11 Buwang sanggol maaaring aalisin na sa life support, ayon sa korte

Hindi na rin maaaring iuwi ng magulang niya si Charlie o dalhin sa Amerika para sa treatment, pasya ng korte sa England...

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinanganak si Charlie Gard noon August 4, 2016. Matapos ang ilang linggo, hirap siyang iangat ang kanyang ulo at hindi siya lumalaki. Napansin ding wala siyang ganang kumain. Dumating ang panahon na hirap na ito huminga.

Noong dalawang buwan siya, dinala siya sa Great Ormond Street Hospital London kung saan siya na-diagnose ng Encephalomyopathic Mithochondrial DNA depletion syndrome. Dahil sa kundisyon na ito, nagkaroon siya ng mga sakit sa muscle, organs, at utak. Kokonti pa lamang ang nagkakaroon ng sakit na ito. Maliban kay Charlie, 15 pa lang ang na-diagnose nito.

Hindi siya makahinga, makakita, makarinig, o makalunok, kaya nilagay na siya sa life support.

photo: Charlie Gard facebook

Maraming gustong tumulong ngunit hindi nabago ang pasya ng korte

Nag-research ang ina ng sanggol na si Connie ng mga iba pang posibleng treatment na maaaring makatulong sa anak nila. May nakita silang doktor sa US na may sinugesst na experimental therapy. Ngunit ng ididischarge na nila ang bata ay hindi pumayag ang ospital.

Dinala ni Connie at Chris ang kaso ng kanilang anak sa European Court of Human Rights, at nakalikom ng £1.3 million (o halos 86 million pesos) ang pamilya ni Charlie mula sa donations ng mga mabubuting loob na gustong tumulong sa bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit nagpasya ang korte na may karapatan ang ospital na putulin na ang life support ng bata. Hindi nila pinayagang dalhin ito sa Amerika at pinigilan din silang iuwi ito. Ayon sa kanila, wala nang pag-asa at hindi na dapat pahirapan pa ang bata.

Maraming nagalit sa naging desisyon ng korte dahil tila tinanggalan ng karapatan ang mga magulang ng sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

photo: Charlie Gard facebook

Nagalit ang marami dahil tila tinanggalan ng karapatan ang mga magulang ni Charlie

Ayon sa New York Times, nag-o-offer ang NewYork-Presbyterian Hospital/Columbia University Medical Center na tatanggapin nila ang bata upang subukang gamutin ito. Pero hindi nabago ang desisyon ng korte.

Matapos ang ilang buwang laban, isinuko na ng mga magulang ni Charlie Gard ang kaso nila na dalhin ito sa Amerika para sa isang experimental treatment na maaaring magsalba ng buhay nito.

Sina Chris Gard at Connie Yates, ang magulang ng 11 na buwan na sanggol, ay nakatira sa England.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masaklap tanggapin ang balita lalo pa’t nalalapit na ang August 4, ang unang kaarawan ni Charlie.

“Ang pakawalan ang pinakamamahal naming Charlie ay ang pinakamahirap na bagay na aming gagawin,” ani Connie sa isang panayam sa BBC.

Ang kundisyon ni Charlie ay tinatawag na encephalomyopathic mitochondrial DNA depletion syndrome, na nagsanhi ng matinding brain damage. Dahil dito, hindi niya magalaw ang kanyang mga kamay at paa.

Pero ayon sa isang doktor sa US, huli na daw ang lahat at hindi na tatalab ang nucleoside therapy, kung kaya’t nagpasya ang mag-asawa na tapusin na ang laban.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN: Sanggol patay dahil sa virus na hinihinalang galing sa halik

sources: BBC, The New York Times, NCBI

Sinulat ni

Bianchi Mendoza