Niño Muhlach, Diane Tupaz sa isyu ng “panghahalay” sa anak na si Sandro: Kababuyan!

Naglabas na ng pahayag ang mga magulang ni Sandro Muhlach kaugnay ng umano'y panggagahasa sa aktor ng dalawang GMA contractors.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi nakalusot sa mata ng mga fan ni Niño Muhlach ang cryptic post nito sa social media. Palagay ng mga netizen, may kinalaman ito sa umano’y nangyaring “rape” sa kaniyang anak na si Sandro Muhlach.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sandro Muhlach di umano’y ni-rape ng dalawang GMA contractors?
  • Niño Muhlach at asawang si Diane Tupaz naglabas ng saloobin

 Sandro Muhlach ginahasa umano ng dalawang GMA contractors!

Usap-usapan ngayon sa social media ang umano’y panggagahasa sa anak ni Niño Muhlach na si Sandro. Ayon sa mga kumakalat na online posts at articles, naganap ang insidente matapos umano ang GMA Gala kamakailan. Kung saan ay inimbitahan daw ng dalawang GMA Executives ang anak ni Niño Muhlach na kapapasok lang showbiz.

Larawan mula sa instagram ni Sandro Muhlach

Dinala raw si Sandro Muhlach sa isang hotel para umano sa isang after party. Kaya lamang ay nagulat ang aktor nang malaman na tatlo lamang sila na naroon. Pinainom daw ng dalawa ang batang aktor at doon na nga naganap ang umano’y panghahalay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaugnay nito, naglabas ng pahayag ang GMA Network kung saan ay kinilala nila ang dalawang nai-issue na mga “independent contractors” nila. Pero sinabi rin ng GMA Network na wala pa umano silang natatanggap na formal complaint mula sa mga di umano’y sangkot sa isyu.

“Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network. We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the network is committed to conducting a thorough and impartial investigation. We assure the public that GMA Network takes such matters with the utmost seriousness,” pahayag ng GMA.

Larawan mula sa instagram ni Diane Tupaz

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Niño Muhlach at asawang si Diane Tupaz naglabas ng saloobin

Nito lamang July 31, naglabas ng isang cryptic post sa kaniyang Facebook page ang father ni Sandro Muhlach na si Niño. Hinala ng mga fan na tungkol ito sa isyung kinasangkutan ng anak.

Aniya sa maikli ngunit emosyonal na FB post, “Inumpisahan nyo, tatapusin ko!”

Kasunod nito ay nagpaskil din ng cryptic post ang mother ni Sandro Muhlach na si Diane Tupaz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa instagram ni Diane Tupaz

Aniya, “Pinalaki at iningatan naming mabuti ang aming mga anak na puno ng pagmamahal at pag-aaruga tapos wawalanghiyain lang ng mga kung sinong tao na nilamon ng kademonyohan sa katawan para magawa ‘yung ganung klaseng kababuyan!” 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi kami makakapayag na hindi namin makakamit ang hustisya! Habang buhay na dadalhin ng anak namin yung kababuyan na ginawa nyo sa kanya! Wala kaming pakialam kung sino kayo o kung sino ang poprotekta sa inyo!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan