay ang saging na latundan at lakatan. Ang dalawang uri ng saging na ito ay parehong malambot at matamis. Ngunit ano nga ba sa dalawa ang ligtas na unang ipakain kay baby sa first food experience niya?
Ayon sa DOST Food and Nutrition Research Institute, para sa good source of vitamins tulad ng mangga at papaya, saging na latundan ang unang dapat ibigay kay baby. Ito rin ang paniniwalaan ng mga matatanda lalo na sa tuwing nagtatae si baby na makakatulong upang mamuo ang dumi niya. Ang paniniwalang ito ang sinasabi namang dahilan ng ibang ina kung bakit hindi dapat muna ibigay ang saging na latundan kay baby puwera nalang sa tuwing siya ay nagtatae. Dahil kung ikukumpara umano ang saging na latundan at lakatan mas masustansya at malambot ang lakatan. Mas matamis at creamy rin ang lasa nito na mas mai-enjoy ni baby.
Pahayag ng isang doktor
Paliwanag naman ni Dr. Agatha Garcia, isang pediatric gastroenterologist, ang saging na latundan at lakatan ay parehong nakakaapekto sa stool consistency. Dahil ito sa taglay ng mga saging na substance na kung tawagin ay pectin. Ngunit sa kabuuan, ang mga enzymes at substance na taglay ng saging ay gut friendly parin.
“Bananas are mainly composed of carbohydrates. It is a good source of dietary fiber that promotes gut health. The bananas also contain fructooligosaccharides which serve as prebiotics for our gut microbiome. The pectin in bananas is also bulk-forming which aids in stool consistency”, pahayag ni Dr. Garcia.
Ayon parin kay Dr. Garcia, pagdating sa dami ng nutrients at vitamins na makukuha ay lamang nga raw ang saging na lakatan sa saging na latundan. Pero pareho naman silang safe kainin ng mga babies natin.
“Lakatan bananas have yellowish peel than latundan. Bananas with yellowish or orange peel are said to be good sources of provitamin A.”
“Lakatan is likewise sweeter, tastier, and apparently contain more vitamins than latundan. However, the 2 varieties generally contain the same amount of calories depending on their size.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Garcia.
Source:
Went Bananas, DOST, The Philippine Star
Basahin:
3 baby food recipes na abot-kaya at healthy
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!