Sam Pinto wala pang balak sundan ang anak: “I am not ready yet I feel like now palang I'm getting myself back.”

Pero kuwento ni Sam ang mister niyang si Anthony humihirit na ng baby boy sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sam Pinto hindi pa balak magkaroon ng baby #2. Ayon sa celebrity mom, ngayon palang niya naibabalik ang dating Sam.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Sam Pinto sa hindi pa pagkakaroon ng baby #2.
  • Si Sam Pinto bilang isang ina.
  • Birth story ni Sam Pinto.

Sam Pinto wala pang balak magkaroon ng baby #2

Larawan mula sa Instagram account ni Sam Pinto

Higit isang taon na ng maisilang ni Sam Pinto ang first baby nila ng mister na si Anthony Semerad. Ito ay isang girl na pinangalanan nilang Mia. Si Sam sinabing nai-enjoy niya ang pag-aalaga sa anak. Sa katunayan, sa ngayon daw ay naa-amaze siya sa mga developmental milestones na nagagawa na nito.

“She can actually express herself and say what she wants and doesn’t want. Dati kahit whatever nalang bigay mo.”

“Every day there’s something new. Even it’s like a little word, a little thing she does a new shoulder dance that she was doing today. It’s so amazing to watch her grow parang ang daming nangyayari every time.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Sam tungkol sa 1 year old daughter niyang si Mia.

Pero ayon sa celebrity mom, bagamat nai-enjoy niya ang pagiging isang mom wala pa raw siyang balak magkaroon ng baby #2. Bagamat pag-amin niya ang mister niyang si Anthony ay iba ang plano para sa kanilang pamilya. Pero para kay Sam hindi na muna, dahil ngayon niya pa lamang nababalik ang dating sarili niya.

“Honestly, Anthony wants a boy within 2 years or 3 years. Ako I am not ready yet I feel like now pa lang I’m getting myself back , I’m feeling myself again because before the baby it’s just me, biglang may baby then it’s all about her. I feel like okay I can be me again.”

Ito ang paliwanag ni Sam kung bakit ayaw niya pang masundan muna ang panganay niyang si Mia.

Kuwento pa ni Sam, masaya siya na nagbabalik ulit siya sa pagdalo ng mga events. Bagama’t natatawa niyang kuwento sa ngayon, ito ay mga mom events na. Pero magkaganoon pa man ay sobrang nai-enjoy niya ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Sam Pinto

Si Sam Pinto bilang isang ina

Maliban sa pagiging hands-on mom sa anak na si Mia busy rin si Sam sa pag-lelead ng renovation ng bahay nila. Ganoon din sa pagpapatakbo ng mga businesses nilang mag-asawa. Sa sobra niya ngang busy ay wala na daw siyang oras mag-gym. Mabuti nalang daw at pinipilit siya ng mister niyang si Anthony kaya naman naibalik niya narin ang fit niyang katawan.

“Right now we are moving from a condo to a house, we are renovating this house and I am leading the whole renovation. Right now I don’t really have time to go to the gym. But if I do have time I tried to do it 3 times in a week. Sabay kami ni Anthony, he pushes me. Kung hindi niya ko pinupush di ako punta.”

Ito ang kuwento pa ni Sam sa panayam sa kaniya ng theAsianparent Philippines.

Nitong Setyembre ay ipinagdiwang ni Sam at mister na si Anthony ang first birthday ng kanilang first baby na si Mia. Kasama ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan ay nag-organize si Sam ng boho rainbow themed birthday party sa anak.

Kalakip ng mga larawan sa naging birthday celebration ng anak, si Sam may maikling mensahe sa kaniyang first baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Happy first birthday to my heart! Every day you continue to amaze me. You are the most wonderful blessing we ever had. I know the future only holds the best for you. We love you with all our hearts. ♥”

Larawan mula sa Instagram account ni Sam Pinto

Birth story ni Sam Pinto

Setyembre ng nakaraang taon ng isilang ni Sam ang anak niyang si Mia. Sa isang Instagram post ay ibinahagi niya ang kaniyang naging birth story na kung saan kuwento niya ay unforgettable dahil si Sam nakaranas ng preeclampsia habang buntis. Muntik narin malagay sa peligro ang buhay niya ng manganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“For some reason I developed hypertension during my pregnancy even if I think that’s the healthiest I’ve ever been. Maybe cause my mom also was pre-eclampsia.”

Ito ang kuwento ni Sam sa isang IG post.

Dahil nasa gitna ng pandemic ng manganak, naging mas intense pa daw ang birth experience ni Sam. Kinailangan niyang manganak ng mag-isa at nakapasok lang sa delivery room ang mister na si Anthony ng mailabas niya na ang anak na si Mia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Finally after 16 hours, Mia was ready to come out. And Anthony was able to enter the delivery room. After 3 pushes, she was out! Anthony cut her umbilical cord. Stayed in the hospital for technically 3 days. 1 day for labor and 2 days recovery room.”

Ito ang kuwento pa ni Sam tungkol sa kaniyang naging panganganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement