Nanay, nabuntis pa rin matapos magpatanggal ng fallopian tubes

Narito ang kwento ng isang ina na nagdalang-tao parin kahit wala na siyang fallopian tubes. | Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Salpingectomy o fallopian tubes removal na isinagawa sa isang misis hindi naging hadlang para siya ay muling mabuntis.

Misis na sumailalim sa salpingectomy

Masaya at kontento na sana si Elizabeth Kough, 39-anyos sa pag-aalaga sa kaniyang tatlong anak. Kaya naman laking gulat niya ng malamang siya ay buntis lalo pa’t tatlong taon na ang nakalipas noong sumailalim siya sa salpingectomy.

Ito ay isang procedure na kung saan tinatanggal ang fallopian tubes ng isang babae para hindi na makapagdalang-tao.

Ngunit sa kaso ni Elizabeth ay mukhang nabigo ang layunin ng procedure at siya ay nabuntis parin.

“I had three children and so, I decided that my family was complete. And I had what’s called a salpingectomy, where I had my fallopian tubes removed. It prevents pregnancy and helps prevent ovarian cancer. So I was quite shocked when last year I was kind of feeling pregnant”, pagkwekwento ni Elizabeth.

Wala man sa kaniyang plano ay naging masaya parin naman si Elizabeth ng maramdamang siya ay maaring nagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para makumpirma ang nararamdaman ay nag-pregnancy test si Elizabeth at ang naging resulta nga ay positive.

Bagamat gulat at natuwa sa hindi inaasahang blessing na dumating sa kaniya ay nag-alala si Elizabeth sa magiging kalagayan ng kaniyang baby. Ito ay dahil wala na siyang fallopian tubes na magkokonekta sa kaniyang uterus at ovaries. Kaya malaki ang posibilidad na hindi sa uterus niya mabuo ang kaniyang dinadala.

“Once I found out that I was pregnant I was very concerned that the baby was going to be in my abdominal cavity, but we were floored and excited that he was actually in my uterus where he was supposed to be”, masayang pagbabahagi ni Elizabeth.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo of Elizabeth Kough and son Benjamin from Pinterest

Pagdating ng hindi inaasahang blessing

Paglipas ng ilang buwan ay lumaking maayos at malusog ang baby sa tiyan ni Elizabeth.

At nito lamang March ay isinilang ni Elizabeth ang pang-apat niyang anak sa pamamagitan ng caesarean section delivery na pinangalanan niyang si Benjamin.

Hindi nga maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Elizabeth sa pagdating ni Baby Benjamin na itinuturing niyang swerte at blessing sa kanilang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi niya, 

“He is a beautiful baby. I am exceptionally lucky to have him in my life. I have one child leaving the house and one child coming in. It’s hard to explain. I just feel very full of joy. Very, very full, I’m very blessed to have him around, I’m shocked in a great way. I’m shocked and awed.”

Ano ang salpingectomy?

Ang salpingectomy ay ang surgical removal ng isa (unilateral) o dalawang (bilateral) fallopian tubes ng isang babae.

Maliban sa ito ay isang permanent birth control method, isinasagawa rin ang salpingectomy bilang lunas sa mga health problems na nararanasan ng mga babae tulad ng sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • ectopic pregnancy
  • blocked fallopian tube
  • ruptured fallopian tube
  • infection
  • fallopian tube cancer

Ang salpingectomy ay isang paraan din para mabawasan ang tiyansa ng isang babae na magkaroon ng ovarian cancer.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement