Ama pinakain ng saging ang 2 buwang gulang na sanggol: Ano ang masasabi ng doktor?

Alamin kung ligtas ba ang pagpapakain ng saging para sa baby at kung ano nga ba ang wasto at ligtas na ipakain sa iyong sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pwede bang kumain ng baby food ang 2 buwang gulang na sanggol?” Siguro ay isa itong karaniwang katanungan, at ang sagot dito ay kailangang maghintay ng 6 na buwan bago bigyan ng solid food ang sanggol. Pero para sa nakaraang henerasyon, posibleng maging iba ang sagot nila. Dahil normal sa kanila ang magbigay ng solid food saging para sa baby kahit wala pang 6 na buwan ang sanggol.

At dahil dito sa magkaibang paniniwalang ito, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga ina at ang kanilang sariling mga magulang. Tulad na lang ng kasong ito na nangyari sa Thailand.

“Ligtas ba ang magbigay ng saging para sa baby?”

Siguro ay nabasa niyo sa ibang mga websites, o kaya sa social media na okay lang bigyan ng durog na prutas ang mga baby. Ito raw ay dahil ganito ang ginawa ng kanilang mga magulang sa kanila, at naging okay naman sila.

Nag-viral kamakailan sa Thailand ang post ng isang Facebook user. Ito ay tungkol sa kung ligtas ba ang pagbigay ng saging para sa baby na 2 buwang gulang pa lamang.

Heto ang kaniyang post:

Sa post na ito, sinabing nag-away daw ang ina at ang kaniyang biyenan. Sinabi ng biyenan na pinakain daw niya ng saging ang anak niya at ito ang gusto niya para sa apo. Nang tumanggi ang ina, sinabi ng biyenan na huwag nang makitira sa kanila, at makitira na lang sa doktor ng bata. | Image Source: Facebook screengrab.

Ang post ay tungkol sa isang nanay at sa kaniyang 2 buwang gulang na anak. Di umano, gustong pilitin ng ama ng bata na kumain ng prutas ang sanggol dahil sabi ng kaniyang ina na okay lang ito. Bukod dito, ganito rin daw ang ginawa ng kaniyang ina noong maliit pa siya.
Ngunit alam ng nanay ng bata na hindi tama ito. Sinabi niya sa kaniyang asawa na hindi dapat kumain ng prutas ang mga sanggol dahil hindi ito kayang i-digest ng kanilang mga tiyan. Ngunit ayaw makinig ng kaniyang asawa, at sinabi pa sa kaniya na hindi raw nito nirespeto ang kaniyang ina.

Sinabi pang nanay na nirerekomenda ng mga doktor na pakainin lang ng solid food ang mga sanggol kapag 6 na buwang gulang na sila. Bago yun, dapat breastmilk lang ang kanilang iniinom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang marinig ito ng asawa niya, sinabi nito na umalis sa bahay nila at pumunta na lang sa doktor. Dahil kung sa doktor daw siya naniniwala, ay hindi na dapat siya tumira kasama nila sa bahay.

Dahil sa nangyari, umalis ang nanay ng bata sa kanilang tinitirahan at sinama niya ang anak niya, dahil natatakot siyang pakainin ng saging ang kaniyang anak.

Sinuportahan ng mga netizens ang ina

Mabilis na kumalat ang Facebook post ng ina at umani ng mga positibong comment mula sa mga netizen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Umani ng suporta ang ina mula sa mga netizens. | Image Source: Courtesy of Drama-addict for images and information.

– Tama lang ang ginawa ng nanay na tumangging bigyan ng saging ang anak niya. 

– Isa akong nurse, at masasabi kong tama ang ginawa ng ina. Breastmilk lang dapat ang ibinibigay sa sanggol hanggang 6 na buwang gulang. 

Napapadalas ang ganitong pangyayari. Dapat pakinggan natin ang mga doktor! 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heto ang ilan sa mga comments na isinulat ng mga netizen sa post ng nanay. At tama lang na kabahan sila. Dahil hindi ito ang unang beses na ito ay nangyari. Natatandaan niyo ba ang sanggol na namatay matapos bigyan ng lugaw ng kaniyang lola?

Makakasama sa mga sanggol ang pagbigay sa kanila ng mga solids kapag hindi pa sila handa. Posible itong maging sanhi ng iba’t-ibang health issue, mula sa hindi pagkatunaw ng pagkain at pag-choke ng baby.

Ano ang masasabi ng mga eksperto

Ayon kay Dr. Sutha Auraphairoj, a Paediatric Specialist in Thailand, many parents still have conflicting knowledge on feeding their babies from two sources: hospitals (who advise to breastfeed only) and their parent’s or grandparent’s wisdom (solids are fine before six months).

It’s natural for parents to be confused. After all, most mums learn about how to look after their babies from people one generation above them – their parents.

But when it comes to information about when to introduce solids to little ones, it’s best to listen to medical professionals.

In this case, the doctor revealed that bananas are fruits which are indeed rich in nutrients. However, babies below six months old should not eat bananas or other as it can result in life-threatening conditions for young babies.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Pinapakain ng aking biyenan ng saging ang aking anak. Sinabi ko sa kaniya na tumigil, pero alam daw niya ang ginagawa niya.” (Image for illustration purposes) | Image Source: Stock Photo

Ano ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO)

Ayon sa World Health Organisation (WHO) dapat magsimula silang kumain ng solid food dahil hindi pa handa ang intestine ng mga sanggol para sa solid food. Kung papakainin mo sila ng solid o non-dairy na pagkain, posible silang magkaroon ng flatulence, indigestion, constipation, diarrhea at food allergies.

Minsan, puwede rin daw itong maging sanhi ng choking sa mga sanggol, na posible nilang ikamatay.

Tama ba ang pagbigay ng saging para sa baby? Heto ang dapat mong malaman

Mga mommies, hinding-hindi dapat binibigyan ng solid food ang mga sanggol na wala pang 6 na buwang gulang. Ang pagbibigay ng saging para sa baby na mas bata sa anim na buwan ay lubhang mapanganib.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga sanggol na 6 na buwang gulang pababa ay kailangang bigyan ng breastmilk hanggang sa ika-6 na buwan. Sapat na ang breastfeeding para sa nutrisyong kailangan ng bata. 

Para sa mga inang hindi kayang mag-breastfeed, puwedeng magbigay ng formula milk sa kanilang anak sa halip na breastmilk. 

Bukod dito, hindi rin kailangang painumin ng tubig ang mga sanggol na breastmilk lamang ang iniinom. 

Bakit hindi dapat bigyan ng solid food ang mga sanggol?

Heto ang ilang dahilan ung bakit kailangang MAGHINTAY na maging six months old ang mga baby bago bigyan ng solid food.

  • Hindi madaling lunukin ang solid food, lalo na sa mga sanggol.
  • Hindi kumpleto ang nutrisyon galing sa solid food. 
  • Posible itong maging sanhi ng allergies at eczema.
  • Tumutubo lang ang ngipin ng sanggol kapag sila ay 6 na buwang gulang.

Ang article na ito ay unang isinulat sa Thai ni Tae Puttirak. Isinalin ito ni Wijaya Oey at may permiso ng theAsianparent Thailand

References: thairath.co.th, Cleveland Clinic

Sinulat ni

Kevin Wijaya Oey