Sakit ni Kris Aquino lalong lumalala. Kilalang TV host may mensahe sa mga anak na sina Josh at Bimby sa kaniyang kaarawan na maari daw na maging huli na.
Mababasa dito ang sumusunod:
Update sa sakit ni Kris Aquino
Sa programang “Fast Talk” with Boy Abunda ay nakapanayam niya ang kaibigan at kilalang TV host na si Kris Aquino. Si Kris kasalukuyang nasa Amerika at nagpapagamot sa sakit na nararanasan.
Pagkukuwento ni Kris, lalong lumalala ngayon ang autoimmune disease niyang nararanasan. Sa katunayan ay unti-unti narin nitong nadadamage ang kaniyang puso. Kaya naman para maiwasang lalo pa itong lumala ay susubukan nila ang isang biological medicine. Ang mga susunod na anim na buwan daw umano ay kritikal para kay Kris. Dahil sa pagsubok ng bagong gamot ay malaki ang chance niyang makaranas ng cardiac arrest. Pero si Kris lalaban daw hanggang kaya niya para sa mga anak.
“Bawat araw, especially now na birthday ko pa, pahiram na lang ‘to ng Diyos — binigyan ako ng bonus. So whatever days are left, kung anuman natitira, it’s a blessing. But I really want to stay alive.”
“I refuse to die. Ang next chapter ko ay to be a stage mother!”
Ito ang sabi pa ni Kris.
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Birthday message ni Kris sa mga anak niya
Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino
Sa kaniyang Instagram ay may emotional message rin si Kris sa mga anak na si Josh at Bimby sa kaniyang birthday. Pati narin sa kaniyang mga kapatid at malalapit na kaibigan.
“Just in case this is the last birthday I get to celebrate here on earth, THANK YOU kuya & bimb for the most precious privilege of being chosen to be your mom. THANK YOU to my sisters for their love & generosity. THANK YOU to my small but very close circle of cousins & friends who have shared my life and their lives with me. SO THANK YOU to all of you for making all my childhood dreams come true.”
Ito ang sabi pa ng kilalang Queen of All Media na si Kris Aquino.
View this post on Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!