TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Impeksyon sa matris at iba pang karaniwang sakit pagkatapos manganak

6 min read
Impeksyon sa matris at iba pang karaniwang sakit pagkatapos manganak

Narito ang mga sakit na maaring maranasan ng isang babae pagkatapos manganak na nangangailangan ng maayos at tamang pangangalaga.

Sakit pagkatapos manganak, paano nga ba maiiwasan ng isang bagong silang na ina?

Sakit pagkatapos manganak

Image from Freepik

Mga sakit pagkatapos manganak

May kasabihan na ang isang paa ng babae raw ay nasa hukay kapag nanganganak. Hindi malayong maging totoo ito dahil sa malaking sakripisyo na kailangang pagdaanan ng katawan ng isang babae sa tuwing nagsisilang ng sanggol. Ngunit kahit nakapanganak na, minsan ang isang ina ay hindi parin ligtas sa mga sakripisyo na kailangang pagdaanan ng kaniyang katawan. Partikular na ang mga sakit na maaring niyang makuha kung hindi siya maayos na mabibigyan ng post-partum care o pangangalaga pagkatapos ang panganganak.

Ang ilan nga sa sakit pagkatapos manganak na maari niyang maranasan ay ang sumusunod:

1. Postpartum depression

Nangunguna sa mga sakit pagkatapos manganak na maaring maranasan ng mga babae ay ang postpartum depression. Ito ay sinasabing dulot ng pagbabago sa hormone levels sa katawan ng isang babae. Na sasabayan rin ng bagong responsibilidad na pag-aalaga sa bagong silang niyang sanggol. Ito ay magdudulot sa kaniya ng labis na pagkapagod, pag-aalala sa kung tama ba ang kaniyang ginagawa at minsan ay pagkagalit sa sarili o sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Nagsisimula ito sa mabilis na pagbabago ng mood o mild depression na maaring tumagal ng ilang araw o linggo. Ngunit kung ang mild depression na ito ay mapabayaan at lumala ay nagiging severe depression ito na mapanganib sa kalusugan ng bagong silang na ina.

Ang mga sintomas ng depression na dapat bantayan sa bagong silang na ina ay ang sumusunod:

  • Umiiwas sa pamilya at kaibigan
  • Hindi na naalagaan ang sarili at anak
  • Nahihirapang makipag-bonding sa bagong silang na anak
  • Natatakot na hindi siya isang mabuting ina
  • Nakakaranas ng malalang mood swings, pagkabalisa at panic attack
  • Sobra o kulang ang tulog
  • Pagkawala ng interes sa pang araw-araw na gawain
  • Naiisip na saktan ang anak
  • Naiisip na magpakamatay.
  • Labis na pag-iyak
  • Madaling mairita at magalit

Ang depression na nararanasan ng isang bagong sila na ina ay hindi lamang basta emosyon. Ito ay seryosong kondisyon na maari niyang malampasan sa tulong ng mga kapamilya o kaibigan na maaring tumulong at umagapay sa kaniya.

Sakit pagkatapos manganak

Image from Freepik

2. Postpartum hemorrhage

Ang postpartum hemorrhage ay ang labis na pagdurugo pagkatapos manganak. Ito ang pangatlo sa madalas na nagiging dahilan ng pagkatamay ng mga babae pagkapanganak. Nangyayari ito kapag ang uterus ng babae ay hindi maayos na nag-contract pagkatapos mailuwal ang sanggol. O kaya naman ay dahil sa sugat o punit sa uterus, cervix o vagina.

Kung ang labis na pagdurugo ay nangyari ilang oras pagkatapos manganak, ang pagmamasahe sa uterus ay makakatulong upang mag-contract ito. O kaya naman ay maaring bigyan ng synthetic hormone na oxytocin ang bagong silang na ina upang ma-stimulate ang contractions sa uterus niya. Kung ang pagdurugo naman ay nangyari isang linggo o higit pa pagkatapos manganak, maaring ito ay dulot ng piraso ng placentang naiwan sa uterus. Kailangang ito ay maaalis sa pamamagitan ng surgery upang maitama at malunasan.

3. Impeksyon sa matris

Ang impeksyon sa matris ay maaring maranasan ng isang bagong silang na ina kapag may naiwang piraso ng placenta sa uterus niya. O kaya naman kapag may impeksyon siya sa panubigan habang naglelabor na maaring malipat at maiwan sa kaniyang matris. Ang mga sintomas o palatandaan ng sakit na maaring maranasan ng isang bagong silang na ina ay ang mga sumusunod:

  • Mataas na lagnat
  • Mabilis na tibok ng puso
  • Abnormal na bilang ng white blood cells
  • Namamagang matris
  • Mabahong discharge

4. Pananakit ng kaluban o perineal pain

Para sa mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng normal vaginal delivery, ang pananakit ng kaluban o perineal pain ay normal lang na mararanasan. Ito ay dahil ang kaluban o ang butas kung saan lumalabas ang sanggol ay nai-stretch o napupunit. Ito kinalaunan ay maaring mamaga at magdulot ng discomfort sa bagong silang na ina. Lalo na kung nagsagawa ng episiotomy o sadyang pinunit at tinahi ang kaluban upang mailabas ang sanggol.

Upang maibsan ang pananakit at maiwasan ang impeksyon, makakatulong ang paghuhugas ng malamig o maligamgam na tubig sa bahaging ito ng pwerta ng babae. Mahalagang sa paghuhugas ay dapat magmula sa pwerta papunta sa puwetan. Ito ay upang maiwasang mapunta sa pwerta ang mga germs mula sa puwetan na maaring magdulot ng impeksyon sa sugat o tahi sa kaluban.

5. Impeksyon sa tahi ng C-section

Samantala para naman sa mga nanganak sa pamamagitan ng C-section delivery, ang impeksyon sa tahi ng C-section ang dapat ingatan at iwasan. Kung makapansin ng palatandaan ng impeksyon tulad ng pamumula, pamamaga o paglabas ng nana mula sa tahi ay ipaalam at magpunta na agad sa doktor. Mahalaga ring iwasang kamutin ang tahi sa tuwing ito ay nangangati upang maiwasan ang impeksyon. Makakatulong ang paglalagay ng lotion sa tahi upang maibsan ang pangangating dulot nito.

Sakit pagkatapos manganak

Image from Freepik

6. Pamamaga ng suso

Ang pamamaga ng suso ay isang sakit pagkatapos manganak na normal na mararanasan ng nagpapasusong ina. Ito ay dahil sa gatas na mayroon ito na magdudulot ng paglaki, pagtigas at pamamaga ng suso. Upang maging komportable, magsuot ng tamang bra na tama ang sukat sa suso. O gumamit ng cold compress sa namamagang suso upang maibsan ang pananakit nito. Makalipas ang ilang araw kapag nakapag-adjust na ang katawan sa bagong nitong role, ang pamamaga ng suso ay kusa namang nawawala. Habang para naman sa mga hindi nagpapasuso na ina na nakakaranas nito ay maari silang uminom ng pain relievers upang maibsan ang pananakit hanggang sa matuyo na ang gatas sa kanilang suso.

7. Hemorrhoids at constipation

Ang hemorrhoids at constipation ay normal lang din na nararanasan ng isang babae pagkapanganak. Ito ay dulot ng pressure ng enlarged uterus at ng fetus sa lower abdomen veins ng isang buntis. Ngunit may magagawa naman upang maiwasan ito. Ito ay sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. At pag-inom ng maraming tubig upang hindi mahirapang dumumi. Makakatulong rin ang pag-upo sa maligamgam na tubig para maibsan ang sakit na dulot ng hemorrhoids pagkapanganak.

Source:

RiteMed, WebMD

Photo:

Freepik

5 tulong na kailangan ng bagong panganak na misis mula sa kaniyang mister

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Impeksyon sa matris at iba pang karaniwang sakit pagkatapos manganak
Share:
  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko