Sam Pinto sa buhay may-asawa: “I love it”

Ayon kay Sam, maliban sa buhay may-asawa nai-enjoy niya rin ang pagiging ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sam Pinto nai-enjoy ang marriage nila ng mister na si Anthony Semerad. Sabi pa ni Sam hindi ito tulad ng sinasabi ng marami na magiging komplikado at hindi masaya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Sam Pinto on her marriage.
  • Sikreto ng masayang pagsasama ni Sam at Anthony.

Sam Pinto on her marriage

Larawan mula sa Facebook account ni Sam Pinto

Nagbabalik sa mundo ng showbiz ang sexy star na si Sam Pinto. Si Sam ikinasal noong March 2021 sa Australian-Czech-Filipino basketball player na si Anthony Semerad. Sila rin ay mayroon ng isang anak na si Mia Aya na isang taon na ngayon.

Sa programa ng talkshow host na si Boy Abunda na Fast Talk ay natanong si Sam sa estado ng marriage nila ni Anthony. Si Sam masaya itong sinagot na. Ayon pa sa sexy star nai-enjoy niya ang buhay may-asaw. Dahil umano sa katauhan ng mister niyang si Anthony ay nakakita siya ng isang bestfriend na lagi niyang makakasama.

“I love it. It is actually having somebody there with you, for you, anytime, anywhere. Parang automatic mong friend, best friend. It's automatic that there's someone there for you."

Ito ang masayang sabi ni Sam.

Realization pa ni Sam, ang buhay may asawa ay hindi tulad ng sinasabi ng iba. Dahil bago daw sila ikasal ni Anthony ay marami ang nagsasabi sa kaniyang huwag munang magpakasal. Ito ay dahil sa kaakibat nitong komplikasyon. Tulad nalang ng kaniyang ina na nahiwalay na sa kaniyang ama.

Pero si Sam, sinabing hindi totoo ang sinasabi nila. Siya ngayon ay nai-enjoy ang married life sa piling ng mister na si Anthony.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sikreto ng masayang pagsasama ni Sam at Anthony

Pagpapatuloy ni Sam, kung may isang sikreto ang pagsasama nila ni Anthony, ito ay walang iba kung hindi komunikasyon.

"I learned that communication is really the key because I can't read his mind, he can't read mind.”

Ito ang sabi pa ni Sam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa kaniyang married life ay nai-enjoy rin ni Sam ang pagiging ina. Ayon pa nga sa kaniya, sa ngayon sa anak na si Mia umiikot ang mundo nila ng mister niyang si Anthony.

Larawan mula sa Facebook account ni Sam Pinto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement