Para sa kaniyang unang kaarawan, dinala si Xiaoai sa isang leisure center sa Fujian province sa China. Ngunit imbis na selebrasyon, isang malagim na aksidente ang nangyari. Habang nasa kiddie pool ang bata, tumaob ang sinasakyan nitong salbabida for baby. Kitang kita sa CCTV kung paano ito nag-struggle sa ilalim ng tubig.
Sino ang nagbabantay?
Sa simula ng video, makikita ang nanay ng bata—na pinangalanan sa mga ulat bilang si Ms. Wu—na binabantayan si Xiaoai at ang isa pang bata. Nakikipaglaro pa ito sa isa pang bata na nakasakay din sa salbabida.
Nang tumalikod si Ms. Wu, do’n tumaob ang sinasakyan ni Xiaoai na salbabida for baby. Kita sa video kung paano nag-struggle ang bata sa ilalim ng tubig.
Nang makita ito ng batang kasama niya, sinubukan ng bata na tulungan si Xiaoai. Ibinigay nito ang dilaw na salbabida, ngunit masyado pang maliit ang baby at hindi pa siya marunong lumangoy paitaas.
Dahil hindi makakapit si Xiaoai sa salbabida, sinubukan din ng bata na umalis sa sinasakyan niyang salbabida para isalba ang nalulunod na baby. Ngunit hindi ito makalabas sa sarili nitong salbabida.
Nang bumalik si Ms. Wu at dumaan sa harap ng pool, hindi nito napansin na wala na si Xiaoai sa kaniyang salbabidang pambata. Dumaan lang siya sa tabi ng pool at kinuha ang kaniyang cellphone.
Sinubukang tawagin ng bata si Ms. Wu ng ilang beses ngunit hindi niya ito pinapansin dahil nagte-text siya.
Kita sa video na kumakawag-kawag pa rin ang paa ni Xiaoai sa ilalaim ng tubig.
Matapos ang mahigit sa isa’t kalahating minuto mula nang malunod ang bata, tsaka lamang napansin ni Ms. Wu na nalulunod ang anak niya. Dali-dali niyang kinuha si Xiaoai at tumawag ng tulong. Sinubukan din niya itong bigyan ng CPR.
Isinugod si Xiaoai sa ospital 20 minuto matapos ang pagkalunod. Hindi na tumitibok ang puso nito at hindi na humihinga. Kulay purple na rin ang bata, ayon sa duktor.
Matapos ang 20 minuto pa ulit, na-revive ng mga duktor si Xiaoai. Hindi pa rin ito gumigising mula ng mangyari ang aksidente at kritikal pa rin ang kundisyon. Nasa intensive care unit ang isang taong gulang na baby.
Ayon sa ulat, nag-offer ang pamunuan ng leisure center na bayaran ang parte ng bill sa ospital ni Xiaoai.
Narito ang video ng pangyayari. Babala: nakaka-disturb ang images na makikita.
Nagsisilbi itong babala sa mga magulang na hindi dapat nalilingat ang mata sa bata kapag nasa pool ang mga ito, lalo na ang mga baby na hindi pa marunong lumangoy. Maraming puwedeng mangyari sa loob lamang ng iilang segundo. Ito ang masaklap na aral para kay Ms. Wu.
Alamin dito kung ano ang mga paraan upang maiwasan ang pagkalunod ng bata.
SOURCE: DailyMail, Next Shark