Kris Aquino: "I refuse to die. Ang next chapter ko ay to be a stage mother!"

Ayon kay Kris, may susubukan silang biological medicine para malunasan ang kaniyang sakit. Pero malaki rin daw ang chance na ito ang maging dahilan ng tuluyang pagkawala niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sakit ni Kris Aquino lalong lumalala. Kilalang TV host may mensahe sa mga anak na sina Josh at Bimby sa kaniyang kaarawan na maari daw na maging huli na.

Mababasa dito ang sumusunod:

Update sa sakit ni Kris Aquino

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Sa programang “Fast Talk” with Boy Abunda ay nakapanayam niya ang kaibigan at kilalang TV host na si Kris Aquino. Si Kris kasalukuyang  nasa Amerika at nagpapagamot sa sakit na nararanasan.

Pagkukuwento ni Kris, lalong lumalala ngayon ang autoimmune disease niyang nararanasan. Sa katunayan ay unti-unti narin nitong nadadamage ang kaniyang puso. Kaya naman para maiwasang lalo pa itong lumala ay susubukan nila ang isang biological medicine. Ang mga susunod na anim na buwan daw umano ay kritikal para kay Kris. Dahil sa pagsubok ng bagong gamot ay malaki ang chance niyang makaranas ng cardiac arrest. Pero si Kris lalaban daw hanggang kaya niya para sa mga anak.

"Bawat araw, especially now na birthday ko pa, pahiram na lang 'to ng Diyos — binigyan ako ng bonus. So whatever days are left, kung anuman natitira, it's a blessing. But I really want to stay alive.”

"I refuse to die. Ang next chapter ko ay to be a stage mother!"

Ito ang sabi pa ni Kris.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Birthday message ni Kris sa mga anak niya

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Sa kaniyang Instagram ay may emotional message rin si Kris sa mga anak na si Josh at Bimby sa kaniyang birthday. Pati narin sa kaniyang mga kapatid at malalapit na kaibigan.

“Just in case this is the last birthday I get to celebrate here on earth, THANK YOU kuya & bimb for the most precious privilege of being chosen to be your mom. THANK YOU to my sisters for their love & generosity. THANK YOU to my small but very close circle of cousins & friends who have shared my life and their lives with me. SO THANK YOU to all of you for making all my childhood dreams come true.”

Ito ang sabi pa ng kilalang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement